Chapter 3

43 4 0
                                    

Ngayung araw ang labas ko sa Hospital, halos dalawang araw din akong namalagi dahil sabi ng doktor na tumingin sa akin ay nakaranas daw ako ng over fatigue.

Pinagsabihan din ako ni Sien na wag munang magtrabaho pansamantala at magpahinga muna kahit mga ilang araw na kinuntra ko naman dahil kaya ko na pero ewan ko ba sa kanya, subrang oa nya pagdating sa akin.

"Sien naman, hindi na yun kailangan." Pagpigil ko sa kanya nang malaman kung kukuha pa sya ng wheelchair.

"Hindi naman ako lumpo eh."

"Luxien, wag nang matigas ang ulo. Paano kung may mangyaring hindi maganda sa'yo?"

"At ano naman ang mangyayaring hindi maganda hah? Saka isa pa, ayus lang ako, okay na yung pakiramdam ko kaya wag ka nang mag-alala, hindi mo na kailangan na magpakuha pa ng wheelchair. My God Sien..." Napahawak na lang ako sa aking nuo dahil sa subrang pagka-oa nya.

Sa huli ay ako ang nasunod, pero sa isang kundisyon pumayag ako na hindi muna magtratrabaho kahit na labag man sa loob ko pero wala na din akong nagawa pa dahil kung hindi nakakahiyang lumabas ako nang nakawheelchair kahit na hindi naman ako lumpo.

Ewan ko ba sa kanya, hindi ko din sya maintindihan minsan eh. Ang lagi nya lang sa akin na sinasabi ay para din naman yun sa kapakanan ko.

Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasan na hindi matulala sa labas. Kita ko ang mga nagtataasang gusali, halos kakaunti na din ang mga puno hindi katulad sa probinsya. Kita ko din ang mga taong may sari-sariling buhay.

Ibang iba ang syudad na kinalakihan ko kaysa sa lugar na pinanggalingan ko. Pagtingin ko sa kalangitan ay kita ko ang mga ibon na nagliliparan, pansin ko din na madilim ang kalangitan senyalis na uulan.

Bigla akong napatingin sa kanang kamay ko nang maramdaman ko na hinawakan ito ni Sien.

"Okay ka lang?"

"Oo naman." Binigyan ko sya ng isang ngiti para ipakita sa kanya na ayus lang ako kahit na ang totoo'y parang may kulang na hindi ko alam.

Sinulyapan ko sya, yung kanang kamay nya ang may hawak ng manubela samantalang yung kaliwang kamay nya naman ay hawak ang kamay ko.

Hindi ko din mapigilan na hindi sya titigan, he just wear a black pants and white t-shirt, nakacup din syang white, kahit ano atang isuot ng lalaking ito ay babagay sa kanya.

"Anong gusto mong matanggap na gift sa birthday mo?" Narinig kong tanong nito. Nakafucos padin ang tingin sa kalsada.

"Birthday?" Paninigurado ko pa kung tama ba ang pagkakarinig ko. "Sinong may birthday?"

"Ikaw, kaarawan mo na sa susunod na buwan. Limot mo na?" Hindi nito makapaniwalang tanong sa akin.

Napangiti na lang ako sa kawalan. Hindi ko alam na kaarawan ko na pala sa susunod na buwan. Dahil siguro sa hindi na ako nagcecelebrate ng birthday ko dahil sa nangyari noon kaya nakalimutan ko na. Napabuntong hininga na lang ako.

Bigla akong napatingin kay Sien nang maramdaman ko ang pagtigil nya nang sasakyan, pagtingin ko sa labas ay kulay pula pala ang traffic light, kita ko din ang ilang mga tao na tumatawid sa kalsada.

"Hey." Pagpukaw nito ng atensyon ko.

Wala akong nagawa kun'di lingunin sya.

"Bakit?" Wala kong ganang tanong sa kanya.

Gusto ko man na maging masigla ngayung araw ay hindi ko naman magawa nang malaman kong malapit na pala ang kaarawan ko.

"Sigurado ka bang okay ka lang?" Paninigurado pa nito.

Legata DomusWhere stories live. Discover now