KABANATA XXVIII

1.7K 79 7
                                    

"Oh dre!? Akala ko kasama niyo na si Mikha?" Tanong na ni Gwen kila Colet at Jhoana ng dumating na ito sa cafeteria.

"Ang akala namin sabay kayong pupunta rito" Sagot ni Colet sa kaibigan.

"Nasaan na kaya yon?" Takang tanong na ni Jhoana sa dalawa.

"Hindi kaya bumalik sa opisina ni Aiah" Aniya pa ni Gwen sa kaibigan.

"Malabo dre, sa akin nga pinapasundo si Ate Aiah mamaya e" Sagot na ni Jhoana sa kaibigan.

"May surgery nga pala siya" Nasabi na lang din ni Gwen.

Ilang saglit pa ay may ilang grupo na ng nurse ang lumapit sa tatlo kaya agad naman silang napatingin sa mga yon.

"Dra. Vergara pinapatawag po kayo ni Dr. Laurenti sa operating room, kayo rin po Dra. Robles" Usap na ng nurse sa dalawa kaya agad naman tumayo ang mga ito.

"Pinapasunod din po kayo ni Dra. Santos at Dra. Vidanes, Dra. Apuli" Usap pa ng isang nurse kaya taka naman ng tumakbo ang mga ito papuntang operating room.

"Bakit? Sino ba yung pasyente?" Takang tanong na ni Gwen sa mga nurse.

"Grabe ba lagay?" Tanong pa ni Colet sa mga ito.

"Si Dra. Lim po" Sagot ng isang nurse na nagpatigil sa mga ito.

"ANO?!" Gulat ng tanong ng mga ito kaya nagpalitan naman na ng tingin ang mga nurse.

"S-si Dra. Lim po ang pasyente, kritikal po ang lagay, puro tama po ng baril ang buo niyang ---

Hindi naman na natapos ang sasabihin ng nurse ng magpaunahan ng tumakbo ang mga ito papuntang operation room.

"Fuck you! Jeremy! Fuck you!" Sigaw na ni Gwen habang tumatakbo.

"Dre, p-paano si Ate Aiah" Usap na rin ni Jhoana habang tumatakbo.

"Ikaw na sumundo kay Aiah, kami na bahala ni Gwen kay Mikha"

"Pero ---

"Sige na dre! Kailangan ni Mikha si Aiah! Si Aiah ang lakas ng gagong yon!" Sigaw na ni Gwen kay Jhoana ng maghugas na sila ng kamay ni Colet at suotan na ng surgery gown ng mga nurse.

Hindi naman na nag alangan pa ni Jhoana at dali dali ng bumaba sa parking lot para sunduin ang arkitekto, ngunit pagbaba niya sa parking lot ay nakita niya ang kotse ni Mikha na hinarangan ng isa pang sasakyan at ang napakaraming pulis na nakapalibot sa paligid ng parking lot.

Hindi naman na siyang nagdalawang isip na lumapit doon ng muli niya makita ang nakaposas ng si Jeremy na hawak hawak na ng mga pulis.

"Tangina ka!" Sigaw na ni Jhoana ng pagsasapakin na ng pagsasapakin si Jeremy.

"Pag may nangyaring masama sa kaibigan ko! Mapapatay kitang gago ka!" Sigaw pa ni Jhoana ng muli niya itong sapakin.

"Tama na, Jho, mga pulis na bahala riyan" Awat na ng kuya ni Aiah sa doktora.

Nang dalhin na ng pulis ang suspek at ng kumalma na si Jhoana ay hinarap na rin niya ang arkitekto at huminga na ng malalim.

"K-kuya, kritikal ang lagay ni Mikha, kailangan malaman nila tita 'to, ikaw na bahala sumundo sa kanila, ako naman na bahala sumundo kay Ate Aiah" Usap na ni Jhoana sa kuya ni Aiah kaya gulat naman napatango na lang ito.

"Shit! Sige mag iingat ka"

Mabilis naman itong nakarating sa firm nila Aiah at dali daling pumanik papuntang opisina ng dalaga.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu