MASKARA

62 2 0
                                    

Isang nakakabighaning maskara,
Kay tamis ng ngiti sa labing kay pula.
Nakakaakit ang mga mapupungay na mata,
'Yan ang nakikita nila.

Bawat pagluha ng dugo,
Sugat na pilit itinatago,
Sa likod ng nakangiting maskara ay ako-
Ako na araw-araw ay para ng susuko.

Nais sumabay sa daloy ng mga ilaw,
Sa kalagitnaan ng gabi at sumasayaw,
Hindi na nais pang gumalaw,
Magpapaagos na lang at hindi na lilitaw.

Ang maskara na pilit kinakapitan,
Ang liwanag ng kandilang nababalutan,
Ng kadalimang hindi na maiwasan,
Kahit anong ngiti ay hindi na mapigilan.

Ang nagbabadyang ihip ng hangin,
Hindi na alam kung paano pa haharapin,
Kung kakayanin ng maskarang limutin,
Ang pagbagsak ng katawan sa malamig na lupain.

Isang maskarang nakakatakot,
Kay higpit ng yapos ng lungkot,
Na maging ang puso ay binabalot,
Ng lumbay na walang pahintulot.

PoesíaWhere stories live. Discover now