Chapter 44: Missing You

524 30 3
                                    

"Hmmmm!" Mahinang ungol ni Dennise ng maramdaman ang mainit na sinag ng pang-umagang araw na tumama sa kanyang likuran.

She was lying face down on their bed.

Dahan-dahan ang ginawa niyang pagbukas ng kanyang mga mata. Kasabay ng nakasisilaw na liwanag na sumalubong sa kanyang paningin ay siya ring pagbaha ng alaala patungkol sa mga pangyayari ng nagdaang gabi!

Napaawang ang kanyang bibig sa sunod-sunod na pagragasa ng mga detalye sa kanyang utak.

"Arrghh, nakakahiya ka Dennise Michelle!" Mahina niyang usal.

Bigla siyang nakaramdam ng pagkapahiya sa mga pinanggagawa niya ng nagdaang gabi.

Kung pwede nga lang niyang hampasin ng unan ang sarili ay ginawa na niya!

Biglaan ang ginawa niyang pagtutop sa sariling bibig ng marealized na hindi siya nag-iisa sa kama. At maaring maistorbo ang pagtulog nito dahil sa pagkastigong ginawa niya sa kanyang sarili.

Humugot siya ng ilang malalalim na hininga para pakalmahin ang sarili!

Ilang minuto din siyang nanatiling walang imik! Pinakiramdaman ang paligid.

"Mukhang hindi naman siya nagising. Napagod talaga siya sa ginawa namin kagabi!" Naibulong ni Dennise. Mabilis na kumalat ang kilabot sa kanyang katawan. Na naging dahilan ng pag-iinit ng kanyang pisngi.

Muli ay ang pagbaha ng alalala mula sa nagdaang gabi.

Napalunok siya, biglaang nanuyo ang kanyang lalamunan!

Out of frustration ay inihilamos niya ang palad sa sariling mukha!

"Uggh!"

Ilang minuto muna ang pinalipas niya bago nagpasyang gumalaw para icheck ang espasyo sa kanyang tabi.

Nakadapa paring kinapa niya ang espasyo.

Makailang ulit na pinadaan niya ang braso sa ibabaw ng kama, pero...

Wala siyang makapa na kung ano!

Mabilis ang ginawa niyang pagbangon!

Naupo siya sa kama saka binalingan ang espasyo.

"Paanong nangyari iyon?" Kunot-noo pa siyang napatitig sa doon.

Bakante iyon. May kaunting gusot ang kobre-kama ngunit hindi iyon sapat na indikasyong may nakatabi siya sa pagtulog, plus hindi din iyon ang chaotic sight na naimagine niya after a wild and heated night!

Inilibot niya ang paningin sa kabuuhan ng silid. Kung pagbabasehan ang mga alaalang nagsulputan sa kanyang isipan sigurado siyang nakakakita siya ng sapat na ebidensiya magpapatunay sa mga pangyayari ng nagdaang gabi!

Ngunit wala rin siyang nakitang kahit na ano! Walang kakaiba sa silid na iyon!

(Walang mga nagkalat na damit at underwears! Lol.)

Walang Alyssa Valdez!

"It was all just a dream!" May lungkot at pagkadismayang wika ni Dennise!

**********

Imbes na maiwang mag-isa at magduel sa nakakawindang at nakakalitong pangyayari ng umagang iyon ay ipinasya ni Dennise na mag-ayos saka pumasok nalang ng opisina.

Agad na sumalubong sa kanya ang sariling sekretarya. Pinapupunta daw siya ng kanyang ama sa opisina nito dahil may pag-uusapan silang mahalagang bagay.

Pumasok muna si Dennise ng kanyang opisina para kuhanin ang sa palagay niya'y rason kung bakit siya gustong makausap ng ama.

Dumeretso siya sa kanyang executive desk, naupo sa swivel chair at pinasadahan ng tingin ang mga nakapatong at nakasalansang folders.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now