CHAPTER 32

6.6K 110 10
                                    

CHAPTER 32

ABELA POV

"Mommy, we will do everything po. We promise not to hurt you again, just don't leave us?" Nagmamakaawang sambit ni Trasha.

Mariin lang ako umiling, Hindi ko kayang sundin ang gusto niya. Kailangan kong pagalingin muna yung sakit na dinulot nila sa akin.

"I-I want to heal myself first. Sobra na kasi yung sakit na pinaramdam nyo sa akin eh, hindi ganon kadali na kalimutan yung ginawa nyo." Basag ang boses kong sambit.

"W-Wife..." Mahinang sambit ni Travis, naramdaman kong bigla nya akong niyakap patalikod.

"Don't do this please, para lang sa mga anak natin, please? A-Ako, ako na lang ang lalayo, huwag mo lang iwan yung mga Bata, wala silang kasalanan, hmm?" Hikbi nya sa leeg ko, mas lalo pa nyang siniksik ang mukha nya sa leeg ko at umiyak nang umiyak. "Just don't leave them, please? I beg..." Halos pabulong nyang Saad.

Durog na durog na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko na alam kung ano ang susunod Kong gagawin.

Umiling lang ako sa kanya at tumingin sa mga batang umiiyak na nakatingin sa amin.

"Daddy, don't say that please!" Sigaw ni Trei. Mas lalong umiyak dahil sa narinig nya.

"I'm sorry, I'm sorry..." Bulong ni Travis mula sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko yung basa ng damit ko.

Mahigpit na nakakapit sa baywang ko ang mga braso ni Travis na tila ayaw nyang pakawalan.

Do I deserve this?

"Gusto kong ako yung lumayo, kasi kapag nakikita ko kayo, naaalala ko lang tung sakit na dinulot nyo sa akin. Hindi ba pwedeng magpahinga muna ako? Na yung sarili ko naman yung iintindihin ko?"

"Fvck." Mura ni Travis. Umiling ng umiling ang ulo nyang nasa leeg ko. "Ako na lang yung lalayo Wife, wag mo lang iwan yung mga anak natin, kahit ako na lang yung lalayo."

Dahan dahan kong inangat yung mga kamay ko papunta sa braso nyang nakapalibot sa akin. Hinawakan ko ang mga braso nya at tinanggal yon sa akin.

"Wife, please?" Pagsusumamo niya.

"But I already made my decisions. Gusto kong matuto kayo sa mga maling nagawa nyo." Tiningnan ko sya sa mata at kitang kita roon ang sakit na para bang ayaw nyang pakinggan yung mga sinasabi ko.

Tama naman yung ginagawa ko hindi ba? Ito yung gusto ko para lang magkaroon ako ng kapayapaan sa sarili ko.

"Don't do this please?" Mariin nyang kinagat ang labi at sunod-sunod na luha na Ang bumagsak sa mga mata nya. Mas lalo ko ring narinig ang malalakas na iyak ng mga bata.

Lumingon ako sa mga ito at nakita kong niyakap ni Trasha ang mga kapatid nya.

"Magpapagaling muna si Mommy ha? Trasha, gusto kong bantayan mo ang mga kapatid mo, ikaw muna ang tatayo sa kanila bilang Mommy." Pinal kong saad habang lumuluha. Mabigat sa dibdib noong sinabi ko yon, pero yon lang ang paraan para lang muli akong bumalik sa sarili matapos ang lahat ng nangyari sa akin.

Muli akong humarap kay Travis na Ngayon ay naka-upo na sa sofa, nakahiga ang ulo nya sa sandalan niyon at tahimik na lumuluha.

Naglakad ako papalapit sa kanya, pinagmasdan ko syang maiigi. Inaaalala ang mukha nya.

"Mahal kita eh, mahal na mahal. Kayo ng mga bata. Hindi ko maipapangakong babalik tayo sa dati kapag tuluyan na akong gumaling at ipagdasal mo na lang na mahal pa rin kita hanggang sa bumalik ako. Yung sakit Kase na dinulot nyo sa akin, parang habang buhay ng nakabaon, kaya kailangan ko munang ibalik yung sarili ko bago ako matuluyang muli." Kita ko kung paano nya lumunok bago dahan-dahang dumilat.

