Chapter 2

0 0 0
                                    

"ANO sa tingin mo ang ginagawa mo? Bitawan mo nga ako!" bulyaw ko kay Yoyong at pinilit bawiin ang kamay sa kanya.

Napalingon naman siya sa akin. Tiningnan niya ang nawala kong kamay sa hawak niya bago ako tinitigan.

"I'm helping you to get out of there. Kinukuyog ka ng fans ko." inosente niyang sinabi.

"What?! Alam mo, hindi ko kailangan ang tulong mo. Okay na eh. Na-explain ko na sa kanila na magkaibigan tayo and that I am here to support you--."

"So, magkaibigan na pala tayo?" nakangisi niyang putol sa sasabihin ko. Mas lalo tuloy akong naasar sa kanya.

"What?! Sinabi ko lang iyon sa fans mo para tigilan na nila ako sa pangungulit nila. Napagkamalan akong girl friend mo dahil diyan sa pagkindat-kindat mo! Ano ba kasing meron diyan sa mata mo at pakirat-kirat 'yan!" bulyaw ko sa kanya.

Napakamot tuloy siya sa ulo. Napapatingin na rin ang mga tao sa amin. Natawa naman siya kalaunan pero nang makita niya ang pag-angat ng kilay ko ay pinigilan niya iyon.

"E'di we're friends in the eyes of them--."

"Paano tayo magiging friends sa paningin nila? Tinawag mo akong 'babe' sa harap nila!" nanggagalaiti ko pang sabi.

Napanguso naman siya sa sinabi ko at muling napakamot sa ulo.

"Fine. Sasabihin ko na...na ano...na binibiro lang kita kanina. Gusto lang kitang pagtripan. I'll explain to them. I swear!" sabi niya at inangat ang kanang kamay na pawang nanunumpa.

"Are you sure? Maniniwala ba sila sa'yo?" pagdududa ko.

"Yes. Ano pa at fan ko sila kung hindi sila maniniwala sa akin, 'di ba?" seryoso niyang sagot kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Tumango-tango ako sa kanya bilang pagsuko sa diskusyon namin.

"Fine. I'll leave it up to you. Pero binabalaan kita, Yong. Kapag hindi mo naayos ito ay malilintikan ka sa akin." sabi ko bago lumakad palayo sa kanya.

Napahawak na lang ako sa noo habang naglalakad. Buti na lang at hindi na siya nangulit pa at hinayaan na akong makaalis. Ang kulit din kasi ng isang iyon eh!

MABILIS akong nakatulog nang gabing iyon. Siguro ay dahil na rin sa pagod at sa emotional stress na dala ni Yoyong dahil sa mga pangyayari.

Pero kung akala ko ay tapos na nga ang issue namin dahil nangako siyang aayusin niya, nagkamali pala ako.

Nagbibihis na ako sa kwarto at katatapos ko lang maligo. Maaga pa, kaya naman hindi ako nagmamadali ngayon. Hindi kasi ako puyat kagabi at mahaba ang naging tulog ko, kumpara noong mga nakaraang araw.

Nagsusuklay na ako ng buhok nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Raymart sa screen. Kagabi ay hindi siya tumawag sa akin, marahil ay busy. Buti naman at tumawag siya ngayon.

"Hello?" malambing kong sagot kay Raymart.

"Ano itong naririnig ko tungkol sa'yo, Jennifer? Nagsawa ka na ba sa akin kaya humanap ka na ng kapalit ko?" Galit na galit si Raymart sa kabilang linya. Umusbong tuloy ang kaba sa dibdib ko.

"Raymart, hindi kita maintindihan." halos naiiyak kong sabi dahil sa takot.

"Nagmamaang-maangan ka pa? Dahil ba busy ako sa pag-aaral at nawalan na ako ng oras sa'yo kaya ipinagpalit mo ako? Sabagay, ano ba namang laban ko sa sikat na volleyball player na iyon? At mas bata pa talaga ang ipinalit mo sa akin?"

Lalo akong kinabahan sa sinabi niya. I think he was talking about Yoyong. Agad na bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kahapon sa game nina Yoyong.

"Raymart, let me explain. You're misunderstanding the situation. Let's talk first." halos pagmamakaawa ko.

He's YoungerWhere stories live. Discover now