99 : PAPA

1 0 0
                                    

"PAPA"

Hinihiling na sana'y ika'y dumating,
Inaasam ang yakap ng isang ama,
Kailan ko kaya madarama?
Mananatili bang aking hinihiling?

Ama nasaan ka na?
Sa yakap mo'y ako'y nangungulila,
Kailan ka kaya babalik?
Sa pagmamahal mo'y sabik na sabik.

Ama, nasaan ka nga ba talaga?
Bakit mo ako iniwan ng hindi nagpaalam,
Ama, hindi ko alam kung bakit,
Ako'y naghahangad na makapiling ka kahit saglit.

Kahit walang kasiguraduhan kung ika'y magbabalik,
Ninanais ko pa ring ikaw sa akin ay humalik,
Pagmamahal ng isang ama,
Ang nais kong madama.

Ama, bumalik ka na,
Hindi ako kumpleto,
Sa tabi ko'y walang ama na matatawag ako,
Bumalik ka na sa tabi ko.

Ama, tatanggapin ka pa rin,
Iniwan mo man ako't nakalimutan mo din,
Mayakap at maghakan ka'y
nanaisin ko pa rin,
Sapagkat ikaw ang aking hiling.






Hidden LettersWhere stories live. Discover now