***TUNGO SA NAIS***
Nasa itaas ang S'yang nagbigay-buhay,
Bawat nilalang sa mundong ibabaw.
Kaya't pagyamanin at pakaingatan,
Mamuhay nang simple at may kasiyahan.
Ikot ng mundo'y tuloy-tuloy lang.
Takbo ng oras ay 'di mapipigilan.
May pagkakaiba ang mga nilalang,
Bawat isa'y may pagtatagumpayan.
Hakbang upang buhay' magkadireksyon,
Pangarap sa buhay dapat magkar'on
Gayundin ang plano at determinasyon
Upang tagumpay' makamit, maabot.
Puspusang pagkilos ay s'yang isagawa
Upang pangarap ay 'di mabalewala.
Magkamali man o ika'y masaktan,
Ikaw ay bumangon, ituloy ang buhay.
Buhay ng tao'y pag-akyat ng hagdan,
May sinusunod na hakbang at baitang
'Di makukumpleto kung may kakulangan,
Salamat sa Kanya'y 'wag kakalimutan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Note: 2nd yr college ko yan nasulat...ngayon ko lang naalalang iupload...hehe;-)
Spread the love<3<3<3<3<3
Happy reading:-)
---yanyanbbXD
YOU ARE READING
Poetic License
Poetrytry natin ibang genre naman............................POETRY:)