Kabanata 14

9 1 0
                                    

Kabanata 14

"USE all the time that we have to express what's inside you. Come on, tell me. That's if you're ready," sabi niya agad nang makaupo kami sa bench ng 7/11 sa labas. Mabuti na lang at naabutan pa namin itong bukas. 

Kumagat muna ako sa hawak kong tag 20 pesos na ice cream ng 7/11 na siyang paborito ko bago siya pinagtuonan ng pansin. 

"It's a family problem, alam mo naman 'yon, 'di ba?" He nodded. Kumagat na rin siya ng ilang ulit sa ice cream niya bago ako tinugon. 

Magkaharap kami ng p'westo sa aming inuupuan. I didn't feel any awkwardness between us; it seems that I'm really used to this. 

"Are you still mad ba kina tita?  I think, bumabawi na naman sila sa'yo," komento niya. I swallowed hard at what I heard. 

"P-paano mo nasabi?"

"Have you remembered when we had dinner last time? Iyong inembitahan ako ni tito...may sinabi siya sa akin during that day bago kita ihinatid," he confessed, which made me pucker my forehead. 

"What do you mean? Ano naman ang sinabi ni dad sa'yo?"

He sat properly and faced me. He even set aside his ice cream for me, kahit na wala pang masyadong bawas iyon. 

"Tito Fausto said that he's trying na makabawi sa iyo, both of them. Sila ni tita. Sabi pa niya, siguro kaya ka naging gan'yan kasi dahil sa kanila, masyado ka na nilang napapabayaan. Even they don't like the idea of prioritizing their work and giving you up every time na naiipit sila sa sitwasyon. Oo, naging mabuti nga silang empleyado at alagad ng gobyerno, pero hindi naman sila naging mabuti at karapat-dapat na mga magulang sa'yo," lintanya niya habang nakatingin sa akin. Nagawa niya ring minsan ngumiti nang mapait habang ibinabahagi sa akin ang mga iyon. 

Nasaktan naman ako sa aking narinig. May kung ano sa akin ang naguilty sa mga salitang binitawan ko sa harap nila kanina. Siguro masyado lang akong nag-iisip ng kung anu-anong bagay, kaya ako naging matigas. 

I came back to my senses when he spoke again. "Kaya palagi kang ibinilin nila tito sa akin. Because they know I knew you better than them. Kaya don't you ever have negative thoughts about your parents. Because they love you more than anything in this world, mm?" I smiled forcefully. God, Farah, you messed up. 

I always comprehend their actions wrongfully. Kapag naramdaman kong wala silang oras sa akin at inuuna nila ang trabaho nila ay iniisip ko nang hindi nila ako mahal. Kaya siguro ako naging ganito. I always wanted to get what I wanted in just a glimpse, kasi hindi ko iyon magagawa sa parents ko. Pero ang totoo pala ay masyado lang akong nag-iisip. I always concluded things without knowing their content or full details. 

That's why research is needed in our school for us to learn and be informed that every conclusion has a process, details, and reason before we come up with its hypothesis. Saka lang natin malalaman ang resulta kapag pinag-aralan natin nang mabuti ang subject o case na napili natin. 

I always top the research in my class and am labeled as the best researcher of the year, pero bigo akong i-apply ang lesson na nakukuha ko mula rito sa tunay na buhay. Kung sino pa ang binansagang matalino sa klase ay siya pa ang b*bo 'pag buhay at realidad na ang pinag-uusapan. 

"Marami kaming nagmamahal sa'yo, Carolina. Kaya 'wag na 'wag mong iisipin na binabalewala ka namin, okay?" dagdag niya pa na ikinaiyak ko nang tuluyan. 

"But like you, my parents also regret loving and having me in their lives in the end," natatawa kong sabi. He wiped my tears.

Tama naman ako, 'di ba? Yes, they love me, but loving me leads to something that breaks my heart. Nando'n na tayo sa mahal nila ako, pero saan ba sila dinala ng pagmamahal nilang iyon? Noel hates me, while my parents set me aside because of their work. Kaya nakakapagod pakinggan na mahal nila ako tapos iyon pala ako lang ang aasa sa huli. 

At Least We've Met (At least Series #1)Where stories live. Discover now