#WabiSabiMM - 120

424 55 83
                                    

Text Message

Text Message

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Loki:
kuyz bz ba u?
magchachat si mika ha
yung madalas mag-eshop hehe

saka ung pinadalhan ko corndog
:))






kUyz:
Nakausap ko na siya.






Loki:
ohhh tologo??

buti naman nireplyan mo
waq mo sungitan bb ko ahh!!
at buti me load ka AHAHA






kUyz:

Um-oo ako sa alok niya dahil hindi naman mahirap. Kaya pa naman ng oras ko. Nagsisimula pa lang naman sila kaya hindi naman sigurong magiging sobrang busy.



Loki:

kaya nga
sayang din ihhh
kung dehins nga lang me bz sa work now
dame ka na ginagawa ee
basta wag naman sobra sobra ha??






kUyz:
Oo, kaya naman. Ikaw rin, ok?


Loki:
sandaleee
parang may iba sau naun
HMMMM

hoyyyy

HOY
y ka di sobrang pormal ha??????
anyaree
😱😱😱
22o ba dizzzz





kUyz:
Okay lang ba?



Loki:
huh
wat in the world is diz
HAHA

ibalik mo ang kambal q qng cno ka man!!!!
wala na kaming budget para magransom kaya sinasabi q sau 😠😠😠





kUyz:
Leonard





Loki:
halaaaa
kaw nga yern kuyzz??
sa true??
pramis cross ur heart lunok susi??
talagang talaga??????????





kUyz:
May nangyari kasi sa university.



Loki:

HALA NATATAWA AKO PERO BAWAL BA KASI MUKHA KANG SERYOSO HUHUHUH

pero paisang tawa lang sige nuah
HAHAHAHAHAHA
ok game
ha? anyareee??





kUyz:
May ipinadala sa aking feedback na galing sa mga estudyante ko at mga kapwa ko professor. Kinausap din ako ng College Head. Magaling naman daw akong magturo at naiiba ako. Kaya lang, hindi raw masabi ng mga estudyante ko kung gusto ba nila ako o hindi...





Loki:
akala ko ba magaling ka raw magturo bat parang me dilemma sila?





kUyz:
Masyado raw akong pormal... Sobra na raw. Kahit iyong mga kapwa ko Prof ay nagsasabing hindi ako sumasama sa kanila o nakikipag-bonding. Kalahating porsyente lang naman na ayaw ko talaga pero ang kalahati ay wala nama akong oras sa ganoon dahil may iba pa akong kailangang pagtuunan ng oras ko. Siyempre ay hindi ko naman kailangang ipaliwanag pa iyon sa kanila.





Loki:
kuyz...





kUyz:
Ganoon na pala ako kapormal. Hindi ko namalayan. Kaya pala nasabihan na rin ako ni Mika na masungit daw ako. Wala naman akong intensyon na sungitan ang kahit na sino. Sadyang nagmamadali lang ako at gustong matapos nang mabilis ang mga gawain ko para magawa ko pa iyong mga susunod... Ang kaso ay negatibo na pala.





Loki:
aysha ang serious mode naman :((((((((((
teka serious mode is me ON

hmm... sabi mo nga, gusto ka din naman nila, hindi lang buo
e hindi naman tayo need 100% magustuhan ng ibang tao kuyz
saka yang ginagawa mo ngayon na unti-unti mong binabago ang sarili mo para maging "reachable" ka sa iba e malaking step na

kasi mahirap yan
nasanay na lang din ako sayo e pero alam kong masyado mong love ang filipino haha
pero kung magiging totoo rin me, tama sila na kailangan mong "makisama" kahit papano at lumabas sa kahon mo, kuys

may mga pinagdadaanan tayo sa buhay pero di naman natin dapat ikulong sarili natin don na tipong di na natin mararanasan yung ganda ng buhay
dasurv mo rin tumawa, gumaan ang pakiramdam, mag-enjoy

aminin mo, may point sinasabi ko ha 😇





kUyz:

Tama ka...




Loki:
basta salamat sa lahat ng mga ginagawa mo samin ni luci, sating tatlo
pramis, babawi ako soon

kasi dami mo nang namiss sa saya ng outside world ahahaha


kUyz:
Kayo ni beybi ang lakas ko 😭
Para sa inyo ang lahat ng ginagawa ko.






Loki:
PFFFFTT
nag-emoji na rin!!!!!!
sori umiiyak ka baaa kasi natatawa ako ahAhahA


kUyz:
🤨





Loki:
AHAHAHAHA
sheeeet
nakakapanibago but i like it very much to da highest level
approved!!! 🤣





kUyz:
🥺❤️



Loki:

🤣🤣🤣

nagbago na isip ko
ibalik mo na dati kong kakambal AHhaAhahahahaha





kUyz:
Ha Ha Ha




Loki:
HOY!!! AHAHAHAHAHAHAHA
saket na ng tyan ko!!!!

Loki:HOY!!! AHAHAHAHAHAHAHAsaket na ng tyan ko!!!!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
WABI SABI (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon