Chapter 42

4K 116 9
                                    

Hope POV

Maaga akong bumangon para maglinis ng apartment. Pagmatapos ko yung mga gagawin ko dito mamimili naman ako ng veggies and karne para gawing steak. Mamayang hapon darating na si Kate kaya di ko maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko. Natapos na din ang anim na buwan naming pagtitiis na magkalayo and finally magkakasama na kami.

As I was washing the dishes, my phone rang, I saw Monique calling, kaya sinagot ko yun right away.

"Bonjour Monique."

["Bonjour Hope, pinapasabi pala ni Cyn mga 3:00 ka daw namin dadaanan dyan sa apartment."]

"Merci, may time pa akong mamili ng pang steak."

["Wow, masarap yun pag may kasamang wine."

"Oo nga Monique, bibili din ako ng wine."

"Sigurado masusurprise nyan si Kate."

"Oo, alam mo naman yun mahilig sa masasarap na food."

Narinig ko si Blaire na umiyak kaya nagpaalam na din si Monique para asikasuhin si Blaire.

Pagkatapos ko gawin lahat ng gawaing bahay, lumabas muna ako para mamili ng mga kelangan sa bahay. Malapit lang yung market walking distance lang kaya convenient ang manirahan sa City kasi malapit sa lahat kahit ang train station. Kaya pag gusto ko gumala mag-isa nag ti'train lang ako.

Unang pinuntahan ko yung bilihan ng mga gulay, syempre di pwedeng mawala yun dahil si Kate mahilig sya sa gulay.

"Tomato 1kg. Combien ça coûte?" (How much it cost?)

"6.20€"

Sunday market ngayon dito sa Paris mura ang mga bilihin. As in discounted lahat at fresh pa lahat ng paninda nila dahil yung mga farmer galing country side na bibiyahe papuntang City para ibenta yung mga veggies at prutas na nahavest nila, kaya madalas inaabangan ko talaga ang Sunday market. After I bought veggies, dumaan naman ako sa bilihan ng karne, bumili lang ako ng T-bone yun kasi ang favorite ni Kate na part ng steak. Napapangiti tuloy ako pag naiisip ko na mamaya kasama ko na syang matulog. Bago umuwi ng apartment dumaan din ako sa bilihan ng wine at cheese. Gusto ko sana bumili ng baguettes kaso naisip ko na bukas nalang para bagong luto.

Pagdating ko sa apartment hinugasan ko lang gulay at karne saka nilagay sa refrigerator. Nagpahinga lang din ako ng ilang minuto at naligo na din. Pagdating ng 3:00 dumating si Cyn at Monique kasama din nila si Blaire.

"Di kana mag-iisa dito Hope." Saad ni Cyn habang nakangiti ito ng nakakaloko.

"Wag nga ako Cyn, alam ko yang mga pangiti-ngiti mo." Sagot ko sabay napailing.

"Yung utak talaga nyan eh.."saad ni Monique saka nya kinagat si Cyn sa braso kaya napa-aray sya kaya natawa kami ni Monique. Si Blaire naman umiyak bigla ayaw yata nya nasasaktan yung Dada nya.

"Sana maging successful yung IVF namin para next year may baby na din kami."

"Oo nga para may kalaro na si Blaire. Diba Blaire?" Saad ni Monique, kaya bumungisngis naman si Blaire.

"Oo nga magkakaroon na si Blaire ng Bestfriend."

Kinuha ko si Blaire kay Monique at kinarga sya. Gustong gusto nya saakin magpakarga at hindi talaga sya mahirap alagaan kaya minsan pag napunta ako sa kanila naglalaro kami.

Nagbiyahe na kami papunta ng Airport, sobrang saya at excited ang nararamdaman ko ngayon dahil makikita ko na ang Love ko at di na kami magkalayo pa.
Pagdating namin sa Airport, nagtungo muna kami sa isang coffee shop para magkape habang naghahantay.

One Night Commitment (GXG)Where stories live. Discover now