Chapter 1: De Lune Sisters

16.4K 415 93
                                    

Atarah Point of view//

"Atarah gisingin mo na ang mga kapatid mo,mahuhuli na kayo sa klase!"sigaw ni nanay Beth na ngayon ay inaayos na ang pagkain sa lamesa.

"Opo nay, papunta na."sinuot ko muna ang sapatos ko at inayos ang band aid sa ilong ko.

Wala naman akong sugat pero gusto ko lang lagyan. Sinasabi kasi nila na bagay ko eh.

Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Ate Arien at Ate Amaris. Pagbukas ko palang ng pinto ay nakita ko na agad ang flying object na papalapit saakin.

"Subukan mong sumigaw Atarah,di ako magdadalawang isip na busalan yang bibig mo."sigaw saakin ni ate Amaris na ngayon ay tinatali na ang buhok niyang mahaba.

Si ate arien naman ay tapos na maligo.

"Pft kakain na daw sabi ni nanay Beth,mahuhuli na tayo."tumango lang sila at ako naman ay nauna na sa kusina.

"Oh saan na ang mga kapatid mo?"umiling lang ako at yumakap sa bewang ni nanay.

"Nay beth,tumawag na ba si mama?"tanong ko pero hindi ito sumagot bagkus ay humarap ito saakin at umiling.

"Wala pa atarah,isang buwan narin ang nakakalipas simula nung huling tawag niya."tumango lang ako at umupo sa isa sa mga upuan.

"Hindi na yon tatawag,milagro nalang kapag oo."rinig ko namang sabat ni ate Arien na ngayon ay umupo na rin sa Hapag.

"Ano ba kayo, hintayin niyo nalang ang mama niy-"hindi na natuloy ni nanay Beth ang sasabihin nang magsalita na rin si ate Amaris na kabababa rin sa hagdan.

"Hindi na siya babalik nay Beth,at ikaw Atarah move on. She'll never come back anymore, unless she will die at dito uuwi ang bangkay niya." si ate amaris na umupo narin.

Sa aming tatlo,ako ang pinaka-malapit kay mama, dahil siguro ako ang bunso.

I'm Atarah De Lune, 19 years old, College Student. Law ang kinuha kong course kasi ganon din ang Course ni ate Arien at ate Amaris.

21 years old na si ate Amaris,siya ang middle child. At si ate Arien ay 24 years old siya ang panganay.

"Tama na yang usapan na yan,kumain na kayo at mahuhuli na kayo sa klase niyo oh."suway ni nanay Beth.

"Opo nay."sabay sabay naming sambit.

Tahimik lang ang hangin sa kusina,dahil na rin sa usapan kanina. Ayoko na sinasabihan nila ng ganon si mama, siyempre nanay pa rin namin siya.

"Atarah,sorry na."rinig ko na sabi ni ate amaris. Tumango lang ako at mabilis na kinain ang nasa Plato ko.

"Ikaw kasi Amaris!"sigaw ni ate Arien.

"Hoy ikaw kaya!"ate Amaris.

"Base on article-"magsasalita pa sana si ate Amaris pero ako na ang nagsalita.

"Late na tayo mga te!!"sigaw ko.

"Anong oras na ba?"tanong ni ate Amaris.

"6:30."sagot ni nanay Beth na agad nagpakaba saamin.

"7 yung first class ko!" sigaw ni ate Arien,maski si ate Amaris at napalundag at agad na kinuha ang gamit niya sa sofa.

Falling To Mysterious Student (COMPLETE)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα