Ikaapatnaput-anim na Tugtog

2.1K 78 28
                                    

Hi Inspirados! Malapit na ito mag tapos, hope we all have a last hold before letting this story go.

I have a lot of things to say pero sa dulo na nitong kwento, let me share this chapter to you first as I cried a lot writing this.

This story means so much to me. Pain and love. Sobra sobra ang bitbit ko sa kwentong ito, hindi ko matapos tapos noon... pero ngayon handa na ako.

Pangalawang pag iisa

"Mamshie, kamusta po kayo diyan?"

Kinuha ko ang kubyertos at nag simulang kainin ang hinandang pagkain.

Kaharap ko ang aking laptop para sa weekly-catch up ko kasama ang pamilya ko sa Singapore. Si Mamshie at Kuya Aki ang nasa frame ngayon.

"Okay naman, nag ikot-ikot lang kami ulit kahapon, anak."

Pinagmasdan ko siya ng kaunti at napansin na sa bawat linggo na nag uusap kami ay paaliwas ng paaliwalas ang itsura niya. Napangiti rin ako at napatango habang kumakain.

"For sure sa Universal Studios na naman po kayo pumunta?" Pang-aasar ko dahil maya't maya ang punta nila roon— hindi nag sasawa.

Natawa si Kuya Aki at parang batang pinalo na naman siya ni Mamshie sa braso.

"Eh... sa... paborito ko roon..." naiinis na depensa niya.

"I-sesend ko sayo ang mga pictures niya, bunso. Nang makagawa ka ng collage, per week, same pose, same place, iba lang ng damit." Hirit pa ni Kuya Aki at mabilis na tumakbo habang tumatawa dahil kita ko ang inis niya.

"Itong mga kuya mo, simula ng dumating ako rito, parang bumalik sa pagkabata! Pinapa-init lagi ang ulo ko." Gigil na sumbong ni Mamshie.

"Mamshie, na-miss ka lang po nila."

Napasandal si mamshie sa kina-uupuan niya. Mataman niya akong tinignan, napansin ko ang nag babadyang luha sa kanyang mga mata.

Naalarma ako dahil doon. Bakit siya naiiyak?! May masama ba siyang nararamdaman?

"Are you okay, mamshie?"

Maagap siyang tumango kahit na miserableng nagsitakasan ang mga luha niya. Nadurog ang puso ko habang tinitignan siya. One thing I have learned while watching her battle everything that has happened is... she loves fiercely and silently at the same time. Kayang kaya niya pag sabayin iyon at hindi ko alam kung paano, she is just so amazing.

My mom is amazing.

"Do you miss papshie?" Tanong ko.

Wala si papshie ngayon dito, nasa Pampanga. He is busy taking care of lola and lolo, pero sa tingin ko higit pa roon ang dahilan. Nandoon siya dahil...

Hinihintay niyang umuwi si mamshie at naiisip niya na roon siya una pupunta.

I have realized a lot about love watching them. Ang pag ibig ay kaya mag iba't ibang anyo, it can show in the happiest days of your life, it may even show when you are confused, lost and miserable. But... it can also show amidst anger, minsan ito pa ang tutunaw doon.

Umiling siya. "Oo, pero... I just wished I was there... with you," aniya.

"When you're ready. Nandito lang naman po kami, basta pag handa ka na po."

Napatingin siya sa orasan. "Osya, I have to go, mamamasyal pa kami ng mga kuya mo."

Hindi niya ako hinintay sumagot at mabilis pinatay ang tawag.

Nalaglag ang panga ko nang maiwan sa video call namin. Pinilig ko ang ulo ko at sinara nalamang ang laptop. Kasabay 'non ay ang pag doorbell, agad kong tinignan ang monitor para sa cctvs, upang tignan kung sino ang naroroon at napatayo nang makita si Angelo roon.

MONTGOMERY 7 : Free FallWhere stories live. Discover now