Kabanata 32

14.6K 152 5
                                    

Kabanata 32

Margarette

Righael kept insisting that the baby wasn't ours. He wanted us to do a DNA test to confirm it but I was too devastated to get involved. Halos hindi na nila ako makausap dahil masyado nang matindi ang sakit na nararamdaman ko, habang panay naman ang pagwawala ni Rig kahit noong nakaalis na kami ng ospital dala ang wala nang buhay na sanggol.

"I will do the test. I know that's not our child," galit niyang sabi habang nakasakay kami sa backseat. Kalong ko ang kahon kung nasaan ang sanggol na pinipilit niyang hindi namin anak.

I don't know if I'm just too hurt and grieving that his words hit my nerves. Kaya nang makarating kami sa bahay at inulit niya na namang hindi namin anak ang batang iniuwi naming nakakahon ay sumabog na ako.

"Will you shut up?!" I shouted with tears falling down my cheeks.

Masyado akong nasasaktan na parang ako lang ang nagluluksa at kung iduro niya ang sanggol ay parang wala itong karapatang iyakan. It's a baby! A baby whose chance to experience life had been taken away from because of him!

Ayaw ko siyang awayin o sisihin, ngunit lumalamang ang sakit na nararamdaman ko. I couldn't think straight anymore because my heart is breaking for the child inside the box.

Nanay ako. Ang sakit-sakit mag-uwi ng walang buhay na sanggol, tapos iyong taong inaasahan kong kasama kong magluluksa, makakaramay ko sa sakit at dapat ay nagsasabi sa aking kaya namin ang pagsubok na ito, walang ibang bukambibig kun'di hindi niya anak ang bata.

Isa pa ay unti-unti ko na ring nagiging kalaban ang aking isip. Binubulong ng isang bahagi na sinadya ni Rig ang nangyari. Na baka ayaw niya lang aminin pero ang totoo, ang anak ko ang kabayaran sa pagkamatay ng kapatid niya.

I don't want to entertain the thoughts about Rig being guilty of the baby's death, but as a mother who only heard a little of her baby's first cry, I am so close to losing my mind.

Maybe Rig had been under so much stress already that his anger lord him when he heardy sobs getting louder. "Wipe your tears. We'll find our son—"

"Paano kung ito?!" I sobbed. Sumabog na nang tuluyan. "Paano kung baby nga natin 'to at namatay siya dahil nadaganan mo ng braso?! Paano kung anak natin 'to tapos naririnig niyang ipinagpipilitan mong hindi mo siya baby?! Paano kung si Reid talaga 'tong batang nakakahon at hindi na humihinga?!"

"That's not my son, Margarette!"

"But what if you really killed him?!" Out of extreme pain and anger, I spat back.

Natigilan siya. "You're blaming me?"

I sobbed. "Ayaw kitang sisihin, pero sobrang gulo na ng isip ko. Paulit-ulit ka. Sabi ng isip ko, paano kung sinasabi mo lang 'yan dahil ayaw mong masisi sa pagkamatay ng anak natin? O . . . O paano kung hindi mo naman talaga kami mahal at parte pa rin 'to ng paghihiganti mo? Buhay ba kapalit ng buhay? Did you do this because you wanted me to feel the exact same pain that almost killed you within?!"

Dumilim nang husto ang kanyang ekspresyon. "Putangina." He rubbed his palm on his face as if he couldn't control his anger anymore. "Sinisisi mo ko . . ."

Umalog nang husto ang aking mga balikat. "H-Hindi ba talaga natin anak 'to, Rig? Hindi ba talaga 'to si Reid? O hindi mo lang maamin sa sarili mong kasalanan mo—"

"I didn't kill my own child!"

"Then why are we bringing home a dead child instead of a breathing baby?!" I shouted as I got fully consumed by grief and pain. "Bakit nakakahon?! Bakit nasa tabi natin?! Bakit nakadagan ang braso mo?! Anak man natin o hindi, nawalan pa rin ng buhay dahil sa'yo!"

Nadampot niya ang vase at ihinagis sa pader dala ng matinding galit. "I will never kill my own child! I fucking love Reid with every bit of me so how dare you! How dare you blame me for something God knows I will never do!"

Nanlambot ang aking mga tuhod habang humihikbing nakatitig sa galit niyang mukha. Nang tila napagtanto niya kung ano ang nagawa niya ay unti-unting napalitan ng pagsisisi ang kaninang galit sa kanyang mga mata.

"Baby, I didn't mean—"

Natigilan siya nang umatras ako't hinigpitan ang yakap sa kahon. "Y-You didn't mean it? G-Gaya ba ng . . . hindi mo sinasadyang pagpatay sa anak na ilang buwan kong hinintay at dinala sa sinapupunan ko?"

His tears built up. Sinubukan niyang tumingala para pigilan ang mga luha sa pagpatak ngunit hindi siya nagtagumpay. Nang tila hindi na niya kinaya pa ay napaupo na lamang siya sa sofa, yumuko at magkasalikop ang mga palad na tumangis.

"I love my baby so much. I love him so much that if that's really him, I would never stop begging God to bring him back even if it means I'd trade my own life just to see him breathing so how dare you." He sniffed as he looked at me with pain and anger. "How dare you blame me when all I wanted to do is be the best father he could ever have?"

Imbes na sumagot ay tumalikod na lamang ako habang humihikbi. I went upstairs, locked the door, and held the lifeless child as I cried my heart out.

Ang sakit-sakit. Gusto kong maniwala na hindi siya ang baby ko, ngunit tuwing nakikita ko ang tag ng pangalang nakakabit sa kanyang maliit na binti ay sinasampal ako ng reyalidad.

Samaniego, Reid Ghallen E.

That's the name written on the blue tag strapped on the baby's leg. Iyon ang pangalan ng anak namin. Ng anak naming araw-araw kong ipinanalangin sa Diyos na lumaking mabuting bata.

Niyakap ko ang sanggol at lalong tumangis. "Diyos ko . . ." I sobbed. "Bakit hinahayaan Ninyong mangyari sa akin 'to?! Hindi ako masamang tao! Wala akong inaagrabyado pero bakit?! Bakit paulit-ulit Ninyong hinahayaang pagdaanan ko ang lahat ng ito?! Ano bang kasalanan ko?! Dahil ba anak ako sa isang pagkakamali?! Dahil ba naipasa sa akin ang kasalanang hindi ko naman ginawa?!"

I don't want to blame God for my pain, but it's too much. This is too much.

Humikbi ako't niyakap pang lalo ang walang buhay na sanggol. Umaasang isang araw, mapapawi ang sakit at maiintindihan ko rin kung bakit ako pa ang kailangang dumanas sa lahat ng ito.

Isa lamang ang sigurado ko ngayon. Oras na mailibing ang sanggol, alam ko sa sarili kong hindi ko na nanaisin pang bumalik sa lugar na ito.

Sa piling ng taong naging puno't dulo ng lahat ng sakit at sama ng loob na paulit-ulit dumudurog sa puso ko . . .

TAMED SERIES #1: Righael Samaniego Where stories live. Discover now