*Balik kayna Anna at Nicolas...*
/Anna's P.O.V/
Nagaalala ako para sa kapatid ko, Jusko baka may mangyare ulit sa kanya!
Kinakabahan na talaga ako kaya tinawagan ko ulit si Miguel pero hindi pa rin sya sumasagot.
"Alam mo Nicolas puntahan na natin si Miguel. Mukhang may masamang nangyare sa kanya." Sabi ko kay Nicolas.
"Oo nga eh, Pero for sure okay lang naman sya tsaka baka nakakalimutan mo nandyan naman yung mga kaibigan nya lalo na si Penelope." Sabi ni Nicolas na napatingin ako sa kanya.
"Oo Nicolas, pero kapatid ko si Miguel at nagaalala ako para sa kanya." Sabi ko kay Nicolas na tumayo at pupunta sakin.
"Ikaw Napaka Overprotective mo naman sa kapatid mo Anna, Siguro ganun din ang Mommy mo noon?" Sabi ni Nicolas sakin na doon nabigla sa sinabi nya.