Chapter 6

45 2 1
                                    


Med school Year 2018


Twisting Justice


Hindi rin naging matagal ang interaction namin ni Basil dahil umalis din siya agad nang makita kaming magkakaibigan. Sinundan siya namin ng tingin bago lumapit kila Allias at Jov.

"Ayos lang ba kayo?" sunod sunod na tanong namin sa mga ito. Sinabi ng nurse na wala naman fracture bones base kanilang x-ray results. Ang kanilang injuries ay hindi malala. Nakahinga kami nang maluwag dahil sa narinig.

I was worried to death about what they've been through. Kaya nalang malakas akong napahagulhol. Alam kong ako ang iyakin sa aming magkakaibigan kaya sanay na rin ang mga ito sa akin.

Sabay kong niyakap ang dalawa.

"Nag-alala ako sainyo! Sabi ko naman diba?! Huwag niyo na sundan!" humahagulhol kong siigaw ko sa tatlo.

Allias chuckled and patted my head. "Don't worry, everything is fine with us. Ano nga pala nangyari sa lalaki at estudyante?" tanong nito.
 
"Let the police handle that. You all did your part as concerned citizens. Give your testimony about what you saw to them, and we would leave. We don't want to be part of this, okay?" malumay na paliwanag sa amin ni Reagan.

"He is right. We should leave. I hate hospitals! Kanina nakita ko may sinugod na lalaking naputulan ng paa!" si Jov.
 
Bumuntonghininga nalang ako dahil mas mabuti ngang umalis na kami dahil wala naman kaming kinalaman kung bakit nangyari iyon kanina. But I can't help but be worried about the high school student. Siya lang mag-isa. Siguro tinatawagan na ang magulanniyaya?

How could that kid attempt to cause murder in that playground? Kung hindi kami naki-intervene, baka hindi na aabutin ng pasko iyong lalaking binubugbog nila.
 
"Trinity, are you okay?" Cal asked me with concern. Hinaplos niya ang pisngi ko.

I blink three times, trying to get in touch with reality because I am drowning in my own thoughts.
 
"A-ayos lang. Uwi na tayo."
 
Si Allias ang sumagot sa mga katanungan ng mga pulis sa amin. Nagpasalamat pa ang mga ito sa aming nagawa. Ang ilang doktor ay lumapit at ganoon din ang ginawa.  

Habang nasa byahe pauwi tahimik lang ako. Tumatawa na sila Jov tungkol sa nangyari.

Everyone is worried, and I'm worried about the kid.

Kung may magulang siya bakit humantong sa ganito ang anak niya? I remember that kid's eye expression earlier as he swayed the paddle to hit the man. It's dangerous, and there's no sense of his youthful innocence. As if it were taken away from him.

"You're spacing out. Gusto mo kumain muna tayo?" tanong ng katabi ko sasakyan na si Allias.

I shook my head. I cannot stomach eating tonight. My mind is still baffled by so many things.
 
"Okay. Drink water before you sleep. Don't think and worry too much. We're okay."

Tumango ako. Hinayaan siyang haplusin ang buhok ko.

Habang naliligo ay nakatulala ako. Hindi na rin ako tinatanong ni August at Cal. Tahimik lang ang dalawa sa kama ni August. Dito rin kasi mag-oovernight.

Pagkatapos kong mag blower ng buhok para agad itong matuyo, humiga na agad ako. Nagtalukbong ako ng kumot. Tahimik na nakinig sa bulungan nina August at Cal tungkol sa ipapakilala dapat sa amin ngayong gabi ni Reagan na si Gabriella. I stayed up until they decided to go to sleep. For sure, tulog na rin ang mga lalaki kong kaibigan lalo't may mga iniinda. Hindi rin naman mahilig mag puyat si Reagan lalo't wala na kaming exams ngayon.

Dahan dahan kong binaba ang kumot na nakataklob sa aking katawan. Tumayo ako at sinilip sina Cal. Parehong magkayakap ang dalawa at mahimbing na natutulog. Humihilik pa si August.

How To Save A Life #1:  Calming Of The StormWhere stories live. Discover now