Chapter 33

4.6K 101 100
                                    

This chapter is dedicated to all of my readers who always drop a comments thanking me every time I drop a new chapter. Just know that I appreciate you. You gave me the courage and motivation to continue this story. Thank you so much!😘

CHAPTER 33

Gulat akong napatingin kay Kael na ngayon ay may mapang-asar na ngisi sa kaniyang labi habang nakatingin sa kanila. Malakas na nagwawala ang dibdib ko dahil maski ako ay hindi rin makapaniwala sa narinig kay Kael. He’s also a Duchess? Kung gano’n, sila ang tinutukoy ni Kael na mga magulang niya na inabandona siya noong bata pa lang siya?

“M-Mom, anong sinasabi niya? He’s part of our family? P-Paano? I can’t understand, it doesn’t make sense.” naguguluhang tanong ni Daynielle.

She didn’t get any answer from her mom. Tulala lang ang mga magulang niya habang nakatingin ang mga ito kay Kael. Bakas naman sa mukha nila Risen at Rusthe ang pagtataka na tila ba hindi rin naiintindihan ang nangyayari. Habang si Rhodge na nakakatandang kapatid ay mabilis na nag-iwas ng tingin.

“Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw? Parte ng pamilyang ‘to?” Risen chuckled sarcastically. “Second son? You mean ikaw ang pangalawang anak? As far as I know, I am the second child, no one would believe you here.”

Ngumisi si Kael. “I guess our parents didn’t tell you but that’s fine, I don’t consider you as my family either.”

“Wait a second!” Daynielle interfere, “Mom, Dad, can you just please explain this to us? We had no idea of what’s going on!” tumaas ang boses ni Daynielle.

Nang tapunan ko ng tingin si Mrs. Rosetta ay kapansin pansin ang panunubig ng kanyang mata. Sinubukan niyang humakbang palapit kay Kael ngunit kaagad na umatras si Kael.

“Don’t you dare,” matigas na sambit ni Kael.

Nakita ko ang dumaang sakit sa mga mata niya habang nakatingin kay Kael. I wanted Kael and I to just leave and not continue this conversation but there’s part of me that says maybe this is the right time to discuss this with them.

Kael inhaled sharply. “Why don’t you tell them now? Natatakot ba kayong malaman nila ang mga kahayupang ginawa niyo sa akin?”

I gasped at Kael’s words. It’s full of hatred and sadness.

Nanatiling tahimik si Rhodge at walang balak na magsalita.

“A-Anak,” si Mr. Demetrius.

“Putangina, huwag mo akong matawag tawag na anak!” pagalit na sigaw ni Kael.

Napahinto ito at nahihiyang napayuko.

“You know what? Kung wala kayong balak na magsalita, ako na ang magsasabi sa kanila. This won’t change anything but I just want them to feel disgusted that they have a parents like you.” Hinarap niya si Risen, Rusthe, at Daynielle. “I was their second son, that means I’m your brother too.. Nakakatandang kapatid dahil ako ang sumunod kay Rhodge.”

They didn’t say any word pero bakas pa rin sa mukha nila ang pagtataka. Hindi pa rin nila naiintindihan ang mga nangyayari.

“This parents of yours didn’t like me from the very beginning. Hindi ko alam kung bakit pero paulit ulit nilang sinasabi sa akin noon na ako ang malas sa pamilya. Dahil simula noong maisilang ako, sunod sunod na ang kamalasan na nangyari sa pamilyang ito. Our father got sick and had to be admitted to the hospital.  Nabaon sila sa utang dahil sa pagpapagamot sa kaniya.”

He threw a glance at his mom while tears started to formed in his eyes. “And you being my mom, you always beat me with your hands every time you see me.”

Tides Turned (Ruin #1) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن