chapter 9 (vacation house)

21 2 0
                                    

ORLAN's POV

Nasa malapit lng namin sila nag umpukan kaya dinig na dinig ang kanilang pinag uusapan.

"Wow naman dalawang judges,  pilot, chef at cake and pastry master at miss universe na dentist, ako panday... nakaka insecure naman!" Helene

"Insecure? Naku po ikaw nga dyan ang kumikinang kinang ang kagandahan gaya ng mga gawa mong jewelries," Xandra

"Paano ba ang magsalita sa harap ng mga judges?"

"Hahahaha... Magsalita ka lng ng magsalita gaya ko na parang hibang," Xandra

"Helene dear, wala namang issue dito ang kagandahan, puro tayo magaganda, pero kung si Nicko ang tanungin natin syempre ako, di ba My Apple. Haha," Zarina

"Wala ng iba babydoll, sure yan," Towers

"Kasi si Nicko, pero kung si Marco sure ako si judge Xandra talaga, haha," Zarina

"Sure yan, walang ng iba pa sweety, ikaw lng ang maganda kahit pa nakapikit ako," Tarsier

"Ewan lng natin Miluvz, ewan lng,"

"Pero pagtanungin natin si Storm, si Zekiel, at si Ching---"

"Ikaw lng tlaga hon, peksman," Bagyo

"Oo na, para walang gulo. haha," Kathrina

"Ako syempre walang iba pa, ikaw lng Ling," Prof

"Ako, syempre sino pa nga ba, flying kiss nlng MissU ng buhay ko," Intsik

"Corny mo Intsik, my flying kiss flying kiss ka pang nalalaman," Tarsier

"Inggit ka brudie?" Intsik

Nagbubulungan si Towers at Amboy

"Kaya yan brudie, tiis tiis lng," bulong ni Towers

"Kaya ko, habang humihinga si Alyza, kaya ko," Amboy

"Wag mong alalahanin ang Sarmientong yun..." Tarsier

"Alam mo brudie, ganito lng ako pero naniniwala ako sa himala," Intsik

"Ang akin lng gumaling sya," Amboy

Nalulungkot kaming lahat para kay Amboy, pero kahit ganoon tuloy ang buhay.

The group had agreed, sa resort kami nina Zarina sa Friday night, next day bale Saturday,  sa resort ni Amboy, then sa Isla El Paraiso na sa last day Sunday para makasama pa namin mag bonding si Cedes at Xandra.

Nang nasa vacation house na kami nina Zarina, we are busy preparing for our dinner katulong ang mga tauhan ni Amboy sa resort, nagsipuntahan ang tatlong tauhan nya para tumulong. Nag-iihaw kami ng isda at bbq pork and chicken. Sa di kalayuan sa amin ang mga babae nagsimula ng mag swimming.

"Daliiii kayo, ang sarap ng alon!" naririnig kong sigaw ni Xandra.

"Oo nga, ang sarap sa pakiramdam," Odette

"Sarap naman sa talampakan ang mga buhangin, powder-soft," Helene

Nagkakasayahan silang naglalaro ng beach volleyball, buti naman at naka rashguards sila, hinde naka-two piece,  or else sasakit talaga ang mga mata namin or may mababalot sa towel.

Ang lulutong ng tawanan nila... I am happy that Helene enjoying their company. Sabagay, lahat naman sila hinde mahirap pakisamahan... Mga humble. Si Helene nga akala ko sales clerk lng sa ka-humble nya at very accommodating.

"Ang sariwa ng mga isda!" Tarsier

"Nakatsamba tayo na may dadaong, kaya ng malaman nilang nandito tayo nagpahatid ng mga isda, bagong huli," Amboy

Echoes of Yesterday ( LCB Stories8: Orlan Black Story)Where stories live. Discover now