KABANATA XXXV

2.3K 90 3
                                    

MIKHA'S POV

After 2 years...

"Kumusta na si Aiah? Mukhang puyat na puyat ka ah" Tanong sa akin ni Colet ng pumasok na ito sa opisina ko.

"Nabanggit sa amin ni Bianca yung kundisyon ni Aiah, sana maging okay lang si Aiah at yung baby niyo kung ganon" Nag aalala ng tanong din ni Gwen kaya napatango na lang naman ako.

"Sana nga maging maayos at maging okay lang yung mag iina ko, ako na rin ang nahihirapan kapag nakikita ko misis kong nahihirapan, hindi pa rin mawala sa kaniya yung pangamba" Sagot ko na lang at napahinga ng malalim.

"E sino kasama ni Ate Aiah ngayon?" Takang tanong na ni Jhoana sa akin.

"Nagpahatid siya sa kanila kasama niya pamilya niya ngayon, dumaan lang talaga ako rito para tapusin yung ilang kung gawain tsaka sa pagfile ko ng leave" Sagot ko sa kanila at sabay-sabay naman tumango ang mga ito.

Baby? Yeah, that's right! Magkakababy na kami ni Aiah. Napagdesisyonan na kasi namin matapos ng first wedding anniversary at ng paglibot namin sa iba't ibang bansa ay sunod na gawin naman namin ay ang pagsagawa ng proseso para sa magiging anak namin, na siya naman muntikan ng maging dahilan ng tampo ng misis ko.

"Asawa ko" Biglang usap niya habang nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko habang nakahiga na kami

"Po?"

"Simulan na natin yung pagproprocess natin para sa magiging baby natin" Usap niya kaya agad agad naman akong napatingin sa kaniya.

"M-misis ko" Nasabi ko na lang at nag aalalang tumingin sa kaniya.

"Ayaw mo pa?" Nag aalala at naiiyak na rin na tanong niya ng tignan na rin niya ako.

"Hindi, i mean, gusto pero kasi misis ---

"Madali lang magsabi ng huwag muna, Mikha Lim" Usap niya at tumalikod na ng higa sa akin.

Mikha Lim na hindi na Asawa Ko. Yare!

"Misis ko, hindi naman sa ayaw, pakinggan mo muna ako, please" Usap ko na sa kaniya ng isiksik ko na rin ang sarili ko sa kaniya.

"Okay, makikinig ako" Usap niya at naupo na sa kama habang hinihintay na ang paliwanag ko.

"Thank you" Sagot ko na lang at naupo na rin para harapin siya at hawakan ang kamay niya.

"Ganto kasi yon, Misis ko, marami na kasi  akong naririnig sa hospital na hindi successful na process pagdating sa mga ganyan, ayoko lang madissappoint ka, ayoko lang mag isip ka ng kung ano-ano incase na magaya tayo sa kanila, nasaksihan ko rin na hindi madali ang pagbubuntis misis ko, natatakot ako na baka mahirapan ka o hindi kaya baka hindi mo kayanin, ayoko lang mapano ka, misis ko"

"Oo, pangarap ko to, pangarap natin to, noon pa, tayo bilang mag asawa, may mga anak, kumpleto at buong pamilya pero kasi misis ko, ako yung natatakot para sayo e, joke lang talaga yung dose jusko!" Paliwanag ko sa kaniya habang nakatitig lang naman ito sa akin. 

"I love you" Nasabi na lang niya at hinalikan na ang labi ko habang hawak hawak na niya ang magkabilang pisnge ko.

"I love you too"

"Pero nangako ako sayo asawa ko, nangako ako sayo na magiging mabuting asawa ako at ina sa mga magiging anak natin, kaya paano ko matutupad yung pangako na yon kung natatakot kang simulan yung proseso?" Tanong niya kaya napanguso na lang naman ako.

