KABANATA XXV

1.9K 84 4
                                    

AIAH' S POV

"Pero aminin mo, bagay sila"

"Kahit sino naman yatang maganda babagay kay Mikha"

"Oo tignan mo bagay kami"

"Kilabutan ka nga, Stacey"

Rinig ko pang mga bulungan kaya naimulat ko na lang naman ang mata ko.

"Anong ginagawa niyo rito? Tsaka bakit kayo nandiyan?" Tanong ko na kila Maloi, Sheena at Stacey.

"Ayy girl! Huwag mo na alamin kung bakit kami nakadungaw dito sa bintana, masasaktan ka lang" Sagot ni Stacey kaya tawang tawa naman si Sheena.

"Medyo true, Ate Aiah" Dagdag pa ni Sheena kaya agad naman ako napabangon mula sa pagkakahiga sa kama ni Mikha at dinungaw na rin ang dinudungaw nila.

"What the?!"

"Huwag kang mageeskandalo rito, Ate Aiah, nasa mga Lim tayo paalala ko lang" Paalala pa ni Stacey kaya nabalik ko na lang ang paningin ko kila Jasmine at Mikha na ngayo'y masinsinan na nag uusap sa garden.

Bakit nandito si Jasmine?

Safe bang makasama pa namin siya? Kahit na sa kaniya pa galing ang mga ebidensya?

"Nung una talaga akala ko ma attitude yan si Jasmine kasi diba maganda, mayaman kapag ganyan malamang sa malamang kagaya ni Stacey yan e, maarte!" Usap pa ni Sheena kaya agad naman siyang pinalo ni Stacey.

"Bastos bunganga mo ah" Aniya pa ni Stacey.

"De seryoso, nakwento rin sa akin ni Colet kung paano nagkakilala yang dalawa na yan, sa bar, inuman ganyan ganyan tas ayon catch up catch up hanggang sa nagkagusto na si Jasmine kay Mikha"

"Si Mikha ba?" Tanong ko na kay Maloi.

"Anong si Mikha?" Tanong pa niya.

"Kung nagkagusto rin sa kaniya si Mikha" Sagot ko sa kaniya.

"Noon hindi, hindi ko lang alam sa ngayon" Sagot ni Maloi na siyang nagpabagsak naman sa mga balikat ko.

"Same, ate Maloi, kahit ako napapa isip na rin e" Aniya pa ni Sheena kaya napatingin naman na kami sa kaniya.

"E kasi nakwento ni Gwen na madalas nga magkasama yung dalawang yon, lumalabas ng sila lang tsaka di naman sa pag aano ate Aiah ah"

"E nagagawa rin daw kasi ni Jasmine ang lahat ng nagagawa sayo ni Mikha, in short mahal nga talaga ni Jasmine si Mikha" Kwento pa ni Sheena kaya napatingin na lang naman ako kay Jasmine at Mikha na nag uusap pa rin hanggang ngayon.

"Sabi ko na nga ba e, yung kinanta ni Jasmine kagabi para talaga kay Mikha e" Rinig ko pang dagdag ni Stacey ng mapagtanto ang mga nangyayari.

Posible nga kayang may maramdaman ka na rin kay Jasmine?

Dapat na nga ba kita tuluyan ng bitawan para makuha mo talaga kung ano ang nararapat sayo?

"Pero ilaban mo to, Ate Aiah, ikaw pa rin mahal niyan, ikaw naman ang bumawi nang bumawi kay Mikha ngayon" Nakangiting pagpapalakas na ng loob sa akin ni Sheena kaya napangiti na lang din naman ako.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now