Chapter 32

26 0 0
                                    

Annoyed

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Napahikab naman ako at kinusot ang mga mata upang tuluyang magising.

Iniabot ko ang aking cellphone at napalaki ang mga mata ko ng makita ang oras. Putsa. Mag-a alas otso na pala?

Dali-dali akong tumayo at pumunta sa banyo nang mapagtanto kong nakila Zane pala ako. Yawa.

Natigilan ako ng bumukas ang pinto.

"Oh hija, gising ka na pala. Magandang umaga. Mabuti pa't bumaba ka na at kanina pa naghihintay sa'yo sina Zane." Bungad ni Nanay Melissa.

" M-Magandang umaga po! Sige po, maghihilamos lang po ako. Salamat po. " Nakangiting saad ko. Tumango naman at saka na lumabas.

Buntong hiningang pumasok ako sa banyo at naghilamos.

Itinali ko muna ang buhok ko at ginawa ng mabilisanng morning routine ko.

Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto. Kahit guest room lang 'to wala pa ring panama ang kwarto ko. Nakangising saad ko sa isip habang tinitignan ito.

Bumaba na ako at hinanap agad ng mga mata ko si Zane.

Natigilan ako sa nadatnan.

Shit. Ito na ba ang mga pamilya ni Zane?

Pinapagpapawisan ako ng malamig kahit na hindi naman mainit. Nanginginig ang mga kamay ko at bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

"Oh mabuti't halika na rito at kumain." Saad ni Nanay Melissa pagkakita sa akin na siyang dahilan kung bakit napaharap silang lahat.

Napakurap-kurap ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Hey, good morning. Kain na tayo." Hindi ko namamalayan na nasa harap ko na pala si Zane. Hindi ako kumibo kaya hinigit niya na lamang ako.

"M-Magandang u-umaga po." Nauutal at nakayukong bati ko.

"Hmm morning. Maupo ka na hija, at masamang pinaghihintay ang pagkain." Walang emosyong saad ng tatay ni Zane.

Aligagang naupo naman ako sa kaba. Huhuhuhu

"Dad! You're making her nervous." Saway ni Zane na mukhang napansin ang kilos ko.

"What? Pshh. I'm just joking around, son. Pasensya na hija, huwag kang mag-alala at hindi naman ako nangangagat." Nakangising sabi ng tatay niya.

"Kumain na nga kayo. Ang ingay niyo." Diretso at walng emosyon na saad ng ate ni Zane.

Tahimik kaming kumakain nang magsalita ang nanay ni Zane.

"What's your name pala hija?"

Uminom muna ako ng tubig at pinunasan ang bibig ko bago magsalita.

"Uhm, ako po si Zahra Calynn Villin po."

Tumango-tango naman siya at tumitig sa akin. Naiilang na ako kaya ako na umiwas ng tingin.

"You know what.. the first time I saw, I was stunned. You look like someone I really know. Kamukhang-kamukha mo siya. But I guess, I'm wrong because--"

" Stop." Isang boses nag nagpatigil sa kaniya sa pagsasalita.

Humarap ako sa kaniya at kitang-kita ko kung gaano kahigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang kutsara at tinidor.

Bakit gano'n na lang ang reaksyon niya? May mali ba sa sinabi ng Mama ni Zane?
Weird.

" I-I'm sorry anak. " Buntong hiningang paghingi niya ng tawad. " Anyway, let's eat. "

Walang sabi-sabing tumayo naman ang ate ni Zane kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

"I'm sorry hija. It's just, she's sensitive when it comes to this topic don't mind her." Paghingi ng tawad ng Papa ni Zane.

"Ayos lang po." Muli na namang natahimik hanggang matapos kaming kumain.

"Mom, we gotta go. I still need her to drive home safely." Tumayo siya kaya tumayo na rin ako. " Let's go, Zyn. "

" Ah Mr and Mrs--"

" Just call us Tito and Tita. " Putol agad ni Mrs--este Tita.

" Sige po. Mauna na po kami Tita, Tito. Maraming salamat po. "

" Mag-iingat kayo. Bumalik ka ulit dito if you have time okay? " Nakangiting saad ni Tita.

" Sure po! "

Tahimik lang kaming dalawa ni Zane habang magbi-byahe. Weird.

Kanina pa siya ganiyan simula nung nagsalita ang Mama niya. Katulad din ng reaksyon niya ang reaksyon ng ate niya.

"Ayos ka lang ba?" Tumango lang siya at hindi sumagot. Napakunot ang noo ko sa kaniyang inasta. Galit ba siya?

Hindi ko na lang siya kinausap pero sinabi ko sa kaniyang ibaba na lang niya ako kung saan ako nagta-trabaho.

Agad akong bumaba dahil naiinis ako.

Hindi na ako lumingon pa pero naramdaman kong hinigit niya ako at yinakap.

Mabibigat ang kaniyang paghinga.

"I'm sorry. It's just, naiinis lang ako when Mom compared her to you. I'm just sensitive when it's come to that topic. I'm sorry."

Kinalas ko siya sa pagkakayakap at hinarap sa akin at kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Iniintindi kita Zane kahit hindi ko alam kung ano'ng dahilan, pero sana huwag ka naman manlamig o hindi ako pansinin lalo na at nag-aalala lang ako sa'yo." Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at hinarap sa akin. "I don't know what happened but I'm here you can tell me what's your problem if you can't handle it anymore, okay?"

Tumango siya at muling yinakap ako.
"Thank you. I'm really sorry. I can't just stand that Mom needs you two to compare."

"She's already d-dead." Biglang sabi niya kata natuod ako sa kinatatayuan ko.

"A-ano?"

"The woman, Mom's whom comparing to you already died year ago. That's why I'm so sensitive when it's come to her."

Siya ba ang kaniyang first love? Kahit natatakot ako sa magiging sagot niya sonubukan ko pa rin.

"Is she, perhaps your first love?" Matapang na tanong ko.

"Are you jealous? Yes. She is. But, I'm still child back then. She's more than that, she's my childhood best friend that I'm really close with."

"Gano'n ba? Pasensya na. Akala ko kasi.."

"It's okay atleast now you know a little about me." Nakangiting saad niya.

"Thank you Zyn for today."

"You're welcome Zane."

"I've gotta go now. I still need to do something."

Tumango naman ako at ngumiti. "Sige, mag-iingat ka sa pag-uwi okay? Text mo ako kapag nakauwi ka na." Habilin ko na kaya tumango siya.

"Yehh, of course." Malapit na siya sa kaniyang sasakyan at saktong bubuksan na sana nang tawagin ko siya ulit.

"Zane!" Patakbo akong lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

Natulala naman siya at mukhang hindi inasahan ang ginawa ko.

"Thank you! Ingat ka!" Dali-dali akong tumakbo papasok at sinilip siya sa glass door.

Ilang minuto pa siya nakatayo at tulala doon. Mukhang di aka get over.

Huhuhu ba't ko naman kasi naisipang gawin ko? Boba.

Maya-maya pa ay naiiling siya habang nangiti. Humarurot na siya at umalis .

"Haliparot!"

UNTIL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now