Kitang-kita roon ang sakit, pagod, pagsisisi at pagmamahal.

Nasasaktan sya, napapagod pero nandon pa rin yung pagmamahal nya sa akin habang pinag-mamasdan ako. Patuloy pa ring tumutulo ang luha nya, tumango siya sa akin at dinilaan ang labi nya.

Nagpumilit syang ngumiti bago magsalita.

"A-Ayon ba ang gusto mo, Wife, hmm? Come here." Marahan nyang sambit, inilahad nya ang kamay sa akin, nag-aalangan man ay naglakad ako papunta sa harap nya at dahan-dahang inalok ang kamay ko.

Marahan nya tong hinawakan bago sya umayos ng upo, hinila nya ako papunta sa kandungan nya na madalas nyang ginagawa sa akin noong panahong ayos pa ang lahat.

"Ito ba hung gusto mo, Wife? Kung ganon, I will let you go, we will let you go. Gusto ko na rin kasing bumalik yung asawa ko eh, yung malambing at walang halong galit." Basag ang boses nya, hinawakan nya ang pisngi ko at marahang hinaplos iyon.

Nilapit nya ang mukha sa akin at pinatakan nga halik ang noo ko. Mariin akong napapikit sa ginawa nya.

Agad nya sinubsob ang mukha sa leeg ko at doon ay muli syang nagsalita.

"Kahit na sobrang hirap mong pakawalan, gagawin ko. Kasalanan ko eh, kaya kailangan ko tong gawin para kahit papaano, mawala naman yung bigat na nararamdaman mo para sa amin. But can you promise me?" Mahina nyang bulong.

Dumiin ang pagkakahawak ko sa kamay ko.

Lumunok muna ako bago magsalita.

"Ano yon?"

"Maipapangako mo ba sa akin na ako pa rin ang mamahalin mo hanggang dulo? Na tayo pa rin hanggang dulo? Kase wife, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko hanggang sa mamatay ako. Nagsisisi na akong marami akong pagkakataong sinayang dahil lang sa walang kwentang desisyon na ginawa namin ng hindi namin pinag-isipan."

Mahigpit ang kapit nito sa baywang ko na parang doon humuhugot ng lakas.

"I-I can't promise." Umiling Ako sa kanya.

Malalim syang humugot ng hininga na para bang ine-expect na nyang sasabihin ko yon, tumango sa sya akin.

"Hmm... I-I understand. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal kita huh? Mahal na mahal ka namin ng mga anak natin, kapag nasa m-malayo ka na, sana maalala mo pa rin kami kahit papaano. Chase your happiness wife. Be happy kahit na wala kami sa tabi mo, gusto naming ikaw naman yung maging masaya. Kahit na ang hirap mong pakawalan pero kung ung kapalit naman non eh maging masaya ka, I will let you go even it hurts. Don't worry, ako na muna ang mag-aalaga sa mga anak natin." Pagtapos non ay muli ko na namang naramdaman ang luha niya.

Ayon na rin yung huling pagkikita naming lahat. Dahil matapos non ay tuluyan na akong lumayo papunta sa taong syang naging sandalan ko sa lahat ng bagay noong panahong hindi ko pa nakikilala ang asawa ko.

thexyll

N/A: From chapter 30 hanggang sa matapos ito ay hindi ko pa nap-proof read. So expect wrong spelling and wrong grammar, so please bare with me.

EDITED: Road to 300k reads na po pala tayo! Nakakatuwa, kahit na pinang-hinaan ako ng loob nung una ay nandyan pa rin kayo para pilitin yung sarili kong ipagpatuloy yung story. Kung hindi dahil sa inyong patuloy na sumusuporta sa akin ay hindi ko maaabot ito, malaking achievement na po ito sa akin. Sorry at minsanan lang rin ang pag-update ko, graduating na rin po kasi ako ng High School kaya maraming school works na kailangang tapusin. Thank you sa inyong lahat!!! Mwa mwa po kayo kay Author<3

The Wall Between Us [COMPLETED] SOON TO BE SELF-PUBLISHED Onde as histórias ganham vida. Descobre agora