KABANATA XXIII

1.8K 85 2
                                    

Pagdating sa bahay ay agad naman inasikaso ni Mommy sila Aiah at ang mommy nito maging ang mga kaibigan ko papuntang guest room.

Habang kami naman nila Colet, Gwen at Jhoana ay naiwan sa baba kasama ng kuya at daddy ni Aiah maging ang daddy ko.

"Ibig sabihin, hindi aksidente ang nangyari sayo noon anak? Talaga palang may nagtaka noon sa buhay mo" Hindi pa rin makapaniwalang usap ni Daddy ng maalala ang car accident ko noon ng mapanood na rin ang video na lumabas kanina.

Galing sa flash drive na nakalagay sa loob ng envelope ang video na iyon, bukod sa flash drive ay naglalaman din ito ng ilang mga dokumento at litrato na siyang nagpapatunay na may kinalaman nga si Jeremy sa lahat ng nangyayari sa firm nila Aiah.

"At paanong nagawa kayong traydurin ng tauhan niyo, pre?" Tanong na rin ni Daddy sa daddy ni Aiah.

"Hindi ko rin alam, hindi ko rin alam ang tungkol sa problema ng firm, mukhang sinarili ng anak ko ang paglutas sa problemang ginawa ng mga hayop na yon" Mahinahon ngunit halatang galit ba rin sagot ng daddy ni Aiah.

"Ang akala ko rin okay noon ang firm, wala akong nababalitaan na problema o kung anong kinukulang na kami ng mga client, maaring sinakripisyo nga ni Aiah ang relasyon niyo Mikha para lang masalba ang firm ng hindi nakakarating sa amin ang problema" Aniya pa ng kuya nito kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.

Bakit ba kasi hindi na lang siya sa akin humingi ng tulong?

"Tinawagan ko na ang abogado namin, bukas na bukas ay pupunta na yon dito sa amin, pero wala na ba kayong ibang madadagdag na ebidensya bukod dito?" Tanong na ni Daddy sa amin.

"Sabi sa akin ni Jasmine, handa raw humarap at tumulong ang dati niyong tauhan, maaari siyang maging alas para mas lalong madikdik yung gagong Jeremy na yon" Usap ko na sa kuya ni Aiah.

"May ilang rin tito na nagpasa sa akin ng video ng muling pagbabanta ni Jeremy sa buhay ni Mikha" Dagdag pa ni Gwen at pinakita na sa amin ang video.

Magkamatayan na tayo pero hindi ko na hahayaan na makaperwisyo ka pa sa misis ko.

Habang nag uusap naman na sila Daddy at Daddy ni Aiah at kuya nito ay agad naman ginamot ni Jhoana ang kamay ko.

"Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari" Biglang usap ni Gwen sa amin.

"So, ayon pala ang dahilan kung bakit" Dagdag pa ni Jhoana habang nililinis pa rin ang kamay ko.

"Maaring hindi lang iyon, maaaring meron pang ibang dahilan si Aiah na hindi pa rin natin nalalaman patungkol sa kagaguhan ng Jeremy na yon" Dagdag pa ni Colet kaya napahinga na lang naman ako ng malalim.

"Sa tingin ko, kailangan niyong mag usap ni Aiah baka may madagdag pa tayong impormasyon patungkol sa mga nangyari" Dagdag pa ni Gwen kaya napatango na lang naman ako.

Ilang saglit pa ay pinagpahinga na rin ni Daddy ang mga ito.

"Huwag kayong mag alala, nagpadagdag na ako sa labas ng subdivision ng security maging sa labas ng bahay" Usap pa ni daddy sa mga ito.

"Kaya safe tayo rito, pare-pareho"

Nagpaiwan naman na ako sa sala at ininom na lamang ng beer na kinuha ko.

"Anak"

"Masyado yata ako nabusy para hindi malaman ang pinoproblema ng girlfriend ko noon, dad" Usap ko na kay daddy ng tumabi na ito sa akin.

