Chapter 2

0 0 0
                                    

Natahimik ang buong klase sa pagasok ng kanilang adviser.

Naririnig din ni Sam ang bulung-bulungan ng mga kaklase. Baka ngayom raw kasi ang announcement para sa class standing nila sa nakaraang quarter.

Kabado naman si Samantha kahit na lagi siyang nangunguna sa klase. Di niya maiaalis ang kanyang kaba. Kailangan niyang ma-maintain ang rank niya hanggang graduation para makakuha ng full scholarship sa college.

Kailangan niyang tulungan ang nanay niya jasi malaki ang gastos at hindi nito kakayanin ang lahat ng gastusin.

"Good morning, class," sabi ng guro nila. Hawak nito ang isang papel.

"Good morning, Ms. Sanchez," tugon ng buong klase.

Itinaas ng guro ang papel na hawak.

"This is the list of your class standing for the second quarter and I'm going to announce it now."

Naghiyawan ang mga estudyante habang di pa rin mapakali si Samanta. Ramdam niya ang pawis sa buong katawan niya.

"Let's start with our top 1. Congratulations, Samantha Gale Bueno, you are still on your spot."

Parang nabunutan ng tinik si Samantha matapos marinig ang pangalan. Kunting kembot na lang makukuha na niya ang inaaaam na scholarship. Tumayo siya at nag vow sa mga kakalse. Nagpalakpakan naman ang mga ito.

Pinisil-pisil naman ni Astrid ang kanyang bilbil sa gilid pagkaupo niya.

"No doubt, Sam. Grats." Bulong nito sa kanya.

Nagpatuloy ang guro." Our top 2 achiever is having a very close fight with Samantha. Still on your spot, Trish Sebastian. Congratulations. You two are unbeatable. Keep on going."

Tumayo din si Trish at nagvow sa lahat. Nagpang-abot a g kanilang paningin ng tingnan niya ito. Seryoso itong tumitig sa kanya. Hindi naman talaga sila close nito, but they never fight literally, sa acads lang. Nababasa niya sa mga mata nito na gusto pa talaga niyang lumaban which she always did ever since.

She smiled at her but she just looked away. Napangiti na lang siya sa kawalan. Gusto pa rin niya ng healthy competition. Nagpatuloy ang announcement pero hindi na ito nasubaybayan ni Samantha.Tanging nadagdag sa kaalaman niya na pumasok din si Astrid sa top 5.

"Congrats, Sam."

Napatigil sa pag-aayos ng gamit si Sam para tingnan si Trish.
"Salamat, Trish. Congrats din sa'yo."

"Don't bother, it's not that important."

Napakunot noo si Sam. Paanong naging hindi importante ang karangalan na iyon. Samantalang siya ay halos iukit niya ang goal na yon sa utak niya. Sabagay hindi kailangan ni Trish ang scholarship dahil mayaman ito.

" Never mind that. I am still aiming to be on your spot. I'm not giving up yet," kalmado nitong sabi.

Sinenyasan nito ang mga kaibigan at nauna ng lumabas ng classroom. Naiwan siyang tulala. Kaya siguro hindi importante ang second place kasi gusto nito ang first. Pero mas lalo naman siyang hindi magpapatalo. Basta ba huwag daanin ni Trish ang labanan sa pera at impluwensiya.

"Anong sabi?" tanong ni Astrid.

Nagkibit siya ng balikat."Binati ako nung una. Pero may pahabol. Pangarap pa rin daw niya ang puwesto ko. Hindi pa siya susuko," tugon ni Sam.

Isinukbit na niya ang bag at sabay na silang lumabas ng classroom ni Astrid.

"Hindi pa ba siya nadadala? Ang tagal na niyamg lumaban pero hindi ka naman niya napantayan man lang."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Shattered DreamsWhere stories live. Discover now