GANGSTER 43

709 12 5
                                    

Kath's POV

" Ikaw.." Malungkot kong sabi

"What?! Bakit ako?" Julian

"Naaalala mo nung hinatid moko?", tumango siya, " Nung gabing yun pumunta siya samin... tapos nagalit siya sakin," Tahimik lang siya kaya pinagpatuloy ko na " Tapos tinanong pa niya kung mahal na ba daw kita? Tangna lang diba?! ano yun? kayong magpinsan pagsasabayin ko? Pinagmukha niya na nga akong malandi sinaktan pa ako. Wow lang!" Hindi ko na napigilan umiyak na naman ako.

"Shh..." Niyakap niya ako. And there bumuhos na yung luha ko. Hindi pa naman kami nagbebreak ganto na kasakit pano pa kaya pag nagbreak kami?! Sh't lang.

" Wow! Ganda ng show! Yung girlfriend ko at yung gago kong pinsan magkayakap! Naks! Ang sweet a!" Nabigla naman kami at napabitaw sa pagkayakap. And there I saw Dj standing and staring angrily at us.

" Pare---" Hindi pa natatapos ni Julian ang sasabihin niya ay sinugod na agaf siya ni Dj.

"Pare?! Tang*na wag mokong mapare-pare diyan! Wag kang ahas Julian! sinabi ko na sayo diba?! WAG SI KATH!" Tuloy- tuloy na yung suntok niya," Pero anong ginawa mo ?! Nalapit ka pa din?! Walangya! Wala namang sulutan tol! Akin to e! Alam kong magkaaway kami pero wag mong ahasin!" Hindi na ako nakapagpigil.

" Dj tama na!" Awat ko sa kanya. Pero dahil kasing lakas ata to ng dragon wala akong nagawa .

Patuloy pa rin siya sa pagsuntok kay Julian," Dj! Tama na sabi e!" Ako.

Buti naman huminahon na siya. Pinuntahan ko si Julian. Gad! Puto dugo na yung damit niya. Hinarap ko si Dj.

"Ano bang problema mo ha Dj?!" Ako.

"Anong problema ko?! Ha?", Hinawakan niya yung braso ko ng mahigpit.

"Aray ano ba! Nasasaktan ako!" Nagpupumiglas ako ," Pumunta ako dito para makipag- ayos tapos ito madadatnan ko?! Langya! " Dj.

"Alin ba sa ayaw kitang makausap ang hindi mo maintindihan ha?!" Ginamit ko yung buong lakas ko para makaalis sa paghawak niya at pinuntahan ko si Julian.

Ohmy! Wala.na siyang malay. Binuhat ko siya patayo," Julian gising.." Gumalaw siya ng konti.

" Kath wag mo ngang tulungan yan--" Hindi ko na siya pinatapos," Alam mo yung problema sayo Daniel!? Masyado kang malisyoso! Ang akala mo lagi porke nilapitan ko nilandi ko na! Tigilan mo muna ako Dj! At wag mo muna akong lapitan! Leave the hell of me alone!" Umalis na kami dun. Pumunta na kami sa clinic.
--
Pumasok na kami sa clinic tapos hiniga ko na siya sa hospital bed

"Nurse, pakitingnan naman po siya oh." Sabi ko dun sa Nurse.

"Okay naman siya. Kelangan lang siyang linisan tsaka magpahinga.Ahm... boyfriend mo?" Nurse.

"Nako hindi po a, kaibigan ko po siya. Yung boyfriend ko... siya yung bumogbog kay Julian." Paliwanag ko.

"Ah si sir Daniel nga pala. Sorry Ms. Kath. Nakalimutan ko." Nurse.

"Haha, ay naku Ms. Nurse , wag na pong Ms. Kath kasi masyadong pormal e. Tsaka pano niyo po nalaman na ako ang girlfriend niya?" Ako.

" Jusko ! Famous ka po sa buong university at sa lahat ng school sa Manila!" Napa-awang yung bibig ko. As in buong Manila talaga?!

"Ahh, hehe, sige Ate Nurse , hahagilap lang ako ng shurt na ipapasuot ko kay Julian aa? Babalik po ako."Paalam ko kay Ate Nurse.

--

Naglalakad ako sa hallway ng makita ko si Lester.

"Lester!" Tawag ko buti tumingin siya

"Oh Kath, bakit?" Lester

Gangster's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon