Episode Two

5 0 0
                                    

ZYKIEL

Umuwi akong matamlay at pagod sa bahay. Galing ako sa trabaho ko bilang manager sa isang restaurant na pinahawak sa'kin ni Mommy. Nakakastress sa trabaho, ang daming mga customer na nagrereklamo tapos tinatawag nila ako para kausapin. Sabi ng isang customer na may buhok daw sa soup nila and they gagged— and said that, it was unprofessional of the waiter kuno, hindi raw tinitignan if pwede bang iserve ang soup or hindi. We have "Customer is always right" policy, so that's why.

Nilapag ko mga gamit ko sa table tapos umupo sa sofa. Umulan bigla nung nakauwi ako, buti nalang hindi ako naaubutan ng ulan. Ewan mo ba kung ako lang nakakaramdam ng coziness kung nakakakita ng ulan.

Hindi ko namalayang may lumabas sa cr. May lumabas na isang lalaki na ikakabaliw ng mga kababaihan. Alagang-alaga sa katawan, mapupulang mga labi, makakapal ng mga kilay. In short, napakalakas ng dating 'tong lalaki na ito. Si Kendrick— asawa ko. Arranged marriage nga lang.

Pumasok nalang ito sa kanyang kwarto na parang hindi niya ako nakita. Ni hindi man lang niya ako kinamusta sa trabaho. Palagi nalang ito ang sitwasyon. Nasa isang bubong kami pero parang ako lang mag-isa sa bahay.

Naalala ko nung may dinala siyang babae sa bahay. Nagluluto ako ng dinner namin. Adobong Manok, paborito niya. Sumasayaw pa ako tapos kumakanta kasi akala ko kakain kaming sabay kung ipagluto ko siya ng paborito niya. Pero nagulat ako nung pumasok si Kendrick na may kahalikan na babae. Pumasok silang lasing, halatang galing sa bar.

Kung makahalik sila sa isa't-isa na tila ba'y walang bukas. Isang predator na natagumpay kasi nakuha niya ang kanyang prey. Nabitawan ko yung ginagamit kong sandok. Makikita mo ang asawa mong may kahalikang iba.
Wala akong masabi, tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Nagulat ako nung nakita ako ng babae
"Hoy maid, bilisan mo yang niluluto mo. After naming gumawa ng bata, kakain kami. Oh siya, Ciao bading!"
Gusto kong umiyak nung nakita kong ngumiti si Kendrick sa sinabi ng babae sakin.

Ayaw kasi sakin si Kendric. Why? kasi bading ako. Never in his life inimagine na mag-asawa siya ng bading.
Kinahihiya niya ako sa mga tropa niya. Pinagtawanan pa nga siya eh kasi bakit pa raw sa bading.

Pero lahat ng 'yon, okay lang sa'kin. Mahal ko siya eh. Hinayaan kong lamunin ako ng kadiliman kasi pagod talaga ako sa trabaho. Susuko ako kung pagod na pagod na talaga ako sakanya— I promise.


Nagising ako sa isang pamilyar na boses sa labas ng bahay. Narinig ko ang inis sa boses niya—si Kendrick.
"Kailan ba ako makakaalis dito? Pumayag ako na pakasalin 'tong bading na ito dahil sa laro. Nakasama ko na 'tong bading for years! For fucksakes, kailan ba ito matapos bro?" sabi niya. Ramdam ko talaga ang galit niya sa'kin. Ayaw niya talaga ako makasama. But here I am, delulu. Gumagawa ng mga fake scenarios with him—na magkaroon ng anak.

"Kadiri ka bro, gagawa kami ng anak? Eh wala naman yun matres, umaasa pa nga siya na mag sex kami. Asa siya, baka masipa ko pa 'yon." kausap niya siguro mga katropa niya ngayon. Nakakasakit na sa pakiramdam. Kahit anong gawin ko sakanya, wala parin.

Nagsisisi ako bakit ako naging ganito. Sana naging babae nalang ako, sana. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Pinunasan ko naman agad kasi ayokong ipakita sakanya na umiiyak ako. Baka masabihan pa ako ng mga masasakit na salita.

"Kadiri tang*na, ayoko na nga. Mas gustuhin ko pa siyang mawala sa mundo. Nakakakilabot ka naman bro. Pinipili mo ako kung ano sa dalawa? Siyempre yung mawala siya sa buhay ko." sabay humalakhak siya ng malakas.

Fine. If that's what you want. Kung ayan ang ikakasaya mo, ibibigay ko.

KENDRICK
Halos sumakit tiyan ko kakatawa sa sinabi sakin ng mga ulupong na 'yon. Ako? magkakagusto sa bading? kadiri.
But na-appreciate ko mga ginagawa niya sakin. But still, kadiri. Nakita ko siya sa sofa naka-nganga kanina bago ako lumabas ng bahay. Halatang pagod na pagod sa trabaho, kitang-kita ang malalaking dark circle sa ilalim ng mata niya.

Pagpasok ko sa bahay. Wala na siya doon sa sofa. Siguro naligo. Pero wala naman akong naririnig sa banyo. At this time, hinahandaan na ako ng pagkain na hindi ko kinakain. Baka nilagyan ng gayuma para mahalin ko siya—fuck no.

Ang weird kasi ang tahimik talaga ng bahay. Pero hindi ako nagrereklamo, for the first time. Tumahimik na rin ang bahay. Sinabihan ko yung ka-fubu ko na pumunta siya dito. Pupunta kaming langit sandali.

Habang hinihintay siya sa labas ng gate. Hindi ko talaga maiwasan na mag-alala. Sobrang tahimik, para bang ako lang mag-isa sa bahay. Nagkasakit ba 'yon? mukhang hindi naman siya naabutan ng ulan kagabi. Nagpapahinga siguro ngayon sa kwarto niya.

Mga ilang minuto dumating na yung ka-fubu ko. Pinapasok ko siya sa bahay.

"Kendrick, grabe ang aura ng bahay niyo ng bading ah. Bigat sa pakiramdam." sabi ng ka-fubu ko nung pinapasok ko siya sa loob ng bahay. Hahalikan ko na sana siya, kaso hindi rin ako tumanggi sakanya. Kanina ko pa ito nararamdaman ang bigat sa pakiramdam.

"Guni-guni mo lang siguro yan. Inom nga muna ako ng tubig, nakakakilabot ka naman." Nagtungo ako sa kitchen upang uminom ng tubig.

Mga ilang minuto...

"PUT*NGINA KENDRICK!! HALIKA DITO" sigaw niya.

Galing 'yon sa kwarto ni Zykiel. Tumakbo ako papunta sa kwarto ni bading...

"TANG*INA ZYKIEL!!!!!!!!!"
"TULONGGGG"
"TULUNGAN NIYO KAMI"

Gusto kong mawala ka sa buhay ko Zykiel. Kaso hindi ganitong paraan...
Bakit ka nagpamamatay...
Pasensya na, alam kong hindi mo ako mapapatawad...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now