kalangitan

31 1 0
                                    

Ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib. Bumibigat na ang paghinga ko. Alam kong hindi ito ang tamang lugar, baka may makakita sa akin at ayaw kong mangyari iyon.

Inipon ko ang lahat ng natitirang lakas na mayroon ako at pinili kong umakyat patungo sa bukas na lugar. Sa bawat segundong kinakapos ako nang paghinga, unti-unti ko ng nasisilayan ang mala-bughaw na itaas. Halos gusto ko ng ipikit ang aking mga mata sa kaginhawaan nang maramdaman ko ang mahinang ihip ng hangin. Nanghihina akong napa-upo sa mismong kinakatayuan ko at hinalungkat agad ang loob ng aking bag.

Kagaya ng madalas, sa bahagyang nanginginig kong mga kamay, sinalubong ng aking mga labi ang pamilyar na bagay. Two pumps of my lifeline.

Sobrang tahimik ng paligid na tanging huni lang ng mga ibon ang aking naririnig sa hindi kalayuan. Para mas tuluyang guminhawa pa ang aking pakiramdam, na alala ko ang madalas gawin ni Ma'am Caslo sa akin noon. Kinapa ko ang aking likod at pinag-hiwalay saglit ang lock ng aking panloob. Tyaka ko paisa-isang tinanggal ang pagkaka-butones ng aking blusa at tuluyang hinubad ito. Tanging itim na sando na lamang ang pantaas na kasuotan ko. Ramdam ko ang lubusang kaginhawaan sa bawat dampi ng hangin sa aking balat.

Sinikop ko ang aking buhok at kinuha ang natatanging lapis sa loob ng aking bag. Pagkatapos kong maibuhol ang aking buhok, tumingala ako sa langit ng naka-ngiti. Paunti-unti ko nang nararamdaman ang ginhawa sa aking paghinga. Sabay kong sinambit ang pasasalamat ko sa itaas.

"Thank you, Lord."

"What the hell?"

Nilingon ko ang pinagmulan ng boses na iyon, mula sa kina-uupuan ko, sa hindi kalayuan, isang tao ang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ang presensya niya ba o ang bagay sa pagitan ng kanyang dalawang daliri ang naging dahilan nang muling pagsikip ng aking paghinga.

Alam kong hindi pa pwede. Nanumbalik sa akin ang madalas ipayo ni Ma'am Caslo. Kailangan kong palipasin muna ng ilang oras kung kinakailangan para hindi masanay ang aking sistema. Sa mga ganitong sitwasyon, kailangan kong kumalma at gawin ang karaniwang ritmo ng aking pag-hinga.

Marahang umihip ang hangin, na langhap ko ang pinaghalong amoy ng tamis at mentol. Alam kong masama ito para sa akin. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kaginhawaan sa hindi maipaliwanag na dahilan. Bahagya kong pinikit ang aking mga mata.

Nag-patuloy ako sa aking konsentrasyon sa ganoong ayos, napadilat ako ng makarinig ako ng mga yapak papalapit sa akin. Huminto siya mga dalawang metro mula sa mismong tapat ko at bahagyang naupo.

"Hey Miss, you okay?"

"A.. a..lis."

Halos hindi ko na masabi ng maayos ang gusto kong sabihin dahil patuloy na sumisikip ang aking paghinga. At wala na rin akong pakialam na nakita niya ako sa ganitong sitwasyon. Pinilit kong nilibot ang aking paningin at laking pasasalamat ko na walang ibang tao maliban sa amin. Mahirap ilarawan ang kanyang ekspresyon.

"But I'm not a dog, Miss, just a concerned citizen."

Yumuko siya ng bahagya, tila naghahanap, nag-salubong ang aming paningin. Gusto kong magsalita pero kinakapos pa rin ako sa pag-hinga, bahagyang nakaawang ang aking mga labi, ramdam ko ang kawalang buhay ng mga ito dahil sa paghahangad kong makalanghap lalo ng hangin. Kinuyom ko ang aking mga kamay, napansin niya ito at ibinaba niya ang kanyang tingin.

"Shit! I'm sorry."

Alam kong nakita niya agad ang bagay na mahigpit kong hinahawakan sa aking kaliwang palad. Mabilis siyang tumayo at humakbang palayo sa akin. Sa isang iglap, inihagis niya sa lupa ang bagay na nasa pagitan ng kanyang dalawang daliri at tinapakan ito. Mabilisan niya akong nilingon pabalik.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Aug 21, 2023 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

BreatherTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang