kaarawan..

1K 13 0
                                    




"Pag salubong birthday, sexbomb STELL!." sigaw sakin ng mga kagrupo ko, nandito kami ngayon sa studio, kakarating lang namin galing sa wish bus. Hindi ko naman alam na may pa surprise pala sila, akala ko kasi mag pololish lang ng choreo para sa crimzone. Pero grabe kahit sobrang busy namin sa mga kaliwa't kanang promotions, works, guestings naisingit padin nila to? Nakakatouch naman.

"Grabe, hindi ko inexpext to mga sexbomb dancers. Pero salamat, get get aw~" napasayaw pa ako. Kaya nag tawanan silang lahat sa studio.

Pero for real natouch talaga ako, okay naman na sakin kahit di kami mag celebrate ngayon. Alam ko namang sobrang busy namin, malapit nadin kasi ang concert namin, saka sempre pagod din ang bawat isa dahil sa sobrang busy ng schedules namin.

"Ano kaba Stell, makakalimutan ba natin to? Medyo napaaga lang pero mas maganda ng icelebrate baka maging busy tayo bukas. Pero lagi mong tandaan na mahal na mahal ka namin." sabay yakap sakin ni justin, kahit kailan talaga sobrang sweet ng bujing namin.

"Salamat Jah." yumakap din ako ng mahigpit, sobrang nakaka lambot kasi ng puso.

"Ayos ba? Ako nakaisip nito." pag yayabang na sabi sakin ni Josh, sabay yakap din sakin. Kahit napaka hangin, ang sweet parin di na nag bago, kahit sobrang tagal na naming magkakilala. Niyakap ko nadin siya sabay sabi kung gano ako nag papasalamat sa ginawa nilang pag surprise sakin.

"meowoo, happy birthday." lumapit sakin si Ken, dala dala ang regalo nito, sempre yumakap din ito sakin. Iniabot ko naman ang regalong bigay niya at nag pasalamat sa kanya. Pati nadin yung dalawa ay nag abot na ng regalo sakin. Hindi ko naman hinangad na makatanggap ng regalo sa mga ito, alam ko namang medyo tight budget kami ngayon. Kasi kami lang din yung nag aambagan para sa pondo namin. Hirap din pala mag sarili, pero kailangan eh, kailangan din namin mag grow.

Sobrang swerte ko talaga sa mga kagrupo ko, sa totoo lang sa sobrang busy namin di ko talaga maramdamang mag bibirthday nako. Kung hindi pa sila nag susurprise sakin baka hinayaan ko nalang lumipas ang birthday ko kasabay ng sunod sunod na trabaho na meron kami ngayon.

"Oh, ang likot ng mga mata mo ah. Hinahanap mo si Pablo? Wala, hinila ni kuya yani kanina, siya nalang sinama para sa emergency meeting, pero try niya daw sumunod." obvious ba, akala ko kasi nandito siya. Kanina kasi mag kakasama lang kaming lahat sa wish bus. Kaya akala ko nandito din siya para isurprise ako hays.. Pero hindi naman ako pwedeng mag reklamo kasi alam kong kami kami lang din ang pwedeng kumilos saka sobrang hands on niya talaga pag dating sa 1Z.

"Uy hindi ah, tinitignan ko lang kung ano hinanda niyong pagkain nagugutom na kasi ako eh." medyo nag sinungaling ako, ayoko kasing isipin nila na sila ang nag effort pero iba ang hinahanap ko.

Halos ilang oras din kaming nag celebrate ng birthday ko, nag kwentuhan, batuhan ng new ideas, nag basa ng mga ilang tweets galing sa mga A'tin. Nag tawanan sa mga meme na nag kalat sa TL namin. Pati yung kay pablo, hindi napalagpas dahil tawang tawa kaming apat bakit naman kasi ginawang papa sej. Naku pag nakita niya talaga to lalaki nanaman butas ng ilong nun at tataas ang kilay dahil ayaw na ayaw niyang natatawag siyang sejun. Buti wala siya dito baka pati kami taasan ng kilay. Pero grabe din mga A'tin kung makapag edit ng mga videos clips kanina sa wishbus layag na layag ang Stelljun/Pastell ah, kung nandito lang sana si Pablo odi may kasama akong kinikilig ngayon.

Pero kanina pa nga ako nag aabang ng chat pero wala, baka nga sobrang busy. Kumain na kaya siya? Kawawa naman, kami nag papakasaya dito tapos siya nakikipag meeting.

10pm nag aya ni sila Jah na umuwi, gusto nadin daw nila makapag pahinga kaya napagkasunduan na namin na mag siuwian kahit wala pa si pablo. medyo nalungkot ako, wala naman akong magagawa kahit gusto ko pa siyang hintayin dito kaso wala namang kasiguraduhan kung anong oras sila matatapos. Saka pagod nadin kaming lahat ngayon.

STELLJUN SB19 ONE SHOT SMUT 🔞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon