KABANATA XXX

2.1K 87 2
                                    

Pagpasok sa loob ay bumungad kay Aiah ang mga magulang nila na ngayo'y nakapalibot na sa kama ni Mikha. Kaya dahan dahan naman siyang lumapit sa mga ito at nagulat ng makita si Mikha na buhay na buhay habang nakaupo na ito sa kama niya.

"Misis ko" Nakangiting usap na ni Mikha kaya napahagulgol na lang naman si Aiah sa kinakatayuan nito.

Nanlaki naman ang mata ni Mikha sa nakita at nag aalala na tumingin sa mga magulang niya at ni Aiah.

"Kulang lang po sa yakap at halik yang misis ko, sorry po" Paghihingi na ng paumanhin ni Mikha sa matatanda kaya natawa na lang naman ang mga ito.

"Misis ko, halika na rito kiss kita, tama na kakaiyak" Biro pa ni Mikha kaya agad agad naman na lumapit sa kaniya si Aiah na mabilis din siyang niyakap ng napaka higpit.

"Namiss mo ko?" Todo ngiting tanong pa ni Mikha, tumango naman si Aiah habang yakap yakap pa rin siya.

"Sige, maiwan namin muna kayo" Usap na ng daddy ni Mikha at sabay sabay naman na lumabas ang mga ito.

Patuloy pa rin naman sa pag iyak si Aiah kaya panay na rin ang pag hagod ni Mikha sa likuran nito.

I'm sorry misis ko

"Aiah"

Agad naman napahiwalay si Aiah sa pagkakayakap kay Mikha kaya agad naman pinunasan ni Mikha ang luha nito.

"I love you, Mikha"

"I love you, please, wag mo na ilagay ang sarili mo sa ----

Hindi naman na pinatapos ni Mikha sa pagsasalita si Aiah ng bigla na nitong hagkan ang labi ng dalaga.

"Hindi na, misis ko, hindi na" Bulong na lang ni Mikha at muling niyakap si Aiah.

Kwinento naman agad ni Aiah ang mga mangyari na nakaligtaan ni Mikha habang comatose ito at laking tuwa naman ni Mikha ng malaman na nakulong na si Jeremy at nakabawi na ulit ang firm nila Aiah.

"Mabuti kung ganon atleast ngayon wala na tayong problema" Nakangiting usap na ni Mikha habang hawak hawak pa rin ang kamay ni Aiah.

"Problema ko lang naman kasi to, Mikha" Aniya na ni Aiah kaya napailing na lang naman si Mikha.

"Nonsense, misis ko, isipin mo kung wala akong ginawa, kung hindi nangyari ang lahat ng yon, sa tingin mo hawak hawak ko kaya ang mga kamay mo ngayon" Seryosong sabi na ni Mikha kaya napaiwas na lang naman ng tingin ang dalaga.

"Naniniwala akong may dahilan lahat ng yon at ito ang dahilan ng lahat ng yon, ang ikaw at ako" Nakangiting aniya na ni Mikha habang bahagyang itinaas ang hawak hawak niyang kamay ni Aiah.

"Tsaka ipipilit ko talagang magkalapit ulit tayo no, mapilit ako minsan e" Usap pa ni Mikha kaya sabay naman na natawa ang mga ito.

Muli naman niyakap ni Aiah ang doktora na siya naman kinatuwa nito.

"Natakot ako, akala ko iiwan mo na ako, akala ko susukuan mo na kami rito, natakot din ako na baka mawalan na sila ng pag-asa, natakot ako na baka tanggalin nila ang bumubuhay sayo at maiwan akong mag isa rito" Aniya na ni Aiah habang yakap yakap pa rin si Mikha.

"Aiah"

"Gusto ko pa bumawi sayo, gusto ko pa iparamdam sayo yung pagmamahal ko, gusto ko makasama ka pa sa mahabang panahon" Umiiyak pa rin na dagdag nito habang habang hawak hawak na ang pisnge ng doktora.

