CHAPTER 9

74 2 0
                                    


Ano naman kung nandito siya at may kasamang iba? pero bakit nga ba siya nandito? who invited him? We looked at each other..ang laki ng pinagbago niya. Tumangkad siya at wala ng suot na salamin. Bilang paggalang,ako ang unang bumati at pinapasok na sila. Hindi ko na inantay pa ang sagot nila at nauna ng pumasok. Pakiramdam ko,sagabal ako sa ginagawa nila kaya ako na ang nagparaya.

Pumasok na ako sa loob dala-dala ang ice cream na inorder ni lola. Gusto ko siyang tanongin kung bakit nandito si Racky,kasi alam ko na walang sino man saamin ang may kayang magpapunta sakanya maliban kay lola. Nawala  ako sa mood at alam kong napansin 'yon ni ate Fhaye, nginitan ko nalang siya para sabihing "okay lang ako" kahit hindi. 

Pumasok silang dalawa at kaagad na napunta sakanila ang paningin ng lahat ng bisita at pagkatapos ay saakin. I ignored them at nagpatuloy sa pagkain. Ganon din naman ang ginawa ni Racky at binati niya si lola bilang paggalang. Habang 'yung babaeng kasama niya ay parang asong naliligaw. 

"oh,Racky nandito ka na pala. Maraming salamat sa pagdating,iho.' rinig kong sabi ni lola

"Hindi ko naman po kayo matatanggihan,lola" right. Since High school kami.

"oh,siya sige maupo kayo ng kasama mo at ikukuha ko kayo ng pagkain" pipigilan niya pa sana si lola ngunit hindi naman ito nagpa-awat.

" okay ka lang?" tanong ni ate Fhaye saakin. Nginitian ko siya bilang tugon at tumingin sa malayo. Bumalik nanaman 'yung mga ala-ala na matagal ko ng kinalimutan. Kinalimutan ko nga ba? Oo, gustong-gusto ko siyang makita at ipaliwanag ang lahat pero mukhang hindi pabor saakin ang tadhana. Nandito nga siya..pero may kasama namang iba.

Im not okay.

Pero, sa totoo lang.. ako naman ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito eh. Pinili ko lang naman 'yung pangarap ko kaysa sa taong nandiyan simula noong walang-wala ako. Most of the people advice to choose career over love, at 'yon ang ginawa ko. Natatakot ako na baka mawalan ako ng oras para sakanya at masaktan namin ang isat-isa,pero mas masakit pa pala ang nangyari. Nagsisi ako,oo. Pero, 'yung pangarap ko na 'yon na nakamit ko na ngayon ang naging sandalan ko sa lahat. Ngunit tama pala sila,at mali ako dahil yung taong pinakawalan ko ay pwede kong maging sandalan sa lahat ng oras at hinding-hindi ako iiwan. Pero iniwan ko siya.


Kapag pinapili ka between love or career, always find a way to chooce both. 


Ang akala ko noon a good career can make your life better. Masaya ka nga pero may kulang naman. Madadaanan mo yung mga gabing kailangan mo ng taong kakausapin tungkol sa mga life rants,yung yayakapin ka kasi pagod na pagod kana at yung pagagaanin ang loob mo hanggang sa makalimutan mo ang problema mo kahit sa sandaling oras lamang.

"The person who truly loves you will never stop you from growing and being happy" -  herculture


Its never too late to say goodbye..so this is not the end. Nagsisimula palang tayo.

Nights of DecemberWhere stories live. Discover now