Chapter 4

1 2 0
                                    


After that short encounter with Zeke, ay lumakad na din ako papunta sa classroom ko. I found out that I'm in section 3 dahil sa status ko sa school na'to. Since hindi ako pumasok dito bilang isang Veron ay hindi ako makakatanggap ng mga pribilehiyong natatanggap ng mga Silvero. But this Is actually to my advantage. Dahil sa mababang status ko dito sa school, the lesser people will be interested In me. Hindi ko na kailangan problemahin ang mga mapagmatyag na mata ng ibang elite students.

And with that, I can continue my search for who was behind my brother's death and find a way to expose this hellhole to the public without risking our family's name and our lives. Pagpasok ko sa loob ng classroom ay wala pa ang professor namin for the third subject since natagalan ang welcoming ceremony kanina. Wala parin namang maraming mga tao sa loob at marami rin ang mga bakanteng upuan. I sat on avacant chair near the window that Is over looking the campus grounds.

Maya't-maya pa ay narinig ko ang tunog ng mga gamit na ibinababa. Nilingon ko iyon at nakita ang isang babae na umupo sa tabi ko. Tipid siyang ngumiti sakin at nagtanong kung bakante ba ang upuan.

"Pwedeng umupo dito?" Nahihiyang tanong ng babaeng kaharap ko. I nodded silently In response at umupo na din siya. After a few more minutes, hindi parin dumadating ang professor namin so I decided to take out one of the books that I brought with me. Isa yung novel na pinabili ko pa sa US, since ilang copies lang ang napublish nito ay medyo nahirapan ako sa pagpapahanap nito. Nang malapag ko na 'yun sa mesa ko ay napansin ko ang titig ng babaeng katabi ko.

I turned my head towards her direction and raised a brow at her. "What?" Simpleng tanong ko sa kanya na nakataas parin ang aking isang kilay. She nervously smiled at me at umiling. "Hindi lang ako makapaniwala na nakakuha ng copy ng librong yan." Tipid siyang napangiti bago nagsalitaulit. "Ginalugad ko na kasi lahat ng mga bookstore na makita ko para lang mahanap yan."

Tumango na lang ako sa kanya. She's not wrong though. Kahit ako ay halos mabaliw dahil sa paghahanap ko ng isa sa mga copy ng librong to. It was no easy feat, pero sa wakas ay nakuha ko rin ito. "If you want, you can borrow It after I'm done with It." Lumaki ang mga mata niya at sumilay ang ngiti sa labi niya. "Talaga?! Papahiramin mo 'ko?" Masayang tugon niya. Natapos ko na rin naman ang libro, dinala ko lang ito dahil isa yon sa mga paborito ko. Tumango lang ako sa kanya, not saying another word.

Pumalakpak siya sa tuwa dahil sa sinabi ko. Hindi parin nawawala ang ngiti sa mukha, na parang napakalaking bagay ang na accomplish niya. "My name's Aina Denise Rivero, nice to meet you." She exclaimed with an angelic smile on her face. She extended her hands in front of me at tinanggap ko naman iyon.

I'll need ears and eyes around this place, so making a few friends in my disposal won't be harmful.

Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang pinaplastic ako para mapalapit sa'kin at sa pamilya ko. But I guess, ako ang magiging plastic para magawa ang gusto ko. No choice, I guess. Tipid akong ngumiti sa kanya and shook hands with her. "Czarhina Castillo. You can call me Yna If you want. Nice to meet you to, Denise." She smiled sweetly at me, but me, on the other hand, I'm about to puke with my choice of words. Kahit parang mga simpleng salita lang ang mga sinabi ko ay hindi ko parin maatim ang ideyang makikipagkaibigan talaga ako.

I hate socializing with other people, they're annoying. Maliban sa mga pinsan ko at mga ibang kakilala ay wala naman akong ibang kinakausap. Not that I can't socialize, I just hate It. She's still holding my hand and I slightly pulled It away. After a few minutes, pumasok na rin ang professor namin and our class started.  Natapos na ang last subject namin bago ang lunch break at sakto ay nag-alarm na rin ang bell para ipaalam na lunch time na.

Lumapit si Denise sa akin at tinanong kung may kasabay na daw ako kumain ng lunch. "Yeah, meron naman. Sasabay din kasi ako sa mga pinsan ko." I answered her question. Tumango lang ito at sinabing sasabay siya sa ate at pinsan niya. We parted ways at noon lang ako nakahinga ng maayos. Nakakapagod din palang ngumiti ng sobrang tagal, kailangan ko kasing imaintain ang smile ko sa harap ni Denise kasi baha maghinala siya na napipilitan lang akong kausapin siya.

Panay kasi ang tanong nito at parang hindi nauubusan ng mga bagay na sasabihin sa sobrang dami. Minsan ay tumatango at umiiling na lang ako kapag nakakaramdam na ako ng pagkairita sa walang tigil niyang pagsasalita. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa cafeteria ng building namin. Hinanap ng mata ko ang mga kasama ko at parang may ugat na pumintig sa ulo ko ng makita ko sila na kasama ang mga Silvero sa table namin. Nakita ako ni Stella at sumenyas na umupo na sa tabi niya.

After I sat down, I noticed the eyes staring at me and It was creeping me out. I looked up with an emotionless face and raised my eyebrow at them. "What?" Tanong ko sa mga taong nakatingin sa akin. "Nothing. Just eat."  Umiiling na sagot ni Kuya Andrei sa akin. I did what he told me to and just focused on the food that was served after a few moments I sat down earlier. Hindi nagtagal ay narinig ko ang paghila ng upuan sa tabi ko. Stella was sitting on my left-hand side at bakante pa ang upuan sa right-hand side ko.

Halos mabitawan ko na ang tinidor ko na hawak ko dahil sa boses ng gustong umupo sa upuan na katabi ko lang. "Is this seat taken?" I looked up and I saw the face that I was badly avoiding. He was looking at me and I remained expressionless til the end of this stating competition. Nauna na akong magiwas ng tingin habang hindi parin siya sinasagot kaya si Stella na lang ang sumagot. "Wala naman yata. Di ba, Yna?" Tipid lang akong tumango at pinagpatuliy na ang pagkain.

And then silence filled our table, nakakabingi ang katahimukan sa mesa namin. Other people on other tables were busy chatting with each while us on the other hand, walang gustong umimik. I mentally rolled my eyes dahil sa mga tingin na natatanggap ko mula sa mga kasama ko sa mesa. I decided to look away
and my eyes met a pair of amber eyes that can pierce through your very soul. The same pair of eyes that I saw noong may baliw na humahabol sa akin sa hallways ng library. It was the same guy. He didn't break eye contact but he kept his face expressionless and stern. Then he flashed a creepy grin on hid face which made me break eye contact first.

Is this school full of creepy, psychopathic killers? The hell!

Blood In The WaterWhere stories live. Discover now