"Pero kasi misis ko ---

"Asawa ko, ngayon, mangangako ulit ako sayo, na kakayanin ko, na walang mangyayari sa akin at sa magiging anak natin, normal lang mahirapan pero pangako hindi ako mapapaano" Pagpapangako na niya sa akin kaya niyakap ko na lang naman ito.

"Dito ka lang ah"

"Dito lang asawa ko" Sagot niya at hinalikan na ang leeg ko.

"Habang wala pang mang iistorbo" Bulong pa niya kaya napangiti na lang naman ako.

"Asawa ko" Bungad na ng misis ko ng sagutin na niya ang tawag ko.

"Sunduin na kita maya-maya riyan sa inyo, anong gusto mo?" Tanong ko na sa kaniya pero saglit pa man itong natahimik.

"Ikaw" Sagot niya kaya napangiti na lang naman ako.

"Please, asawa ko uwi ka na" Dagdag pa niya kaya agad ko naman na inayos ang gamit ko.

"Pauwi na, i love you"

Nang makarating naman na ako sa bahay ng mga magulang ni Aiah ay taka naman akong makita siyang nakaupo sa labas ng bahay nila habang nakikipag kwentuhan sa mommy at daddy niya.

"Mommy, daddy" Bati ko na sa mga magulang ni Aiah at nagmano sa mga ito.

"Misis ko" Bati ko na sa kaniya at hinalikan na ang labi niya.

"Bakit nandito ka sa labas?" Takang tanong ko na sa kaniya habang yakap yakap na niya ako.

"Kanina ka pa hinihintay niyan, hindi na nakapaghintay sa loob kaya nagyaya na rito sa labas" Sagot ng mommy nito kaya taka naman akong tumingin sa kaniya.

"I miss you" Nasabi na lang nito at muli akong niyakap.

"Mukhang magiging kamukha mo pa anak, ikaw pinaglilihian ng misis mo eh oh" Natatawang aniya na ng daddy nito kaya natawa na lang naman kami pare-pareho.

Pag uwi naman namin sa sarili namin bahay, na si Aiah naman mismo ang nagdisenyo ay agad naman itong naupo sa sofa at agad din naman ako niyakap nito palapit na sa kaniya.

"Miss me?" Nakangiting tanong ko na sa kaniya at agad naman itong tumango.

"Asawa ko, I'm sorry" Biglang sabi niya kaya taka naman akong tumingin sa kaniya.

"Hmm? Bakit? Anong problema?" Tanong ko pero umiling lang naman ito.

"Wala naman, natanong kasi kanina ni mommy kung kamusta tayo, nakwento ko sa kaniya yung paglilihi ko nitong mga nakaraan buwan, doon ko lang narealize na grabe na pala kami ng anak mo sayo, lagi ka na lang namin napapagod tsaka napupuyat, kaya sorry asawa ko" Sagot niya kaya napapangiti naman akong napatingin sa kaniya.

"Misis ko, sa atin dalawa ikaw ang mas nahihirapan, ikaw tong may dala dala riyan oh tsaka tong ginagawa ko, walang wala to sa hirap na dinaranas mo ngayon, kaya okay lang yon, okay lang ako, para sayo, para sa baby natin, lahat gagawin ko, okay?" Paninigurado ko na sa kaniya kaya tumango naman agad ito.

"Mahal mo pa rin ba ako kahit ganito na itchura ko?" Nakangusong tanong pa niya kaya tinignan ko naman ang buong katawan niya.

"Huh? Misis ko? Alam mo bang ikaw ang pinaka sexy na buntis na nakita ko, tignan mo nga sarili mo oh, pwede ka pang ipasok sa miss universe niyan e, mas lalo ka ngang gumanda sa paningin ko" Seryosong sagot ko pero napailing naman ito.

"Bola!"

"Totoo! Kung wala nga lang harang yan tiyan mo, kinama na kita" Biro ko pa sa kaniya pero ngumiti naman ito.

"Pwede naman" Sagot niya kaya napanganga na lang naman ako.

Buntis nga pala! Yung hormones! Jusko po!

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now