Chapter 19 - Drunk

8.9K 262 80
                                    

-----------

WARNING ⚠️ : INTIMATE SCENE AHEAD!

-----------

"Dear, are you okay?" Miss Lavinia asked.

"A-ayos lang po. Pasensya na." hingi ko ng tawad pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagbabasa.

Magdadalawang lingo na ang pagrereview namin ni Miss Lavinia. And yes, ipinasa na ni Miss Vergara ang mentorship sa kanya. Na-move din ang regional competition sa October kaya nabawasan ang time nang review namin. 1 hour nalang every after ng mga klase ko.

If you'll ask me about Miss Vergara ay wala akong maisasagot. Ang oras lang na makikita ko siya ay kapag may klase kami sa kanya or kapag magkakasalubong kami sa hallway. Hindi niya din ako ni minsang tinignan sa mga tagpong 'yon.

"Don't pressure yourself. I heard na ikaw din ang magcocompete sa arts competition this coming September." sambit niya.

"Ah, yes po. Pinakiusapan po ako ni Sir Jeff. Though hindi niya po ako nirerequire mag practice. I just need to submit at least 2 artworks every end of the week." sagot ko.

"You really are something. Lahat ay kaya mong gawin." puri niya sa akin.

"Nako, hindi po. Madalas lang po akong magpinta noon sa bukid namin kaya ibinili ako ng Papa ko ibang mga kulay. Nahasa lang." nahihiya kong tugon sa kanya.

"I'm not even surprised. You got the looks, the brain, and the talent in everything. For sure there are a lot of girls na naiinggit sayo." sambit niyang muli. Hindi lahat ay gusto ako pero I'm still thankful to those who look up to me. Feeling ko magandang impluwensiya ako kahit papano.

"Wala naman pong dapat ika-inggit sakin. Pare-pareho lang po kami na pinalad makapasok dito." depensa ko.

"No. Half of your classmates paid the school millions of pesos para makapasok. Mga anak sila ng mga politiko at mga negosyante madalas."

I am aware of that. Isa doon ang kaklase kong si Alyssa. She's a daughter of a congressman at usap-usapang nagbayad ng 11 million ang Papa niya para makapasok siya dito.

"You were so smart at ikaw lang ang nakapasok sa scholarship program na inooffer ng AAU. You nailed the exam." puri niyang muli na dahilan ng pamumula ng mukha ko.

"Kailangan ko po kasi talagang makapasok dito. Mahihirapan po ang magulang ko kung hindi magiging libre ang pag-aaral ko." paliwanag ko sa kanya.

"You deserve to be here. Baka nga ang school pa ang hindi maging deserving sa'yo kasi you're too intelligent hahaha." sambit niya at tumawa ng bahagya.

Hindi na ako sumagot at nagpatuloy nalang sa pagsusulat dahil naglilipat na ako ng entries sa t-accounts.

"Miss, may question lang po ako about this." turo ko sa isang part na hindi ko maintindihan.

Naglakad siya papunta sa likod ko at tumungo sa kung saan ang itinuro ko. She's so close to me. I can smell her perfume too. Pero wala 'yong epekto sa akin. Unlike Anthea na halos magwala ang puso ko sa kaba, papalapit pa lang siya.

"What happened between you and Professor Vergara? I mean, did you two fight?" tanong niya habang nag aayos kami ng gamit.

"U-uh, hindi ko po alam, Miss. Ininform lang po ako ni Sir Jeff na sa inyo na ako pupunta after class."

Chasing StarsWhere stories live. Discover now