Chapter 19

264 12 0
                                    

NAM'S POV

"Freen?" tawag ko sa best friend kong natutulog pa

"Uhmm? antok pa ako"

"Gising na diyan!" sigaw ko malapit sa tenga niya at tumakbo

Napatakip siya sa tenga niya "Aray ! ang sakit naman nun , Nam. Nabasag yata eardrums ko."

Effective yung ginawa ko dahil bumangon na siya at papunta na sa kusina .

Tumakbo siya papalapit sa akin. "Naaaaaaaaaaaam! at kinurot ako sa gilid

"Aray , Freen!" sigaw ko

"Bagay yan sayu sakit ng tenga ko hahaha" saad niya at dinilatan niya ako ng mata tas pumasok sa banyo .

"Loka! Bilisan mo diyan at kakain na tayo"

Pagkatapos kumain at maligo ay pumunta na agad kami sa School . Maaga kami ngayon dahil manonood ako ng practice ni Freen at kinuha ko rin yung uniform namin sa tailoring shop ng School dahil magsusuot na kami ng uniform sa Monday.

" Nam ? wala daw kaming practice." saad niya at napakamot sa ulo

"Ha? Bakit di mo alam?Di ba sinabi kahapon?

"Nagsabi daw sa Group chat ng Dance Club since friday ngayun pahinga muna daw." mahina niyang sabi sabay ngiti

"Yan kasi bakit kasi walang cellphone bumili ka na kaya." nangangaral kong sabi

"Eh sa ayaw ko , may mangungulit na naman at ayaw ko talaga siyang makita."

" Galit ka ba sa kanya?"

"Hindi naman pero iniwan niya ako nung kailangan ko siya." seryoso niyang sabi.

Di ko nalang siya kinulit hanggang sa umabot na kami ng room.

"Oyy , anu yan ,Nam?" usisang tanong ni Noey sa hawak ko

" Ah , ito ba? Uniform namin ni Freen." tinaas ko yung paper bag na hawak ko

"Wow! mag-u-uniform na kayo sa monday ? Excited na akong makita na suot niyo yan. I'm sure bagay yan sa inyo lalo na kay Freen." saad ni Engfa

Ngumiti nalang ako at umupo kasi pumasok na yung prof namin sa major kaya nakinig na akong nang mabuti ganun din ang ginawa ng mga kaibigan ko.

"Grabe ang daming plates naman pinapagawa ng Prof na yun." reklamo ni Noey

Kakatapos lang 2 subject namin sa umaga kaya papunta na kami sa Cafeteria

"Bilisan niyo nalang diyan at nagutom ako . Nanghihina brain cells ko sa topic natin sa major." saad ni Shai kaya napatawa nalang kami maging si Freen

" Sabihin mo gusto mo lang makita ang lovey mo!" tukso ni Engfa sa kanya

"Tsee! parang di ka excited na makita si Charlotte ah? diba crush mo yun dati pa?" ganti ni Shai kaya namula nalang ang mukha nito

Pagpasok namin ay nakita namin agad ang grupo nila Angge at as usual dun kami uupo at sasabay kumain.

" Hi, ladies dito na kayo kumain may food na rin. Libre ko." saad niya at tumingin kay Shai

" Sana all may lovey." kaya napatawa nalang silang lahat sa akin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

REBECCA'S POV

Binundol ni Yuki ang balikat ko " Oy! okay ka lang ?" nag-alala niyang tanong sa akin kaya tumango nalang ako bilang sagot

Andito kami ngayon sa Cafeteria . Hinihintay namin ang grupo ni Shai dahil sasabay kami kakain sa kanila.

"Hindi ako naniniwala . Kahapon absent ka whole day . Di ka man lang nagsabi sa amin lalo na sakin . Best friend mo ko remember?" nagtatampo niyang sabi

"Ou, nga bat wala ka kahapon ha?" usisa ni Angge

"May pinagawa lang si Grandpa sa akin kahapon bilang parusa sa nangyaring gulo." pagsisinungaling ko , ang totoo ay wala akong gana pumasok kahapon.

Batay sa mukha nila ay kumbinsido sila sa binigay kong rason maliban kay Yuki. Well, mas kilala niya ako kaysa kanila kasi magkababata kami . Lahat ng sekreto ko alam niya.

"Andito na sila." excited na saad ni Angge

Pagkaratings nila ay kumain na agad kami kaharap ko si Freen. Tahimik lang kaming dalawa pero yung kasama namin ay sobrang ingay.

"Oyy , Nam and Freen?" balita ko mag-u-uniform na kayo sa monday ha? tanong ni Char

Lumingon agad si Freen. "Yes, Charlotte."ngumiti siya . Di ko mapaliwanag yung nararamdaman ko pero gumaan bigla yung bigat kong nararamdaman.

*tug dug tug dug*

"Bagay sayu kapag ngumingiti" Nagulat ako sa sinabi ko

"ha?" tanong niya sa akin na parang sinisigurado kung tama ba yung narinig niya.

"Wala" sagot ko sabay iwas ng tingin

"Ayiiiiiiiiiiieeeeeeeeh! rinig at kita namin kayooooooo!" sigaw ni Angee

"Bagay talaga kayo ni Freen , Rebecca." saad ni Nam sa akin na kinikilig.

" Freen and Rebecca?" saad ni yuki na nag- iisip kunwari. Aba sinabayan pa talaga yung trip ni Nam

"FreenReb? Freenbecca?" saad niya na parang nagtatanong at nagkatinginan sila ni Nam

" FREENBECK!?" sabay nilang sabi

"Okay! Freenbeck is going to sail." sigaw ni Shai

Nagtawanan silang lahat maliban sa amin ni Freen. Di namin alam kung anong i- rereact sa pinagsasabi nila. Pagtingin ko kay Freen napahawak nalang siya sa batok niya. Samantalang ako pakiramdam ko umiinit lalo na yung mukha ko.

" He-Hey! I'm so sorry but your ship will never sail" pambabasag ko sa trip nila

"Tama na yan guys dahil may someone na yan si Miss Rebecca." dagdag ni Freen na napapangiti nalang

"Ou, ta- tama yan ka-kaya impossible yang gusto niyo. Hinding -hindi ko magugustuhan si Freen kasi may mahal na akong iba." bulol kong saad sa kanila

"Bakit na bubulol ka diyan?" tanong ni Angge

Pinagtatawanan nila ako ngayon pero di ko nalang sinagot kasi naiinis na ako sa oras na ito kaya yumuko nalang ako at kumain.

"Paano kung wala , Freen?" dagdag ni Charlotte na seryosong nagtatanong.

*tug dug tug dug tug dug tug dug*

Tumingala ako at tiningnan si Freen , di ko maiwasan na titigan siya at interesado ako sa sagot niya pero tinignan din niya ako sa mata at ngumiti nang nakakaloko

"Well... pabitin niyang sabi I'll make sure that she will fall in love with me." direkta niyang sagot habang nakatingin sakin

* tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug*

Shiiiiiiit!

Love is Love (Beckfreen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon