Chapter 2: Searching

14 1 0
                                    

Madrama akong umupo sa harapan ni Veno at tiningnan sya ng malungkot.
Natatawa naman sya sa itsura ko.
"Gurl wag mo akong artehan"bigla akong lumapit sa'kanya dahil alam kung may alam sya lagi, baka source namin to sa mga chissmis.

"Anong full name?talaga bang hindi mo matandaan?"binalik naman nya ang tingin sa'kin.
"Hindi talaga gurl pero ang alam ko yung school nila, nakapunta na ako dun eh"bigla naman akong naging interesado sa sinabi nya.

"Saan?malayo ba?kapag pupunta ka ha sama mo'ko"pag dra-drama ko sakanya.
"Impossible na makapunta na ulit dun, mahigpit kaya sila at bawal ang cellphone dun"hindi naman ako nagulat sa sinabi nya dahil bawal din naman ang cellphone sa school namin kung pwede man ay kaylangan namin ng permission.
"Ha?edi pa'ano ko sya ma i aadd sa fb?"inis kong sagot.

"Nako malabo, isa pa dun kaya sila halos nakatira, may kakilala akong taga St.Laurenth ang alam ko tatlong araw lang sila sa isang buwan umuuwi, kaya wag kanang umasa"

Nalungkot naman ako sa impormasyon na sinabi nya kung totoo man yun ay mukang impossible ko nga syang makausap.

"Crush ko din yung Loui eh mang-aagaw ka Dahlia"pabirong sabi sa'kin ni Alexa.
Tumawa ako at dinilaan sya.
"Blehh sa'kin lang si Kuyang nakasalamin"pang aasar ko din sa'kanya.

"Pano mo naman sya makakachat eh wala nga silang cellphone"singit naman ni Keiva.
"Tsk akong bahala beh mapapasakin din yan"nakangisi kung sabi.
"Ulol beh wag kami"dagdag naman ni Yana.

"baka kase di ka pa move on kaya yan ang pinag didiskitahan mo"bulong nya sa'kin, agad ko naman syang tinulak.

Sinamaan ko sya nang tingin at tumawa lang sya.
Napatingin ako sa lalaking tinutukoy nya.

"𝑡𝑠𝑘,𝑝𝑎𝑘𝑒 𝑘𝑜 𝑑𝑦𝑎𝑛"sabi ko sa isip ko at inirapan nalamang sya.

"Mukang may bagong crush na si Dahlia haha pano na si Yuri"pang aasar lalo sa'kin ni Yana.
"Tumigil ka nga beh sasapakin talaga kita"at tinulak sya.
"Ayiee naks pano pala kung bakla yun,diba madaming bakla sa seminaryo?"si Adi at natawa naman sila.

"Ano naman kung bakla sya, gusto ko nga yung mga parang bakla eh"nakangiti kong sabi, totoo yun dati kung pinangarap na magkaroon ng baklang bf masaya kase silang kasama and madaming benifits kapag bakla haha.

"Oh ayun bakla daw pala gusto nya, Yuri"umirap naman ako dahil kami na naman ang pinag disiskitahan nila.

Nasa likod sya kaya di ko makita ang reaksyon nya.
Kaya't nagulat ako sa sunod na sinabi nya.
"Handa akong maging bakla para sayo"agad naman nag hiyawan ang mga kaklase ko at napalingon naman ako sa'kanya, nakita ko ang nakakaloko nyang ngisi, agad ko syang inismiran para hindi ako mailang.

Pag kaharap ko ay kitang kita ang nakakaloko nilang ngisi.
"Tumigil nga kayo"pag tatakip ko sa mga muka nila.
"Ayiee kinikilig ka ano..."si Keiva.

Doon ay talagang binatukan ko na sya.

"Dahlia"tawag pansin sa'kin ni Ryan.
Naglalakad ako ngayon palabas ng paaralan.
Ngumiti ako sa'kanya, sya si Ryan schoolmate ko.
"Kamusta naman ang klase?"tanong nya sa'kin.
"Ok naman medyo nakakapagod lang"nakangiti kong sabi.
"Ganun ba, sige ba-bye kita nalang ulit tayo bukas ha"tumango naman ako sa sinabi nya.

Nakatulala lang ulit akong naglalakad,iniisip ko kung ano bang mga quiz at assignment's namin para bukas.

Nakarating na ako sa bahay at pag-kauwi ko ay agad kong kinuha ang mga notebook ko at nag simula nang mag review.

Bigla namang nang notif sa'akin ang chat ng mga kaklase ko sa gc.

𝑇𝑜𝑛𝑖𝑓𝑙𝑜𝑤𝑒𝑟 𝑓𝑎𝑛𝑐𝑙𝑢𝑏 +27

𝐅𝐚𝐥𝐥𝐞𝐧 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥(On-Going)Where stories live. Discover now