KABANATA XXI

1.6K 77 9
                                    

"Mukhang kilalang kilala ka ng ilang mga nandito ah" Bulong na sa akin ni Jasmine matapos akong harangin ng ilang mga businessman para makipag usap.

"Syempre, ikaw ba naman biyakin at haluglugin puso nila makakalimot ka ba" Natatawang sagot ko kaya natawa na lang din naman ito.

Kasalukuyan kaming nandito sa garden nila kung saan ginaganap ang birthday party ng kuya niya.

Gaya ng inaasahan ko ay nandito kaming magkakaibigan at ang buong pamilya ni Aiah.

"Dra. Lim, it's nice to see you here, hindi ko alam na nobya mo pala tong unica hija ng mga Henry" Aniya pa ng isang kilalang business man sa akin at tumingin na kay Jasmine na nakapulot na ang kamay sa braso ko.

"Ayy no, Mr. Ramirez, doktor at kaibigan ko lang to si Mikha" Pagdeny ni Jasmine kaya tumango naman agad ako.

"Oh? I'm sorry, bagay kasi kayo" Usap pa niya kaya sabay naman kaming natawa ni Jasmine.

Ilang saglit pa ay narinig ko naman na tinawag na ng host sa mini stage si Jasmine kaya taka naman kaming napatingin doon dalawa.

"Ms. Jasmine, maraming nagrerequest ng isang song number galing sayo at isa na po ako sa nagrerequest po, baka naman po" Magalang na nakangiting pakiusap ng host kaya agad naman nagpalakpakan ang ilang.

"Go! Parinig ako ng mala anghel mong boses" Nakangiting bulong ko na sa kaniya at agad naman siyang nakangiting tumango.

Inalalayan ko pa naman siya paakyat ng stage at kita ko naman ang simple at walang emosyon na tingin sa akin ng mga kaibigan ko habang ngiting ngiti naman nakatingin sa akin si Gwen at Jhoana.

"Ahm, good evening everyone" Bati na niya kaya napatingin naman na kaming lahat sa kaniya.

"Okay, let's go!" Usap pa niya at magsimula na magpatugtog ang banda na nandodoon.

Kapag ako ay nagmahal
Isa lamang at wala nang iba pa
Iaalay buong buhay
Lumigaya ka lang lahat ay gagawin

Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iniwang saksi

Bakit nga ba mahal kita
Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko
'Di mo man ako mahal ito pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa 'yo

Jasmine.

Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba
Ba't baliw na baliw ako sa 'yo
Hanggang kailan ako magtitiis
O bakit nga ba
Mahal kita

Kung kaya ko lang, kung pwede lang, kung maari lang, minahal na rin kita.

Ano man ang sabihin nila
Pagtingin ko sayo'y 'di kailan man magmamaliw
Buong buhay paglilingkuran kita
'Di naghahangad ng ano mang kapalit

Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iniwang saksi

Ramdam ko ang alaga at pag aalala mo, ramdam ko ang pagmamalasakit at pagmamahal mo.

Bakit nga ba mahal kita
Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko
'Di mo man ako mahal ito pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa 'yo

Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba
At baliw na baliw ako sa 'yo
Hanggang kailan ako magtitiis
O bakit nga ba mahal kita


Pero hindi talaga, si Aiah pa rin talaga.

Pagkatapos ay nagpalakpakan naman na kaming lahat at agad din siyang bumaba roon at lumapit sa akin.

"Hi again" Nakangiting bati na niya sa akin kaya niyakap ko na lang naman ito.

"Namiss mo na ako agad non" Natatawa ng aniya niya kaya napapailing naman akong humiwalay ng pagkakayakap sa kaniya.

I'm sorry.

Paglingon ko naman sa gilid ay agad naman bumungad sa akin si Aiah na nasa amin na ni Jasmine ang tingin.

Misis ko.

Hindi rin naman nagtagal ay agad na rin siyang hinawakan ni Jeremy at hinila na siya papunta sa isang maliit na stage kung saan kumanta si Jasmine.

"Oh shit!" Rinig ko ng gulat na aniya ni Jasmine kaya taka naman akong tumingin sa kaniya.

"Bakit? May masakit ba sayo?" Tanong ko pero umiling iling naman siya at mabilis na nagpalingon lingon.

"Dito ka lang, anuman ang mangyari, anumang marinig mo, rito ka lang, hintayin mo ko" Bilin pa niya bago tuluyang tumakbo palayo sa akin.

Taka pa rin naman ako napatingin sa kaniya pero agad din umagaw ang atensyon ko ng bigla naman na magsalita si Jeremy.

"Architect. Maraiah Arceta, my future wife" Pakilala na niya kay Aiah.

Future wife.

Nagpalakpakan naman na ang ilan habang nasa akin naman tingin ng mga kaibigan ko at ng pamilya ni Aiah.

At kahit mismo si Aiah.

Bakit hindi ako, misis ko?

"Ahh to be honest, matagal na, pero kinailangan na muna namin hintayin na gumaling ang mommy niya at since magaling na ang mommy niya, si Mrs. Arceta"

"So, We decided na ituloy na ang matagal ng naudlot na wedding" Nakangiting announce na ni Jeremy sa lahat, hindi ko alam kung bakit pero nakuyom ko na lang naman ang kamay ko.

Matagal na?

Ibig sabihin literal na ginamit lang ako ni Aiah?

Palabas lang talaga ang lahat?

Nag mukha nanaman akong tanga at gago? Hindi lang sa harapan niya, kung hindi pati na rin sa lahat ng nakaka alam ng tungkol sa kanila.

Deserve ko ba lahat ng ito?

Tama lang ba mangyari sa akin lahat ng ito?

Nagmahal lang naman ako.

Minahal ko lang naman siya.

Minahal ko naman siya.

Ginawa ko naman lahat.

Bakit ganito?

Bakit, misis ko?

"Dre" Rinig ko pang tawag nila Colet sa akin pero hindi ko na lang naman ito pinansin.

"Kiss! Kiss! Kiss!"

"Dre! Tara na! Alis na tayo!" Yaya na sa akin nila Colet pero nanatili lang naman ako roon.

"Pero kailangan tayo ni Aiah dito, espesyal tong araw na 'to para sa kaniya" Nasabi ko na lang at hindi naman sila makapaniwalang humarap sa akin.

"Hindi na, kaya na nila Maloi rito, tara na" Usap ni Colet kaya umiling na lang naman ako.

"Nangako ako sa kaniya noon na kapag na engaged siya, nandon dapat ako, nasa paligid niya dapat ako, na ako dapat yung nasa harapan niya" Kwento ko na lang sa kanila ng hindi na nila ako kulitin.

"Maaring nasa paligid ka niya, maari ngang nandito ka pero hindi na sa harapan niya dre, kaya tara na, Mikha" Seryosong yaya na ni Jhoana sa akin.

"Hindi na ikaw yung nasa harap niya dre, si Jeremy na, ano ba?!" Inis ng aniya ni Gwen pero hindi ko na lang naman ito pinansin.

"Kiss! Kiss!"

And they kissed.

They kissed in front of me.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now