14

6 3 0
                                    

Amelia Calista





"Don't buy baby clothes colored blue and pink, because hindi natin alam ang gender so white nalang" sabi ko sa tatlong babaeng kaharap ko na may mga bitbit na kanya kanyang basket at punong puno ng baby clothes and other stuffs. Puro pink ba gamit kinuha ni Amie at Aeris at Blue naman kay Quin.


Naka busangot silang naka tingin sa mga na add to cart nila.


"Eh! I'm sure na babae yun!" Angil ni Amie.


Pinandilatan ko sya ng mata kaya ngumuso ito.


"Ibalik nyo yan, palitan nyo ng White, at wag masyado madaming damit pang baby dahil kalalakihan din yan" sabi ko.



"Bakit may alam ka sa mga ganito?" Taas kilay na tanong ni Amie.



"Sabi ni Mommy bakit? Aangal ka?" Pag susuplada ko.



"Girls tara palitan natin ng kulay ito hehe" sabi ni Amie sabay alis sa harapan ko.




Sumunod naman yung dalawa. Pumunta sila sa Baby clothes section samantalang ako nandito sa Toys Section.


Tumitingin ako ng mga laruan pang bata.  Wala akong maisip na ireregalo ko, ang common nman kung Damit, Laruan, Diapers or Gatas  wala rin akong gusto sa mga laruan na ito tsk.


"I'm done na, tara na sa counter" sabi ni Amie havang bitbit ang basket na puno ng damit at laruan na pang bata, ganon rin sila Aeris at Quin. Napa iling nalang ako.

"Cali? Bakit di ka bumili?" Tanong ni Aeris sakin.


"I want a unique gift" sabi ko. Tumango tango naman ito at pumila sa counter.


What if Bahay at lupa iregalo ko?  isang Mall?  isang fast food chain?  Grocery store? Condominium?

Wala talaga akong maisip kainis.


After nila bumili ng pang reregalo sa baby pumunta kami sa isang clothing store kasi bibili raw sila ng isusuot sa Gender Reveal, hinila nila ako pupunta sa nga damit na puro kulay Pink, gusto ko mag green pero bawal daw sabi nitong si Amie.

"Are you sure that  i need to wear this blue dress?" Tanong ni Quin na may pandidiri sa hawak nyang blue dress.


"Yes of course, hindi ka pwede mag black, hindi iyon burol" natatawang sabi ni Amie.


Puro black ang sinusuot na kulay ni Quin and this is new to her, lagi syang inaasar ni Amie na aattend daw si Quin ng burol dahil nga lagi itong naka itim.


"Isang araw mo lang naman susuotin, Quin" mahinhin na sabi ni Aeris.


Wala nang nagawa si Quin kindi tumangi at bitbitin ang kulay Asul na Dress.


"Tsk, pag lalaki anak ni Thena pag tatawanan ko kayong Tatlo" gigil na sabi ni Quin samin.


Natatawa ako kapag napapatingin sakanya dahil madalas ko syang nakikitang masama ang tingin sa blue dress na iyon.


"Cali, tara pilian kita ng Pink dress na babagay sayo" sabi ni Aeris sakin kaya tumango ako.



~~~~~~~~



Naka pili na ako ng dress ganon rin silang tatlo, kaya nag bayad na kami at napag pasyahang  mag si uwi na kami.



Hinatid ko pa yung tatlo dahil wala sila lang dalang Kotse buti nalang malaki itong Kotseng ginamit ko.




Vigilante ShitWhere stories live. Discover now