Chapter 1

1 0 0
                                    


D-10 DAYS
DATE ME, SIR 

Napatitig ako sa calendar na kaharap ko. 10 days na lang pala bago matapos ang buwan na ito—month of February to be exact. 

Mukhang napasubo yata ako sa bet namin ni Ainie. Shems. Hindi ako pwedeng matalo. Aba, sayang ang pagtatrabaho ko kung sa kanya lang mapupunta ang buong sweldo ko sa loob ng tatlong buwan. 

It cannot be. 

Grabe rin talaga kami sa mga trip ni Ainie, talagang boss namin sa trabaho ang idinamay namin sa mga kalokohan namin na dalawa. 

Ang gaga ko rin naman kasi, bakit ba kasi ako napapayag sa deal na 'yon?

Eh kasi nga kasama sa prize si Luke. 

Napa sabunot ako sa buhok ko dahil sa sinabi ng kabilang parte ng isip ko. 

I sighed. 

Oo na. Si Sir Luke na 'yan e tatanggi pa ba ako? 

Pero, ayon na nga how can I make him fall in love with me in just 10 days? Possible ba 'yon? Parang impossible naman kasing ma-inlove ang isang tao ng ganun kabilis, hindi ba? 

Love takes time. Sabi nga doon sa isang article na nabasa ko based on research it takes 88 days for men to fall in love, while it takes 134 days for women. See?  Tapos kay Ainie ang gusto ay 10 days. 

Mukhang macha-challenge talaga ako ng husto dahil feeling ko kulang ang oras ko at bukod pa doon e straight si Sir. 

I once again sighed. 

Wala ng atrasan 'to. 

"Is there any problem, Mr Abadiano?" 

Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ang manly voice ni Sir Luke. Boses palang makalaglag underwear na. 

Muntik ko ng makalimutan na nasa office pa nga pala ako. Sa loob ng opisina ni Sir Luke to be exact, dahil ako nga ang secretary niya nandito rin sa loob ng office niya ang table ko para madali niya akong mautusan kung may kailangan siya.

Na paayos ako ng upo. Tumingin ako sa kanya na seryoso rin ang tingin sa akin habang nakakunot ang noo. 

Bakit ang gwapo niya tingnan? 

"Ah-eh, wala po Sir. May ipag-uutos po ba kayo?" 

"None. You seem so bothered, so I just asked." 

Napangiti ako. Masyado naman pahalata ito si Sir na pinapanood ako at concern siya sa akin. 

"Why are you smiling?" 

Umiling-iling ako. "Wala po, Sir." 

"Good. Continue working, then." Muli na niyang ipinagpatuloy ang pagbasa at pagpirma ng mga kung ano-anong papeles na nasa table niya. 

Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya at mas tinitigan siya. 

Ipinatong ko ang siko sa lamesa at nangalumbabang pinagmasdan siya. 

Sa totoo lang nahihirapan akong magtrabaho every single day. Sino ba namang hindi kung kasing hot at pogi ni Sir ang kasama mo sa loob ng opisina? 

Nadidistract ang malanding organs na mayroon ako because of his oozing hotness.

Dati naman ay nasa labas ang table ng secretary, pero ewan ko kay Sir gustong-gusto yata akong i-torture kaya pinasok niya ako dito sa loob ng opisina niya. 

Gusto niya yatang pagpantasyahan ko ng husto ang perpekto niyang katawan at pagkatao. 

He has these blazing deep brown eyes that once you stare at it you will get burned. And those blazing beautiful eyes were accompanied by his long and attractive eyelashes. And then, his arched eyebrows are dancing like a dream with perfection. 

Loving Mr. Engineer [BL - On Going]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt