CHAPTER 21

438 10 1
                                    

KAYA KO TO'

Kakagising ko lang at kailangan kong magtrabaho. Mahirap man pero kakayanin. Nandito na naman tayo ulit babalik sa katotohanan.

Bumangon na ako at naligo, napagisipan ko kapag 3months na yung tiyan ko ay hihinto na muna ako sa pagtra-trabaho, saka ko na rin sabihin kay Mommy at Daddy.

Nung natapos na akong maligo at mag ayos bumaba na ako at nakita ko yung mga kaibigan ko na naghahanda sa sala.

"Uminom ka na ba ng gamot?" bungad kaagad ni Lyka.

"Hindi pa" sabi ko.

"Kumain ka muna dito, tapos uminom ka ng gamot mo. Wag mong pababayaan sarili mo Bri." sab ni Pat.

"Copy girls." sabi ko at umupo.

Nilalagyan ni Saichi ng ulam at kanin yung pinggan ko.

"For sure makikita mo yung ex mo. Dumistansya ka nalang okay?" sabi ni Kristy.

"Will do." sabi ko.

"May balak ka bang sabihin sakanya tungkol sa pagbubuntis mo?" tanong ni Saichi.

"Wala. Wala akong mahanap na dahilan kong bakit ko pa sasabihin dahil sa susunod ay mag aasawa na siya." sabi ko.

"Kailan mo balak mag on leave?" sabi ni Kristy.

"Kapag 3months na yung tiyan ko" sabi ko.

"At baka sa pilipinas na muna ako magpapatuloy" dugtong ko pa.

"We respect your decision Bri. We are here for you remember that." sabi naman ni Pat.

"Thankyou talaga girls. Hindi ko alam kong anong pasasalamat ba ang dapat kong ipapasalamat dahil sobra sobra na talaga yung pag aalaga niyo saakin" sabi ko.

"Nako Bri, wag mong isipan yan. Kumain kana diyan" sabi ni Pat.

"Kayo? Kumain na ba kayo? " Tanong ko.

"Oo kanina pa. Kaya kumain kana " sabi ni Pat.

Kumain na ako at umalis na rin sila sa sala, mag isa nalang ako ngayon dito na kumakain. Nung natapos kong magkain niligpit ko na at hinugasan yung pinagkainan ko.

I know a lost lots of my routine, but maybe soon maibabalik ko rin yun. Nung natapos akong maghuhas ay nag toothbrush na ako at lumabas na nang salas.

"I have to go girls" paalam ko sakanila at humalik sa kanilang pisngi.

Sumakay na ako sa Van ko, wala akong balak magdrive ngayon. Nung nakarating na ako, sumuot ako ng shades dahil for sure marami na namang reporters. Bumaba na ako at pumasok sa office ko.

Naabotan ko sina Lovely at Alex na nag uusap.

"Oh God Bri. I'm so worried. Hindi mo sinasagot yung nga tawag ko" sabi ni Lovely.

"I'm okay Love." sabi ko.

"May shooting ka mamaya para sa cover page" Sabi ni Alex.

DESTINYWhere stories live. Discover now