LXIII(⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)⁠✧。

10 1 0
                                        

63

CONSONANT


"Mama...napapansin po namin na hindi ata maaga ang uwi ni Papa ngayon?"

Hinarap ko ang mga anak ko lalo na si Arkus na nagtanong. 

Hininto ko muna ang paglilinis ng galunggong na uulamin namin ngayong hapunan. Halos dalawang linggo ng hindi umuuwi ng maaga si Dalter. Gusto ko man sagutin ng pabalang ang mga batibot, halata namang nagtataka sila kung saan sumususuot ang kanilang Papa dahil late ng dumarating ng uwi. Kaya magiging mabait na muna tayo. Sasagutin ko siya ng pabalang!

Eme!

"Busy lang ata anak ang Papa niyo. Maupo na muna kayo diyan at tatapusin ko lang ito," tahimik naman silang sumunod. Siyempre joke lang! Malaking biro kung maging masunurin talaga sila!

Kanina pa nila ako ginugulo. 

Huminga ako ng malalim. Ilang araw na ang nakalipas nung huli naming pag uusap ni Letter at bigyan ako ng pangmalakasan niyang payo. 

Kahit nakaka-inis siya!

Si Dalter...nagbibigay pa rin siya hanggang ngayon ng mga bulaklak at kung ano ano na message kaso laging wala—

Miss mo? Miss mo, ano?! Malandi ka!

Agad akong sumimangot. Epal talaga 'tong konsensya ko! Puwede naman kasi na manahimik lang sa tabi!

Na agaw ang atensyon namin sa narinig na busina sa labas ng bahay. Nagkatinginan kami ng mga bata.

"Mama si Papa na 'yan!" 

"We? Baka na r'yan na ang mga kukuha sainyong mga mafia!"

Sinimangutan nila ako. Agad naman ulit nagsalita ang isa.

"Mama! Baka nga si Papa 'yan?!"

Tumaas ang kilay ko, "ba't 'di niyo salubungin?" Ngumiwi ang batang Erkus at napailing na tinawag nito ang mga utol niya. Ipinagpatuloy ko pa rin ang pag aasikaso sa galunggong. Busy na akong sabunan ito—tanga!

"Tarantada ka talaga Consonant!" Pagkakastigo ko sa sarili. Inis kong hinugasan ulit ito. Maglalasa pang sabon 'di sayang sa ulam? Mahirap talaga kapag buang at ganda lang ambag sa earth! Napailing na ako sa katangahan.

"Mama, lasing si Dalter!" Sigaw ni Uranus. 

Umirap ako. "Oh, ano gagawin ko?!" Sigaw ko din. Agad naman silang nagsi angalan. Naghugas agad ako ng kamay at bagot na pinuntahan ang mga bata. 

Nagsalubong na agad ang aking kilay ng makita ang walanghiya sa may entrada ng bahay na halos sabog sabog na sa kalasingan.  

Pinalilibutan ng mga bata ang nakayukong si Dalter. Gulo gulo ang buhok na hindi niya pa napapagupitan dahil masyado ng mahaba, natatakpan na ang kaniyang ilong. Wala na rin ang suot nito na coat. 

"Pa'no naka uwi 'yan?" Nagtataka kong tanong sa mga anak ko. 

Nagtaas ng kamay si Ikarus na nakangisi. "Bibilangan na ba natin?" Sabay uma aksyon na tila sasabak sa boxing.

Ngumiwi ako. 

"Magsitigil kayo. Pa'no nakauwi 'yang Papa niyo?" 

Nakapamewang ko pang nginuso ang papa nilang na lowbat na.

Sinagot naman agad ni Odanus habang hawak sa leeg  ang nakayukong si Dalter. "May naghatid sa kaniya Mama, kaibigan niya—"

"Babae ba?" Nagkatinginan sila sabay iling. Nakahinga naman ako ng mabuti—nakahinga ako ng maayos ng okay pa sa alright siya nakauwi ng ligtas—good pa sa better!

Hiding Vowels (On-going)Место, где живут истории. Откройте их для себя