Unang Kabanata

19 3 0
                                    

+ Kyle +


Maraming tao ang nadidisgrasya tuwing sasapit na ang gabi. Yung iba ay naho-holdap, nare-rape, o kaya naman ay bigla-bigla nalang nawawala. Parang abo na hinangin at sa isang iglap lang ay... naglaho na.


Maliwanag na sa mga mortal na kagaya ko na ang mga halimaw katulad ng bampira ay hindi lamang kwento na ipanasa-pasa hanggang makarating sa henerasyon namin ngayon. Nandyan lang sila sa paligid. Nagmamasid. Nag-aantay ng mahuhuli, ng makakain. Hindi na iyon sikreto dahil matagal na panahon na ang nakalilipas nang ipakita nila ang tunay nilang anyo ng walang pag-aalinlangan.


Ngunit wala nang magawa pa miski ang gobyerno para pigilan ang mga nilalang na kagaya nila. Ang tanging magagawa lamang ng mga tao ay... mag-ingat.


Na siya namang hindi ko ginagawa ngayon.


Oo na, ako na ang dakilang pasaway. Ako yung bida sa isang horror film kung saan ako yung hinahabol ng isang white lady na may dalang itak pero imbis na tumakbo ay lilingon pa ako.


At madadapa.


Tanga. Iyan ang kadalasang description nila sa akin. Isama mo narin ang lampa. Pero nasa isang misyon ako ngayon. Kailangan kong makahanap ng bampira.


Gusto kong patunayan na hindi ako yung taong inaakala nila. Ako yung hindi papatalo! Ako yung kahit natatakot ay may kaunti rin namang tapang! Na miski bampira ay kaya kong- !


"Ay nanay mo!" malakas kong sigaw nang matapilok ako sa isang bato.


Malakas akong bumuntong-hininga at nagmasid sa paligid. Madilim na at walang katao-tao maliban lang sa akin.


Buti naman at walang nakakita sa pagkadapa ko.


Pinagpag ko ang dumi sa pantalon ko at tumingin sa relo ko. Mag-aalas-dos na pala ng madaling-araw. Para akong kinalibutan nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Shin, ang kaklase ko.


Alas-dos ng madaling araw, ang oras ng mga halimaw.


Umihip ng kaunti ang hangin at tila sumasabay naman dito ang pagbulong ng mga puno. Ano ba naman kasi ang pumasok sa kukote ko at naisipan ko pang pumunta dito sa may kakahuyan!


"Ang bobo mo talaga Kyle!" sabi ko habang pinupukpok ang ulo ko.


"Walang taong bobo."


"Sino yan? May tao ba dyan?!"


Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses na iyon. Lumingon ako sa kanan, ngunit wala namang tao doon, sa kaliwa, sa mga puno, lahat ng maabot na mata ko. Pero wala, walang sumagot sa akin.


Hindi kaya imahinasyon ko lang iyon? Ha! Nababaliw ka lang Kyle! Sabi na nga ba hindi magandang ideya na pumunta dito nang mag-isa!


"Siguro dapat umuwi nalang ako. Hahaha." Sabi ko sa sarili.


Nagsimula na akong maglakad palayo sa gubat. Siguro nga hindi talaga para sa akin ang gabing ito... hindi ako makakakita ng bampira. At babalik nanaman ako bukas para ano? para umasa na balang araw makakakita ako ng bampirang tutulong sa akin sa paghahanap sa halimaw na pumatay sa tatay ko? Baliw na nga siguro ako.


Tuloy-tuloy akong naglakad at hindi na muli pang tumingin sa pinanggalingan kong misteryosong gubat.


*****


Hindi na muling tumingin pa ang binata sa likod niya. Hindi na niya nakita ang babaeng nagbabantay sa kanya sa tuwing napapadpad siya sa gubat.


"Bakit hindi ka na naman nagpakita sa kanya master?" tanong ng diwatang-gubat na kasama niya.


"Hindi mo ba siya narinig? Tao ang hinahanap niya... hindi bampira." Malamig ngunit makahulugang tugon nito sa diwatang-gubat.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BloodWhere stories live. Discover now