Azria Primo's POV
FRIDAY—samot-sari ang ingay ang maririnig ngayon sa Cafeteria. Pinag-uusapan ang paparating na owner ng University.
"Balita ko ay gwapo't maganda raw ang mga anak nung may-ari ng school"
"Excited na akong makita silaaaa"
"Ako rinnnn"
Napailing-iling nalang ako sa naririnig.
Kalat ang balitang pupunta raw ang founder nitong University at ipapakilala ang kanilang anak at mga apo.
Kaya naghahanda ang marami para sa pagdating nila sa susunod na linggo.
Hindi ko alam kung anong espisyal doon dahil tao lang din sila katulad namin.
Bored ko lang pinagmasdan ang mga estudyanteng excited sa mangyayari.
"Nakakatawa ang mga estudyante HAHAHHAHA" natatawang saad ni Deuce.
Napailing nalang kami sa lakas ng tawa niya.
NAKANSELA—ang klase ngayong hapon dahil may meeting ang mga professors kaya narito kami sa tambayan.
"Sobrang busy ng lahat" ani Trace.
"Bakit malungkot ang beshy ko?" asar ni Deuce
Binatukan nito si Deuce bago sininghalan "Tignan natin sino ang malulungkot next week BESHY KO"
Kumusta na kaya si Kaye? sana ay okay lang siya.
Kumain na kaya siya?
"Anong iniisip mo" biglang tanong ni Quinn.
"Dapat ba marinig n'yo?"
"HAHAHHAHAHA ang pilosopo mo naman, Primo"
"Tsk"
"Puntahan mo na kasi nang 'di ka parang may dalaw d'yan"
"O kaya ichat mo?"
Nabaling ang tingin ko sa kanila bago sa hawak kong cellphone.
Nagdadalawang-isip kung dapat ko ba siyang itext lalo na sa huli naming naging tagpo.
"Sige na ichat mo na, Primo" tudyo pa ni Trace.
"Anong sasabihin ko?" tanong ko at tinignan sila.
"Na miss mo na siya"
"Gusto mo siya makita"
"Tanong mo kung may bagyo ba"
Sabay sabay nilang sagot.
"Anong connect niyang bagyo, Trace?" nakakunot kong tanong.
"Ay wala 'to" umiiling-iling pa 'to kaya hinampas ko.
"Aray HAHAHHA ito na"
"Tsk"
"Tanong mo kung may bagyo pag-sumagot sabinin mo ang lakas ng bagyo rito samin mula umaga hanggang gabi iniisip kita"
YOU ARE READING
𝐅𝐨𝐮𝐧𝐝 𝐘𝐨𝐮 𝐢𝐧 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 - (GXG - PROFxSTUD)
General FictionProfxstud - GXG We cannot unlove the person that once we love. But, the love towards our new love should be greater than the past in order to heal our broken heart. Sa pagitan kita natagpuan -Azria Primo Adelson