Chapter 2

13 0 0
                                    

What just happened?

Napaatras ako ng lalo siyang lumapit sa akin. Nagsalubong ang aking kilay habang siya naman ay nakapaskil ang mapaglarong ngisi sa kaniyang labi.

"Hey! Easy man. Masyado lang malapit, distansiya!" Nakahinga ako ng maluwag nang sitain siya ng kaniyang kaklase.

Halos hindi ako makagalaw dahil sa ginawa niya. Ngumisi lang si Samuel at kinagat ang ibabang labi bago dumistansiya.

"M-Mau... Halika na," anyaya ko sa aking kabigan.

Hindi ko na hinintay ang kaniyang sasabihin at basta ko na lang siyang hinila ang pulso ni Maurice para makaalis doon. Mabilis kaming pumasok sa room. Naririnig ko pa rin ang malakas na tibok ng puso ko. Hindi ko mahataw para pigilan ang paglakas.

"Ang sakit ng pagkakahila mo ah!" angal ni Maurice habang nakatingin sa pulso niyang hinawakan ko kanina para hilahin siya.

Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi at napahawak sa aking dibdib. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.

"What happened to you? Naalala mo ang poging mukha ni Samuel, 'no?" aniya sa nanunuksong boses.

Mabilis na sumama ang aking mukha pilit huwag umangal sa kaniyang sinabi. Dahil baka sabihin nito ay defensive ako.

Aaminin ko natulala ako kanina ng makita ko siya. Hindi ko rin maiwasang mamangha sa kaniyang mukha. May lahi kaya siya? Isa ba siyang chinese o half chinese lang?

Umiling na lamang ako. Ang mga ganiyang tao ay hindi dapat pinagaaksayahan ng oras. Ayoko magkaroon ng kaguluhan sa utak ko kaya habang maaga pa kailangan ng alisin. I need to study hard.

Nang mag 12 pm ay nag-lunch ako kasama si Maurice sa canteen. Gusto pa sana niyang lumabas kami sa school para doon na lang kumain sa harap ng school na may karinderya ngunit hindi ako pumayag dahil mainit sa labas at malayo pa ang lalakarin namin patungo sa gate.

Malayo building namin sa gate tapos masiyado pang mainit lalo't na wala rin akong payong. Kaya hindi na ako nag-abalang lumabas sa school.

Kaya dito na lang ako kakain sa canteen at titiisin ang mga pagkain na meron sila. Masarap ang mga luto nila rito kaso nakakaumay na rin minsan kung paulit ulit din ang nagiging ulam.

Si Maurice na ang bumili ng makakain namin. Feel niya raw kasi ngayon ang makipagsiksikan. Habang hinihintay ko siya. I started to on my phone and play some music. This is what I'm doing when I'm alone.

While I was listening to the music. My gaze turns to the entrance when a man came in with his friends. Laughing and talking. I stared him intently. I can't take off my eyes on him.

Kahit sa malayo ay makikita mo kung gaano siya ka gwapo. I heard he is academic achiever even on his previous school. Grade 7 until now.

Samuel Lorenzo Jimenez that's his full name. I just know his full name because of Maurice. Maurice is such a stalker. Tila aalamin talaga ang buo mong pagkatao para lang may malaman siya.

I Immediately looked away, dahil napatingin ito sa pwesto ko. Umayos ako nang upo ng matanaw ko si Maurice dala dala ang pagkain naming dalawa. Kaagad akong tumayo para kunin ang hawak niya.

"Ang haba ng pila! Haggard na naman ako nito!" pagrereklamo niya at sumimangot.

Mahinang tumawa lang ako at saka nilagay ko sa harapan niya ang pagkaing binili nito at sa akin naman ay nilagay ko sa aking harapan.

Tahimik na nagsimula kaming kumain ni Maurice. Maya't maya ang nag iingay na ito. Naiiling na sinuway ko dahil nagsasalita ito habang may pagkain sa bibig niya ngunit nag peace sign lang ito sa akin at saka tinuloy ang pagkain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tangled  (Jimenez Series 1#)Where stories live. Discover now