Chapter 25: Marry me

444 13 1
                                    

Chapter 25: Marry me

Kinaumagahan ay naalimpungatan ako sa ingay ng mga bata. Pupungas-pungas akong bumangon saka dumeretso sa sala kung saan nagmumula ang ingay. Naabutan ko silang kumakain na doon ng breakfast. Kumunot ang noo ko.

“Saan ang Papa niyo?” tanong ko sa kanila habang pababa ng hagdan.

Agad silang napatingin sa akin. Ngumunguya at nakaharap sa TV. “Nangisda po, Mama,” sagot ni Nyzan.

Kumunot lalo ang noo ko. Nangisda? Marunong ba iyon?

“Sinong kasama niya?” tanong ko.

“Sina Tito Evs po, Mama. Don’t worry, he’s safe. That’s what he told us,” ani Nycko.

“Why don’t you eat na lang po rito, Mama? Papa cooked this for us. In fairness, he’s improving,” ani Nylvid habang kinakain ang nilutong itlog, bacon, hotdog at fried rice ng Papa niya.

Tipid akong napangiti habang nakatingin sa pagkain. Lumapit ako sa kanila saka naupo sa tabi saka tinikman ang niluto niya.

Napangiti ako. Masarap na nga ang fried rice at itlog niya. Sakto na rin ang ingredients na pinaglalagay niya. Hindi gaya ng dati na kung ano-ano na lang ang mga nilalagay niya tapos kung hindi pa maalat, wala namang lasa.

“Mama, have you been in the middle of the sea po?” tanong ni Nylvid sa akin.

Tiningnan ko siya habang nginunguya ang pagkain. “Me? I can’t remember. Iyong huli kong nakarating sa gitna ng karagatan ay iyong papunta tayo rito. Sakay tayo sa yacht. Bakit?”

“No. Ang ibig ko pong sabihin ay iyong nakasakay ka sa isang small boat po? Tapos nangingisda pa,” wika niya.

Ngumuso ako saka umiling. “Hindi pa, eh. Hindi ko pa nasubukang mangisda. Tsaka hindi pa ako nakapunta sa gitna ng karagatan nang maliit na bangka lang ang sinasakyan. Bakit?”

“Hm… Sometimes I wonder what it feels like to be there? You know, going fishing in the middle of the ocean. Siguro maraming mga sea creatures doon. Like Aquaman?” saad ni Nylvid.

Mahina akong natawa saka hinaplos ang buhok niya. “Well, who knows? Maybe the fishermen in the island would always see Aquaman. Or maybe, mermaids. Or sirens. Who knows? But what we only know is that they are legends.”

“I wanna see real life whales, Mama. Pwede po ba tayong pumunta sa susunod? Pwede po ba tayong sumama kay Papa next time?” ani Nylvid.

Nagliliwanag ang mga mata niya. Ngumiti ako. “Hm… titingnan natin. Syempre si Papa pa rin ang magdedesisyon niyan. He knows how dangerous it is in the middle of the ocean. Pero of course, nothing’s impossible naman. Titingnan natin.”

He smiled wide. “I hope Papa would let me come with him next time.”

“I’m sure he would,” wika ko.

“But you really believe that mermaids exist, Mama?” tanong ni Nylvid sa akin.

Ngumuso ako. “Hm… yes.”

Napalingon na rin ang dalawa pang bata sa akin. Pansin kong interesado na rin sila sa usapan namin ng kapatid nila.

“Really? Why? Have you seen one?” ani Nycko.

Ngumiti ako saka umiling. “Hindi pa. Pero who knows, diba? Kaya ako naniniwalang may mermaids dahil may humans. If we, human are living on the land, then who’s living under the sea? Just fishes? If mermaids aren’t real then how come that human were able to made them up? How did they know that mermaids are half human half fish?”

Napatango-tango sila. Pansin ko ang pagkamangha sa mga mata nila.

“How about Aquaman? Do you believe that he’s real?” tanong ni Nyzan.

Heart in the Depth of the Sea (Heart Series #6)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant