Prologue

0 0 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Covane's pov

"Ikaw covane, may boyfriend ka na ba?" Pagtatanong ni tita. Napatingin ako sa kanya

"Ako po? Wala po" saad ko.

Nandito ang mga tito at tita ko na inimbitahan nina mama at papa, hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa kaming makipaghalubilo sa kanila

Pinaakyat na kami sa mga kwarto namin... Dinner na kaya bababa na kami, nagulat ako dahil yung isang kapatid ni mama at yung anak nya ay nandito pa rin.

Habang kumakain kami, kasalo namin sila tita at parang may gustong sabihin si mama

"Mga anak, dito muna titira ang anak ng tita ninyo, siya si Sarah, pinsang buo nyo yan" saad ni mama at pagpapakilala sa babaeng kasing edaran ko lang. "Pupunta kasing US ang tita nyo at wala syang kasama kaya nagpagpasiyahan kong dito lang siya, okay lang ba?"

Tanong ni mama samin, tumango naman kaming tatlo nila ate at kuya.

Fast-forward

Masyado kaming naging close ni Sarah sa isa't isa, magkatabi kami ng kwarto at sa guest room sya natutulog. Pareho na kami ng school at course pagdating ng college kaya magkaklase kaming dalawa

"Hay, masyadong harsh maging Flight attendant, stress na stress na ko" saad ni Sarah sakin. Natawa ako ng kaunti

"Hay nako, wala namang madaling course, 'no. Kung gusto mong matupad, paghirapan mo" saad ko sa kanya. 3rd year na kami at ito, pahirap nang pahirap

"Sarah! Covane!" Sigaw ng kaibigan namin, si Marcus

"Ano nanaman ba, Marcus?" Pagtatanong ni Sarah, aso't pusa talaga tong dalawa

"May mag co-concert daw na sikat na banda dito sa paskuhan, hulaan nyo kung sino" saad nya.

"Sino?" Sabay naming tanong ni Sarah

"Yung Gatreez!!" Masayang sambit ni Marcus, lumiwanag din ang mukha ni Sarah

"Anong Gatreez?" Pagtatanong ko sa kanila. Natigil ang saglit nilang kasiyahan sa pagtatanong ko at ang ngiti sa kanilang mukha ay nawala

"Hindi mo alam? Hindi mo sila kilala?" Takang tanong ni Marcus sakin. Umiling naman ako

"Sure ka bang hindi mo kilala o nag mamaang maangan ka lang?" Pagtatanong naman ni Sarah.

"Hindi ko alam yan, hindi naman sikat" saad ko sa kanila, kumunot naman ang mukha nilang dalawa at masama akong tinignan. "Oh? Bakit?"

"Anong hindi sikat ka diyan!!" Saad ni Sarah. Natawa ako sa reaksyon nya

"Rate nyo kung gaano kasikat" paghahamon ko sa kanilang dalawa

"10/10" saad ni Marcus

"100/10" saad ni Sarah

"Hay nako Covane, sa sobrang busy ko wala ka nanamang alam sa surroundings" saad ni Marcus. Tatlo kaming natawa, busy nga ako at wala akong masyadong alam, ni hindi na nga ako nakakaayos ng sarili para sa pag aaral

"Sasama ka ba, Cov?" Pagtatanong ni Sarah

"Oo" maikling saad ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Famous Boyfriend Where stories live. Discover now