Kabanata 03

266 10 3
                                    

Wala akong ibang inisip nang dumaan ang tatlong araw kundi ang tsansang makita ulit si Cyd. Hindi kasi ako magtatagal dito. Dadating ang araw na susunduin ako ng mga magulang ko para bumalik sa Canada.


"Chef ka, 'no?" tanong ni Kim. Pinag-uusapan namin ang trabahong iniwan ko. "Nag-leave ka muna without payment?"

"Training lang 'yon. Hindi pa ako tapos mag-aral."

Tumango siya. "Mabuti na lang, may tamang guide ka sa career mo. Suwerte lang yata ako kasi kinaya kong magtayo ng business at nagamit ko ang tinapos ko."

Balak sana naming maligo sa dagat ngayong umaga, kaso sumobra kami sa tulog at tanghali nang nagising kaya sobrang init na.

Ako lang ang gustong magpa-tan, ayaw ni Kim. Tumambay na lang tuloy kami sa cottage sa loob ng resort habang namamapak ng adobo.

Sayang at nag-swimsuit na ako.

"Paki-judge nga nitong adobo."

Natawa ako. "Bakit?"

"Subukan natin ang skills mo. Iba ang panlasa niyong chefs, 'di ba?"

Umiling ako. "Depende 'yon, pero masarap 'tong adobo."

Tumango si Kim. "Magaling nagluto nito. Halos iyakan ko na nga, e. Baka magkaintindihan kayo kasi same field."

Tipid at may ilang akong ngumiti. Sa iba kasi umiikot ang isip ko kaya wala akong gana kumilala ng iba.

"May guest ba rito na matangkad na girl?" tanong ko. "Brown hair na nagpi-picture?"

"Ewan ko?" Nagpatuloy si Kim sa pagkain. "Ang dami kayang maiisip sa description na 'yan. Gusto mo ng ibang kulay? May pink-haired din dito."

Umasta akong nakornihan. "Konti lang naman ang naka-check-in, 'di ba? Hindi mo ba kabisado?"

"Ba't mo muna tinatanong?"

Umiwas ako ng tingin. "Huwag mo na alamin."

"Ganito ang gawin mo..." Lumapit si Kim sa akin kaya nilapit ko rin ang sarili sa kaniya para marinig nang maayos ang sasabihin niya. "Katukin mo bawat pinto. Magpakilala ka sa guests at halughugin mo 'yang hinahanap mo. Alangan namang ako pa ang humanap, 'di ba? Mag-effort ka rin, teh."

"Wow? Sige, 'wag na!"

Natawa si Kim sa reaksiyon at naging 'itsura ko dahil sa sarkasmo niya. "Nagsa-suggest na nga, ayaw mo pa?"

Hindi ako kumibo.

"May concert mamayang gabi. Imbitado lahat ng guest at employee kaya pumunta ka. Kung nandito lang ang hinahanap mo, makikita mo 'yon."

Nang rumehistro sa akin ang ideya, agad na nagliwanag ang paligid ko sa saya.

"Excited masyado, hindi pa naman sure!" kontra niya. "Punta na ako sa shop, ha? Tawagin mo na lang ako kapag may balak ka na ikuwento 'yang bukambibig mo."

Nag-flying kiss siya sa akin bago dumiretso sa backdoor ng souvenir shop. Pinigilan ko naman ang ngiti ko dahil hindi na makapaghintay na sumapit ang gabi.

TakasWhere stories live. Discover now