CHAPTER 1; Aventure Beggin

0 0 0
                                    

Roxy's POV

Saaking paglisan saking pinaka mamahal na tahanan, ay aking dinala ang mga ala-ala namin ni ama. Ang mga masasaya naming ala-ala ay nakakapangambang ito'y mawala, sa bagong mundong aking tatahakin, di ko mababatid kung anong mangayayari saakin. Gabayan nawa ako ng may kapal, nawa'y ako'y kanyang bantayan, tulungang magampanan ang misyong pinatong sa aking balikat.

[Decay Kingdom entrance]
Sa wakas ako'y nakarating nang ligtas ngunit tila yata may gustong humarang saaking patutunguhan.

"Hanggang dyan ka lang!"- pagpigil saakin ng mhama. Sa nakikita ko at sa tono ng pananalita niya ay siya ang nagbabantay sa tarangkahan ng Decay

"Hah? Bakit?" - Tanung ko

"Hindi maaaring pumasok ang mga taga-labas, pwera na lamang kung may pahintulot sila ng nakatataas" - tugon nito

*aking kinuha ang sedula saaking bulsa na nakuha ko sa daan kanina at inabot ito sa kanya*

"Ah... Ikaw pala si Roxanne Minebes, sige maaari ka nang tumuloy" sambit nito sakin

{Flash back}
Habang ako ay naghahanap ng maiinom, napansin ko ang isang babae na kumakain ng buhay na hayop sa daan. Nilapitan ko sya at nakita ko ang susi ko patungo sa Decay Kingdom... Isang sedula, maaari kong magamit yon upang mas madali akong makakapasok sa Decay Kingdom. Nung napansin na ako ng babae ay aking inangat ang aking buhok sa kaliwang bahagi ng mata ko at sya'y tinitigan, unti-unti ko syang nakikitang manging abo hanggang sa tuluyan na ngang tangayin ng hangin ang kanyang abo.
Aking kinuha ang kanyang mga kagamitan at binasa ang laman ng kanyang sedula.

"tingnan mo nga naman ang pagkakataon... Magkatokayo kami, napaka-ganda naman ng plano saakin ng nakatataas, talagang di nya ako pinababayaan... Tingnan natin, Roxanne Minebes, labing-walong taong gulang, at taga- Nimpha city, hmm... Mukhang marami akong kailangang pekein sa sarili ko. Dapat ba akong magsaliksik pa tungkol sa kanya? Baka mamaya kilala siya ng mga taga-ruon. Hmm... Tsk! Ayos na to ang mahalaga ay makapasok ako sa lugar na yon at malaman ko ang kanilang kahinaan at kalakasan at.... Nang makauwi na rin ako" - sambit ko sa sarili ko

{END OF FLASHBACK}

"Sa wakas ay nakapasok din! Kala ko gagamitin ko na naman ang kapangyarihan ko sa mhamang yon"- sambit ko sa isip ko

"Ikaw ba si Roxy?" - nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko

"AY KABAYO!" *sigaw ko*

"Ikaw ba si Roxy? Oo o hindi?"- Tanung muli saakin ng babae

"Ah... Oo... Ako si Roxanne Wil-- este Minebes"- sagot ko

"Sumunod ka" - Utos nito sakin

At gaya ng sinabi nya sumunod ako at dinala nya ako sa may mismong palasyo ng Decay Kingdom at pumasok sa isang kawarto

"Mak! *sigaw nito* Mak! MAK! Nasan ka ba?! Mak!" - galit na sigaw ng babae

"Oh? Bakit ba? Nililigo ako eh *napalingon sakin* sino yan?" - tanong ng lalaking may tuwalya pa sa balikat

"Sya si Binibining Minebes ikaw na ang bahalang magharap sakanya sa hari, kung may mangayari man sa kanya na hindi maganda... Ikaw na rin ang bahala *napatigil ako sa mga sinambit nya* oh sya mauuna na ko, ikaw na ang bahala sa kanya" - Sambit nito sabay alis

"T-teka! S-sarah! Hayst! Iniwanan na nmn ako, bueno magpapakilala ako, ang pangan ko ay Michael, Mi-ka-el pero pwede mo akong tawaging Mak. Ikaw nmn" - Pagpapakilala nito

"Ako nmn si Roxanne, hindi Rok-san! Roks-an, pwde mo rin akong tawaging Roxy" - Pagpapakilala ko sabay tawa naming dalawa

"Wala ngayon ang hari, baka bukas o sa makalawa pa ang balik nya"- Sambit ni Mak

"Huh? Bakit? nasan ba sya?" - tanong ko

"Walang nakakaalam, pero ang balita ko sya mismo ang nag-eespiya sa Galior Kingdom kaya sya madalas wala dito... Yun ang balita ko" - tugon nito

"Kung ganon nag-eespiya rin pala ang hari nila sa ibang isla... Pero bakit kaya? Katulad lang din ba ng akin ang ginagawa nya, o di kaya nmn ay may iba syang plano kaya sya nag-eespiya sa Galior Kingdom.. Pero bakit sa Galior Kingdom? Ano kayang meron don eh ang balita ko unti unti nang bumabagsak ang kahariang yon... Hmmm... Bakit kaya? "- Sambit ko sa isipan ko

𝗧𝗼 𝗯𝗲 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗶𝗻𝘂𝗲𝗱

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

死の目 (Shi no me)Where stories live. Discover now