"Yung mga plano natin noon, yung kasal, yung bahay, yung mga magiging anak natin, kung seryoso ka talaga roon sa sampung anak na gusto mo, sige, ibibigay ko"

"Okay na ako sa dalawa, misis ko, ayaw kitang mapagod" Sabat pa ni Mikha kaya napangiti na lang naman ang dalaga.

"Hindi ko na kakayanin kung mawawala ka pa sa akin, Mikha. Patawarin mo ako kung sarili ko lang naisip ko noon, patawarin mo ako kung nagawa kong isakripisyo ang kung anong meron tayo noon, pero maniwala ka, pinagsisisihan ko ang lahat ng iyon at sising sisi pa rin ako mapa hanggang ngayon" Iyak nang iyak pa rin aniya ni Aiah kaya napapailing na lang naman pinunasan ni Mikha ang luha nito.

"Ni minsan naman hindi ako nagalit sayo tsaka sapat na sa akin na malaman ang totoo na hindi mo yon ginusto, na naipit ka lang talaga sa sitwasyon, na ni minsan hindi ka rin tumigil na mahalin ako" Sagot ni Mikha sa dalaga.

"Si Jasmine, alam kong mabuting tao si Jasmine, alam ko kung anong namagitan sa inyo, alam ko kung ano ang nangyayari sa inyo dahil sa dalas namin magkakasama noon nila Jeremy, aaminin ko, natakot ako"

"Natakot ako na baka mahulog na rin ang loob mo sa kanya, na mahalin mo rin siya kagaya ng pagmamahal mo sa akin. Natakot ako kasi alam kong hindi ko kayang kwestyunin yon kung bakit siya, kasi saksi ako sa mga ginagawa ni Jasmine para sayo, nagagawa niya yung mga ginagawa mo para sa akin, na kung mayroon man tao ang para sayo, masasabi ko rin talaga na dapat si Jasmine ang taong yon, na si Jasmine ang dapat na piliin mo at hindi na ako" Nakangiti ngunit umiiyak na aniya pa rin ni Aiah kaya napailing na lang naman si Mikha.

"Kung meron man ako paulit-ulit na pipiliin, ikaw yon, Maraiah Arceta, ikaw lang, ikaw lang ang para sa akin" Umiiyak na rin sagot ni Mikha kaya napatango na lang naman si Aiah.

"Hayaan mo kong patunayan yon sa iba, hayaan mong patunayan ko yon sa sarili ko at lalong lalo na sayo, hayaan mong patunayan ko sayo na deserving pa rin ako para sa iyo at gagawin ko ang lahat para lang maging karapat-dapat ulit ako"

Hindi naman na sumagot si Mikha at hinalikan na lang ang labi ni Aiah na siya naman agad na tinugunan ng dalaga.

Ang luha sa gitna ng kanilang mga labi ang siyang patunay kung gaano sila katotoo sa isa't isa, kung gaano nila gustong muling lumaban para sa pagmamahalan nila.

Hapdi, lungkot, sakit at saya ang kayang ipadama ng isang halik pero para sa kanilang dalawa, pag-asa ang kanilang natitikman.

Pag-asa na muling ipanalo ang naiibang pag-ibig nila.

Pag-asa na muling maging maayos at mapatunayan na sa iba na sila talaga ang para sa isa't isa.

"Marry me, Mikha" Biglang aniya ni Aiah ng pakawalan na nito ang labi ni Mikha.

"M-misis ko"

"Marry me" Aniya pa nito ng ilabas na mula sa bag niya ang isang maliit na kahon.

"Misis ko, ako dapat ---

Hindi naman na naituloy ni Mikha ang sasabihin niya ng mapagtanto na talagang seryoso si Aiah sa alok na kasal nito.

Sino ako para tumanggi? Si Maraiah Arceta na 'to dre!

"Syempre, oo naman, misis ko" Sagot ni Mikha kaya muli naman hinalikan ni Aiah ang doktora at sinuot ang singsing dito.

"I love you, misis ko"

"I love you too, Fiancé ko"

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now