Chapter 2

0 0 0
                                    

ANG PAGKIKITA

Sa tarangkahan palang ng mansiyon natatakot na akong pumasok. Tumatayo ang mga balahibo ko dahil sa itsura ng mansiyon.

May sumalubong saaking mga tagapagsilbi itinuro nila kung saan ako tutuloy ngayong gabi dahil bukas na bukas daw ay makikilala ko na ang anak ng Hari at baka magsisimula na rin akong magtrabaho.

Maganda ang silid na tutuluyan ko at tanaw na tanaw ko rin ang malawak na hardin mula sa bintanang malapit sa kama ko.

Gusto kong maglibot muna sa bahay ngunit natatakot ako na baka kapag may makakita sa akin ay mapagkamalan akong kalaban.

Kaya ang mas pinili ko nalang puntahan ay ang hardin. May hagdan malapit dito sa kuwarto ko para makalabas at makababa sa hardin. Dun ako nagtungo at may nakita akong isang duyan na nakakabit sa magkatabing puno kaya dun ako umupo.

Habang nagduduyan ako pinagmamasdan ko naman ang makinang na buwan at mga bituwin, nag-iisip kung ano kaya ang kalagayan ko ngayon kung hindi ako napadpad dito, ano kaya ang magiging buhay ko dito, magiging miserable ba? Magiging masaya? Magiging bangungot? at marami pang iba.

Sa pag-iisip ko inaantok na ko kaya naisipan kong bumalik na sa silid ko. Ngunit napukaw ang atensyon ko ng mahagip ng mga mata ko ang dalawang bampirang naghahalikan sa di kalayuan ng hardin.

Matangkad ang lalaki at maganda ang postura ng katawan ngunit hindi ko makita ang kabuoan ng kaniyang muka samantalang ang babae ay mas matangkad ata sa akin ng kaunti may kulot na buhok pero kahit siya hindi ko rin makita ang mukha.

Hindi ko na sila pinansin at pinagpatuloy na ang pag-akyat sa hagdan papunta sa aking silid. Pero may iba akong nararamdaman, para bang may nanonood sa akin ngunit wala naman akong makita. Tao parin naman ako kaya natatakot parin ako sa mga ganiyan.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag-akyat at pumunta sa kama ko para makapag pahinga dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin bukas.

Kinabukasan nagising ako ng maaga hinanda ang aking sarili para sa maaaring mangyari ngayong araw.

May kumatok sa pinto ng silid ko at sigurado akong sinusundo na ako ng mga tagapagsilbi para ihatid sa anak ng hari.

Hindi ko aakalain na dito sa hapag- kainan nila ako dadalhin. At mukang makakasabay ko sila sa pagkain at mahabang usapan ang tiyak akong mangyayari lalo na kapag ang apiliyedo ko na naman ang mababanggit.

Ang pamilyang Madrigal ay nandito lahat, ang Supremo ang asawa niya at ang tatlo nilang anak. Napaka pormal ng kanilang mga suot at sobrang galante nilang tignan samantalang ako ay isang puting bestida lang ang suot na hanggang tuhod ko lang. Gusto ko atang bumalik ngunit lahat sila ay nakatingin na saakin.

Ngunit ang isa sa kanila ay napukaw ang atensyon ko dahil mukang pamilyar saakin ang tindig niya na para bang nakita ko na siya pero diko maalala.

Nagpatuloy na ako sa hapag at tama ako napahaba ang usapan simula ng banggitin ko ang aking apiliyedo. Pero ang mga anak nila ay tahimik lang maliban sa sinasabi kong pamilyar sa akin dahil lahat ata ng sabihin ng ama niya ay may opinyon o masasabi siya.

Siya ata ang panganay at may kagwapuhan ngunit may kagaguhan. Ang ikalawa naman ay yung isang lalaki na gwapo rin ngunit napaka tahimik, may suot siyang salamin na sa tingin ko mahilig sa mga libro, basta naisip ko lang yun. At ang bunso ay itong babaeng nasa harap ko na mukang ka-edaran lang ni Vina, ngunit kung makatingin parang pinapatay ka na niya sa isipan niya.

Ngunit ang kinagulat ko ay nung sabihin na ni Supremo na ang panganay niyang anak ang pagsisilbihan ko. Mas gusto ko nalang atang mamatay kaysa makasama ang isang to.

Bakit hindi na lang yung pangalawa ang pagsilbihan ko kahit boring siyang tignan mas gugustuhin ko na yon o dikaya'y tong bunso kahit nakakamatay ang tingin niya mas mabuti na yun babae naman ako kaya maiintindihan ko.

Bakit siya pa mukang bastos at gago tong isang to huhuhuhu.

" You human, you're going to start your work today. Kaya maghanda ka" sabi ng gagong pagsisilbihan ko.

"I have a name kaya wag mo akong ma 'You human' diyan!", pagsusungit ko sasabayan ko na lang ang kagaguhan niya kahit alam kong puwede akong mapahamak sa maling salita o galaw ko lang.

"Oh you have a name. So what's your name then?"

"Tria!"

"Sungit mo naman baka gusto mong ma bitay. Tandaan mo anak ako ng Supremo at ang susunod na magmamana ng trono", pagbabanta niya.

"Yabang mo naman po. Pero opinyon ko lang hindi mo po bagay ang maging isang Supremo. Alam mo kung anong bagay sayo?"

"Ano?" tanong niya na mukang sabik na sabik sa isasagot ko.

" Hahaha siyempre wala. Walang nababagay na puwesto sayo dito. Mas bagay na maupo sa puwesto ang kapatid mo hihihi", pang aasar ko ngunit parang hindi na niya nagustuhan ang sinabi ko at napuno na siya ng asar.

"You!!!", sabi niya sabay sugud at hinawakan ang panga ko.

" Wala kang karapatang sabihin yan dahil una sa lahat kaya kitang patayin.", at sa huling sinabi niya lang ako nakaramdam ng takot, sumasakit na rin ang panga ko dahil sa higpit ng hawak niya dito na mukang pinagbuhusan niya ng galit.

Ng bitawan niya ako dun lang ako nakahinga at naiwang nakatulala, naluluha narin ako dahil sa higpit ng pagkahawak niya sa panga ko na nagdulot ng sakit sa mukha ko.

"Sumunod ka saakin at simulan mo na ang trabaho mo", sabi niya na nakatalikod na saakin.

Kahit ayaw kong tumuloy at sundin ang utos niya wala akong nagawa at tumango nalang ako.

Sumunod ako sa kaniya na takot na takot parin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GIVING YOU MY BLOODY LOVEWhere stories live. Discover now