PROLOGUE

47 4 1
                                    


Mom's name appeared on the screen just as I parked my car. Nasa labas kami ng isang kilalang night club. It's Friday night at maraming ganap sa club na ito kapag ganitong araw. Kaya dito namin napagpasyahan na ipagpatuloy ang selebrasyon ng birthday ni Dan.

Hinintay ko munang makababa ang mga kaibigan ko at pinatay ang makina ng sasakyan.

"We'll wait for you outside, bro," wika ni Dan bago bumaba.

Tumango ako sa kaniya bago sinagot ang tawag ni Mommy.

"Where are you now? Your dad is looking for you." Bungad niya nang masagot ko ang kaniyang tawag.

I knew it. Kakarating pa nga lang namin dito sa club pero gusto agad nila akong pauwiin.

"Mom, kakatapos lang namin mag dinner."

"Kaya nga, Gyrus. Iyon nga ang paalam mo sa amin kanina."

"Can I stay for a bit? May after dinner party si Dan and I promised him I'd stay."

"This is what I'm telling you, Monica!" I heard dad's pissed voice. Naka loudspeaker ata si Mom at narinig niya ang mga sinabi ko. "You can never expect him to go home early at times like this. Alam ko ang takbo ng utak ng mga kabataan ngayon!" he added.

Napapikit ako at sinandal ang aking ulo sa upuan habang nakikinig sa pagtatalo nila Mom and Dad.

Hindi ko talaga maintindihan si Dad kung bakit sobrang higpit niya pa din sa akin. I'm already 20, in my legal age for fuck sake. I'm not even a girl to protect for. Kahit na hayaan niya akong lumabas ng gabi, hindi naman ako mabubuntis. If that's what he thinks of. Fuck those beliefs!

He's always been this strict to me. Na kapag binanggit ko sa kaniya ang mga kaibigan ko ay pawang kabulastugan lang ang naiisip niyang ginagawa namin. My parents have met friends, but my dad still doesn't trust them. Kahit wala naman kaming ginawang masama. I hope they'll finally realize that we're just a bunch of grown-up kids desperately clinging to our fleeting youth.

"Please come home before midnight, son," huling wika ni Mom bago ko ibinaba ang tawag.

Napatingin ako ng oras sa cellphone ko. It's already 9:45 PM. I've got whopping two hours and measly minutes. At least. I better make every second count.

"Pinapauwi ka na?" Panunuya ni Gab sa akin nang makalabas ako ng sasakyan.

Napailing ako at inunahan silang maglakad paalis ng parking lot.

"Dapat kasi pinaalam mo sa kanila na mag p-party pa tayo para hindi ka madistorbo," saad ni Renzo.

Napangiwi ako kaniya.

"Do you think Dad would let me leave our house?"

Nilingon ko siya para ipagtanto sa kaniya kung gaano ka walang kwenta ang sinabi niya.

Pinagkibit balikat niya iyon at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makapasok sa loob.

Nakaplano na ang pagpunta namin dito sa night club bago pa man ako magpaalam sa kanila. But I only told them about Dan's birthday dinner dahil alam kong hindi nila ako papayagan kung sasabihin ko kanilang may after dinner party pa pagkatapos. So as now, they can't do anything because I'm already here.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CAPTIVATED Where stories live. Discover now