"Hindi ko man lang nalaman na may gagong demonyo na palang umaaligid noon sa kaniya, na may ganon klase na pala siyang problema" Napailing na lang naman ako at inubos na beer na hawak hawak ko.

"Hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan, ang isipin mo na lang ang ngayon kung paano natin mababayad ang isang yon sa mga nagawa niya kay Aiah at sayo" Usap ni daddy kaya napatango na lang naman ako.

"At hindi malulutas ang problem diyan sa bagay na iniisip mong gawin" Seryosong usap na niya kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.

"Idadaan natin to sa malinis na proseso, hindi ka gagaya sa kaniya, maliwanag?" Pangaral na niya kaya napatango na lang naman ako.

"Oh sige na, matulog ka na ron at maaga pa tayo makikipag usap kay Atty" Aniya na ni dad at tumango na lamang ako.

Pagpanik ko sa taas ay agad ko naman nakasalubong si Mommy na palabas ng isang guest room kaya agad ko naman itong pinuntahan.

"Mommy" Usap ko at agad naman niyang chineck ang kamay ko.

"May iba ka pa bang nararamdaman? Masakit pa ba?" Nag aalala ng tanong niya pero umiling na lang naman ako at niyakap na siya.

"Magiging okay ang lahat, anak, magiging okay din ang lahat" Aniya pa niya, saglit pa kami nag usap at hinatid na rin niya ako sa kwarto ko.

"Diyan ko na pala sa kwarto mo pinatulog si Aiah" Usap pa niya bago ako tuluyang pumasok kaya napatango na lang naman ako.

"Goodnight, iloveyou" Bati ko pa kay mommy at hinalikan na ang pisnge nito.

Pagpasok sa loob ay bumungad naman na sa akin si Aiah na tulog na tulog na sa kama ko kaya dahan dahan na lang naman akong lumapit sa kaniya.

"I'm sorry" Nasabi ko na lang habang nakatitig na sa mala anghel niyang mukha.

"I'm sorry, kung kinailangan mong pagdaanan lahat ng iyon ng mag isa" Usap ko pa at hindi na nga napigilan ng mga mata ko ang mapaluha.

Hindi ko lubos maisip na napapagod siya, nalulungkot siya mag isa, nag iisip kung paano lulutasin ang mga problemang ginawa ng gagong yon ng walang pinagsasabihan na iba.

"Wala kang kasalanan" Biglang usap niya kaya mas lalo naman akong naiyak.

"I'm sorry" Nasabi ko na lang at naluluha naman na siyang napapailing habang pinupunasan na ang mga luha sa mata ko.

"Ako ang dapat na mag sorry sayo, kung binabaan ko lang ang pride ko, kung natuto lang akong humingi ng tulong sa inyo, pero ayoko lang na maging pabigat at dagdagan pa ang isipin ninyo dahil akala ko kaya ko"

"Kaya I'm sorry Mikha, I'm sorry" Umiiyak na rin aniya niya kaya niyakap ko na lang naman ito.

"Pagbabayarin natin ang gagong yon sa lahat ng ginawa niya, kahit ikamatay ko pa" Paninigurado ko na sa kaniya pero agad naman itong humiwalay sa pagkakayakap ko at agad na hinalikan ang labi ko.

Hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak ng muling dumampi ang labi niya sa mga labi ko, lahat ng sakit bumalik pero lahat din ng masasayang araw ay sumagi rin sa isip ko, lahat talaga ay kayang iparamdam sa akin ng babaeng ito, ano na nga lang ako kung wala siya? Kaya lahat ay gagawin ko para sa babaeng ito.

Kahit pa humantong sa kamatayan 'to.

"I love you, Mikha Lim"

"I love you" Umiiyak ng aniya niya habang yakap yakap na ako.

"Kailangan kita rito, kailangan kita ng buhay, kaya pleasee"

"Please, Mikha, plea---

Hindi ko naman na pinatapos ang sasabihin niya ng ako naman na ang humalik sa labi niya.

I can't promise pero susubukan ko para sayo, misis ko.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now