KABANATA XXXIV

1.9K 80 0
                                    

"I love you, hon! Hintayin kita!" Todo ngiting sigaw na Mikha ng tumakbo na siya palayo sa dalaga.

I love you too! Pero hintayin saan?

"Hon? San ka ---

"Let's go! Ate Aiah" Excited ng aniya ni Sheena ng hilahin na nito kung saan si Aiah.

"Iwan ba naman ako after niyang magpropose?!" Hindi makapaniwalang aniya ni Aiah naman sa kanilang tatlo pero tinawanan lang naman siya ng mga ito.

"Nandiyan lang yon, hinihintay ka" Nakangiting sagot ni Maloi at nilabas na ang make up kit niya.

"Mag retouch ka na Ate Aiah, mahaba pa tong araw natin" Utos na ni Stacey kaya nagretouch na lang din naman ito gaya ng mga ginagawa ng mga kaibigan niya.

"Ang ganda naman talaga nitong ate ko na to, selfie nga tayong apat" Pambobola pa ni Sheena kay Aiah bago tuluyang ilabas ang cellphone niya para kumuha ng litrato.

Pagtapos nilang mag ayos ay agad naman na hinila ng tatlo si Aiah, nagtaka naman ito lalo ng pumila na sila sa kung saan habang siya na ang nasa pinaka hulihan.

"Anong pila to?" Takang tanong na ni Aiah kaya sabay-sabay naman matawa ang tatlo.

"Ikaw ba sigurado ka ng pakakasalan mo si Mikha?" Tanong ni Maloi sa kaibigan kaya taka naman itong tumango sa kaibigan.

"Susuotin ko ba naman ito kung hindi" Sagot ni Aiah habang inangat ang kamay na mayroon singsing.

"Good! Kasi yung talaga pinunta natin dito" Nakangiting sagot ni Stacey at bumalik na sa pila nito.

"I'm happy for you, Ate Aiah" Dagdag pa ni Sheena ng bumalik na rin ito sa kaniyang pila.

At sa oras na nga na iyon ay bumukas na ang pinto kung saan unting-unti ng naglalakad ang mga taong nasa harap niya at ng siya na lang ang natitira ay namangha naman ito sa ayos at pagka elegante ng naturang lugar.

Ito yung pinangarap ko, simple pero elegante.

Natameme na lang naman lalo si Aiah ng makita na ang mga magulang nito sa magkabilang tabi niya at sabay abot din ng bulaklak mula kaniya ng kaniyang ama.

"Ikakasal ka na bunso, pwede pa tayo umatras anak kung gusto mo" Natatawang aniya ng ama nito.
"K-kasal?"

"Plinano lahat to ni Mikha, anak" Nakangiting sagot na ng mommy nito kaya agad naman ito napatingin kay Mikha na ngayo'y naghihintay na sa kaniya.

"Wala akong rason para umatras dad, ito yung gusto, daddy, mommy, habambuhay na kasama si Mikha" Sagot ni Aiah habang pinapakita ang singsing na kakabigay lang sa kaniya ni Mikha.

"Kung ganon, masaya kami para sayo anak" Sagot na lang ng ama at ina nito at hinalikan na ang sentido ng anak.

Sa kabilang dulo naman ay ang kabado na si Mikha Lim habang tawang tawa naman sa likod niya ang tatlo pa nitong kaibigan.

"Kalma dre! Hindi na tatakbo yan" Bulong ni Gwen kaya pasikreto naman natawa ang mga ito.

"Ang ganda niya dre" Nasabi na lang ni Mikha habang natulala na ng magsimula ng maglakad palapit sa kaniya si Aiah.

"Buong buhay mo na yata sinasabi yan"

Hindi naman na mapigilan ni Aiah ang mapaluha ng mapansin niya ulit ang bawat detalye ng disenyo ng lugar habang naaalala ang unang beses niyang sabihin kay Mikha ang pinapangarap niyang kasal.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now