Spring #1| One

170 6 0
                                    

Is it masakit?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Is it masakit?

Nakangiti ako habang hinihintay ang batang lalaking papalapit sa pwesto ko. Nakabisikleta ito at may bulaklak na mirasol sa lalagyan sa harapan ng sasakyan na gamit niya.

Kinaway niya ang kaniyang kamay sa akin na agad mo namang ginaya at sinklian ng matamis na ngiti.

Nakatitig lang ako sakaniya hanggang sa makalapit siya sa akin. Kahit nihihingal dahil sa pag-akyat niya dito sa bundok inabot niya sa akin ang miraol na hawak niya, nakangiti siya at diretsong nakatitig sa aking mga mata.

Hindi ko alam pero sa tuwing tinititigan ko ang kaniyang kayumangging mata ay napapatahimik ko. Ang gand-ganda ng mata niya para sa akin.

Ang kayumanggi niyang mata ay parang buhangin sa dagat na kumikislap lalo na nakapag nasisinagan ng araw.

Nang makuha ko ang bulaklak ay mas lumawak ang kaniyang ngiti at sinabihan akong sandali lang dahil iaakyat niya lang ang bisikleta niya.

Nang makababa siya sa kalsada ay maingat siya muling umakyat dito sa bundok kasama ang kaniyang bisikleta at sinandal iyon sa malaking puno na katabi ng kinatatayuan ko.

Mula dito sa pwesto ko sa itaas ay makikita ko sa baba ang malawak at malinis na kalsada. Sa gilid ng kalsada ay may roong bundok na kayang-kaya lakarin pagtambayan. Marami din malalaking puno na pwedeng pagpahingahan.

Sa kabilang banda naman, kung saan kami nakaharap ngayon ay makikita namin sa baba ang malawak na bukirin na pagmamay-ari ng Lolo ko.

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ng batang lalaking kasama ko. Seryoso na ang mukha niyang nakatingin sa akin.

“I know that we can't stay in this place forever. Sabi sa akin ni Mommy na there's a possibility that sooner or later, luluwas kaming Manila at doon na tirira because of my father's business. . . We will have our own path someday but I still want us to end here, gusto ko dito pa rin tayo muling pag tatagpuin ng tadhana.”

Malakas ang ginawa kong paghampas sa alarm clock ng umalingawngaw ang tunog noon sa kwarto ko lalo na sa tenga ko.

Pikit mata akong bumangon sa kama at saka ginulo ang buhok ko. Kagat labi akong  umalis sa kama ko at dumiretso sa banyo.

Hindi na ako nagulat ng makita ang itsura kong bagong gising sa malaking salamin dito sa loob. Tulala lang akong nakatitig sa sarili ko habang inaalala ang panaginip ko. 

Panaginip naman, hindi ko alam pero sa tuwing nananaginip ako ng ganoon ay parang sumasakit ang dibdib ko. Bumibigat ang pakiramdam ko. At ang mga nangyayari sa panahinip ko, parang hindi na panahinip, parang totoong nangyari at nagiging memories na iyon sa isip ko.

Before I went down, I washed my face and tied my long wavy hair into a messy bun.

I took a few steps down the stairs when I smelled what my mother's cooking. "Hmm. . ang bango," I whispered.

Under The Sunset (FSS #1| Spring)Where stories live. Discover now