Mission 2: Infiltration (Part 1)

929 20 1
                                    

"Wala bang bag na pwedeng lagyan nito?" Itinaas ni Maverick ang mga damong nabunot na nila.

Sumama ang tingin ni Sam na nasa taas ng isang puno at abalang nag lalagay ng mga Christmas lights. "Tingnan mo jan ang dami na nga nating ginagawa gusto mo pa i-abot sayo lahat."

"Aruy bars!" Komento ni Mavienne.

Kasama ni Sam ang buong infiltration team sa paglalagay ng design at pag lilinis ng bakuran dahil ang mga ito ang naiwan sa mansyon.

"Himala nanahimik si Boss."

"Na-assign sa damo 'e." Natatawang sabi ni Louis dahil nakita niyang nakabusangot si Alec isa kasi ito sa mga nakabunot ng malas na holen.

Nag bunutan kasi sila para sa mga gawain at dahil masakit sa kamay ang pag bubunot ng damo kahit na may gunting ay walang may gustong gumawa kaya naman naisipan nila na gamitin ang laruang holen na lagi nilang ginagamit sa mga ganitong pangyayari.

"Wow galing mo pala mag gunting ng damo, Boss." Pang-aasar niya. Hindi naman siya pinansin ni Alec at patuloy lang sa pag gunting mga malalagong damo.

"Pogi mo." Natatawang ani ni Mavienne.

Gumuhit ang malaking ngiti sa mukha ni Alec nang marinig ang komento ng kasama. "Talaga?"

"Uto-uto talaga si Boss." Bulong ni Maverick. Inis na inihagis ni Alec ang kaniyang gamit na gunting at hinabol ang binata.

Umiiling na nag pa tuloy na lang ang iba sa kanilang mga gawain nang wala pang isang minuto ay nakita nila si Katana na nag lalakad at may hawak na malaking bag.

"Meeting Room. ASAP." Sabi niya matapos ay dumiretso ulit papasok ng base camp.

"Yes!" Masayang sigaw ni Alec dahil alam niyang makakatakas na siya sa masakit sa kamay na gawain niya.

Nang lahat sila ay nakaupo at naka ayos na ay gayon din si Katana na naka abang at nakatayo sa harap ng kanilang white board. Sa likod niya ay naka present ang isang mapa na napaka pamilyar sa infiltration team. "May mga nakapasok na contraband galing sa France ang hinala ng mole na naka assign sa kabilang Mafia galing ito sa main office nila. I already told Hera about this but we still need to do our job, as we all know that the government laws grips her real hard."

"First and foremost, I will lead this group 'til we secured the target." Lahat sila nag seryoso nang marinig ang sinabi ng kanilang leader. Alam nila sa loob nila na ito na naman ang kanilang chance para gumalaw. Matagal-tagal na din mula ng huli.

Napa tingin silang lahat nang may mag taas ng kamay, "Hindi po ba risky kung sasama ka sa amin?"

"I know the risk pero hindi tayo matatapos agad pag hindi ako kikilos. Ang oras ang kalaban natin dito mahirap na pag ang mga bagay na 'yon ay naka labas na sa black market." Napa tango silang lahat sa sagot ni Katana.

May isang beses na kinulang sila sa oras at hindi nila napigilan ang distribution dahil dito ay maraming nasira ang buhay maging nawalan na din ng mga ka miyembro ng pamilya.

Isa sa goal ng kanilang team ang humawak ng urgent missions na may kaukulang plano at mabusising execution pero sa problema nila ngayon ay paniguradong walang ni isa sa kanila ang hindi sasakit ang ulo.

"Please check the files I'd given to your leader. Mag sisimula tayo as soon as possible."

Marrying the Mafia QueenWhere stories live. Discover now